_Manila_"Mag-iingat ka doon hija...kumain ka sa tamang oras. Huwag na huwag kang magpapagutom. Wala kami doon para alagaan ka kung sakaling magkasakit ka. Huwag mong pababayaan ang sarili mo doon. Mag-iingat ka at maraming manloloko doon...huwag kang magtitiwala ng basta-basta. Tandaan mo lahat ng bilin ko sayo...naiintindihan mo ba Ysa?"paratang ni mama habang inaayos ang mga dadalhin kong gamit.
Si mama ang nag-ayos ng lahat ng aking mga gamit na dadalhin sa Manila. Nakapaghanap na rin doon si papa ng aking matutuluyang apartment upang pagkarating doon ay wala na akong aabalahin pa. Sinisigurado ni mama na madadala ko lahat ng mga kakailanganin ko. Walang labis at walang kulang. Marami din siyang habilin kahit pa tungkol sa mga lalaki. Ewan ko ba at bakit pa nasama sa usapan iyan kahit na wala pa talaga sa isipan ko ang pag-ibig.
"Mama...wala pa po akong planong magboyfriend ano ka ba?!...ang gusto ko lang po ay makapagtapos muna ng college at magkaroon ng magandang trabaho."naiinis na sabi ko.
"Oo..naiintindihan ko naman iyon..ang sakin lamang ay pinaalalahanan lang kita at baka mahulog ka sa bitag...maraming mga manloloko sa Maynila at kadalasan sa mga ito ay mga mayayaman...Naku sinasabi ko sayo Ysabelle...tandaan mo lahat ng habilin ko."mariin na sabi ni mama.
I sighed"Oo mama....tatandaan ko lahat."sabi ko.
Mabuti at hindi na siya muling nagpatuloy sa kanyang sermon. She continued arranging my things. Habang ako naman ay lumabas na muna at pumunta sa palayan.
I stared in every corner of the rice field. I will miss the view here. The different views of sunset each day that completed my day. The fresh air of Nueva Ecija. I will damn miss everything here. My daily routines, the people and anything else.
I sighed"Does my life in Manila will be peaceful as my life here?"...tanong ko sa sarili.
Sana nga magiging kasing payapa ng pamumuhay ko rito ang pamumuhay ko rin sa Manila. Tanging pag-aaral at trabaho lamang ang aking iisipin. How I badly wished it would be like this right?
Sa makalawa na ang alis ko rito. Magpapasukan na rin kasi kaya kailangan ko ng lumuwas upang hindi na mahirapan pa at makapag-adjust na sa pamumuhay roon sa Manila. Maghahanap rin ako ng part-time job upang may pangdagdag sa aking gastusin. Ayokong umasa sa aking mga magulang. Gusto kong maging independent dahil nararapat lg din iyon.
"Jess alagaan mo rito sina mama at papa ha. Bantayan mo at ipaalala ang mga gamot na iniinom ni papa. Mag-aral ka rin dito nang mabuti. Huwag kang magboyfriend muna tsaka na kapag nasa tamang edad kana. Pagbutihin mo ang pag-aaral mo rito dahil kapag nagkolehiyo kana doon ka rin mag-aaral sa Manila. Naiintindihan mo ba ako Jessica Elyse?"sabi ko sa kanya.
Matagal bago siya nakasagot.."O-Oo naman ate."sabi ni Jessica.
"Ano ka bang bata ka...ba't kaba tulala?. Anong iniisip mo riyan?"
She sighed"Wala naman ateng...siguro maninibago lang dahil minsan ka nalang dito uuwi. Mamimiss kita ate."sabi niya sabay yakap sa akin.
"Mamimiss din kita Jess. Mag-iingat kayo dito ha."
"Syempre naman ateng...ikaw din mag-iingat ka doon. Tatawag ka palagi ha."
Tumago ako at hinigpitan lalo ang yakap sa kapatid. Tumagal ang aming yakapan hanggang sa oras na kailangan ko ng umalis. Hinatid nila ako sa terminal ng bus. Inihabilin na rin si papa sa akin ang address ng aking matutuluyang apartment doon.
Pumasok na ako sa bus at sa upuang nasa gilid ng bintana ako umupo upang makikita ko ang mga tanawin. Umandar na ito at unti-unting lumayo at lumiit ang mga tao sa terminal. Tinanaw ko na lamang ang mga sasakyan dumaraan sa dilim na kalsada hanggang sa nakatulog na ako.
YOU ARE READING
BEYOND ALL LIES(On-Going)
Teen FictionJezzlyn always dream to study at Ateneo De Manila University. Because of lack of money, she used her intelligence to got a scholarship from the university to finished college. To gave her parents a better life . Her life is always at peace but it wa...