_First Day_
Days, weeks passed by ganoon lang ang nangyari. Sa halos isang buwan kong pagtatrabaho sa cafe ay hindi ko na muli nakita pa iyong lalaking nagtanong tungkol sakin. Kahit na ganoon hindi pa rin mawala sa isipan ko ang tungkol sa pagtanong niya noon. Mayroon kakaiba sa kanya. He's just an anonymous person but he's affection on mine is strong. I dont know how it is like?
Maybe he's just no one. Someone who isn't important. Siguro trip niya lang tanungin iyong pangalan ko at wala nang iba pang-ibig sabihin.
Biyernes ngayon at last day ko na sa cafe bilang full-time worker. Sa lunes na kasi iyong pasukan namin. Sinabi ko sa manager na kung pwede ay sa lunes na lang din ako magsisimula bilang part-time worker. Pumayag naman siya at sinabi pang kailangan kong magpahinga bilang paghahanda sa araw ng pasukan ko. Tamang-tama lang naman iyon dahil sa weekend ay bibili ako ng school supplies at mag-gogrocery na rin. Nakuha ko na rin ang aking sahod kaya mayroon na akong pang-gastos sa mga kakailanganin ko.
Pagkatapos ng trabaho ay nagpaalam na ako sa manager at mga co-workers. Umuwi kaagad ako dahil pagod at wala ng lakas. Marami kasing costumers dahil Friday. Ewan ko ba bakit tuwing biyernes ay maraming tao sa mga cafe,mall at iba pang mga galaan dito. Siguro dahil Friday ay payday. Pagkatapos kong kumain ay nagluto na ako ng hapunan. Sakto naman na patapos na ako ng tumunog ang aking cellphone.
Papa calling....
"Hello..Pa!"masayang sambit ko.
"H-hello anak...kamusta ka riyan? Ayos ka lang ba? Kumakain kaba sa tamang oras?"nag-aalalang sabi ni papa.
Natawa ako bigla.. "Hayyy...ayos lang po ako rito papa...Kayo ba diyan kamusta na?"
"Heto anak..a-ayos lang din...Pasukan mo na diba sa lunes?"
"Opo papa."sabi ko.
"Osige anak mag-iingat ka dyan...Ayos lang kami dito ng mama at kapatid mo."
I sighed "Opo papa mag-ingat rin po kayo diyan. Imissyouall...."
"Miss ka na rin namin anak"malungkot na sabi ni papa.
Binaba ko na ang cellphone ko dahil tapos na ang aming pag-uusap. I sighed. I miss my family. I miss Neuva Ecija. I miss living in the province. Peaceful, simple and no toxic people.
Pagkatapos ng ilang sandaling pag-iisip ay kumain na ako ng hapunan. Do my night time routine at saka nagpahinga na. Kinabukasan ay tanghali na ako nagising. Siguro dahil sa pagod na rin sa trabaho. Naligo na ako at nagluto ng breakfast. Pupunta ako ngayon ng mall. Mamimili ng mga gamit sa school.
Today, I was wearing simple yellow sleeveless dress and a partner with a strappy sandal. Naglagay rin ako ng pulbo at tint sa aking mukha. I made my hair in a messy bun para mas maganda tingnan.
Pagkarating sa mall ay agad akong dumiretso sa National Bookstore. Bumili ng mga kagamitan. Pagkatapos doon ay pumunta naman ako sa department store upang mag-grocery. I bought fruits, vegetables, at other stuffs I needed. Right after, I went to boutique to bought some formal attires. Hindi kasi sapat yong mga dala kong formal attires para sa pasukan ko.
Hapon nang nakauwi na ako. Pagkatapos ng aking mga gawain ay nagpahinga nalang ako. Kinabukasan ay tinanghali ako ng gising. Mabuti nalang at wala akong pupuntahan ngayon. Sa apartment lang ako mamalagi buong araw. Ihahanda ang mga gamit para bukas dahil pasukan na.
Habang nag-aayos ay biglang tumunog ang cellphone ko.
Unknown calling......
Nagtaka ako kung sino yong tatawag sakin. Tinitigan ko muna ito bago sinagot....

YOU ARE READING
BEYOND ALL LIES(On-Going)
Teen FictionJezzlyn always dream to study at Ateneo De Manila University. Because of lack of money, she used her intelligence to got a scholarship from the university to finished college. To gave her parents a better life . Her life is always at peace but it wa...