CHAPTER SEVEN

14 4 0
                                    

_Problem_

Everything went well these past years. Simula ng tumungtong ako ng Manila at nag-aral ng kolehiyo sa Ateneo de Manila University ay marami akong natutunan sa mga bagay-bagay. Hindi man ganon katiwasay ang buhay ko rito sa Manila ay naging maayos naman kahit papaano.

I was on my third year-second sem. Classmate ko pa din si Camela and our friendship became stronger and closer. Minsan doon na ako natutulog sa kanila. Aniya’y para raw hindi naman siya mabagot dahil nga only child lg siya saka madalas pang nasa businesstrip ‘yong parents niya. Patuloy pa rin ako sa pagpapart-time sa cafe na tinatrabahuhan ko. Umuuwi rin ako paminsan-minsan sa probinsya kapag holiday o di kaya’y sembreak.

Accounting course became harder. Minsan maiiyak ka nalang sa dami nang kailangang pag-aaral at ipapasang mga files. Dagdagan pa ng pagiging working student ko. But well indeed, I slowly learned how to manage my time properly. Para parehas na hindi mapabayaan ‘yong pag-aaral at pagtatrabaho ko. I don’t want to depend on my parents kahit na minsan ay pinipilit nila akong huwag ng magtrabaho dahil kaya naman nilang bigyan ako ng allowance but I insist. I don’t want to be burden on my parents. Nasa tamang edad naman ako at kaya ko nang tumayo sa sarili kong mga paa. I also considered that they’re too old to work for us. Kaya mas dapat lang na pagbutihin ko ang pag-aaral at pagtatrabaho para hindi na sila mahirapan pa. To give them a better life they deserved.

Today is Monday. Another hell day! Hindi na yata matapos tapos itong impyernong araw simula ng kinuha ko ‘tong kursong Accountancy. Kahit malayo pa ang exam day ay kailangan pa rin mag-aral, araw-araw kasing nagbibigay ng daily quizzes ang mga professor. Well, kahit na 10 items lang palagi ang binibigay pero coverage nun ay lahat ng diniscuss buong klase o minsankasama rin iyong nakaraang discussion. Kailangan mo talagang magsunog ng kilay araw-araw upang pumasa dahil kapag hindi, well good luck nalang kung makakapasaka.

Three years down, one year to go. Malapit na akong makapagtapos. All of the sleepless nights, skipped meals and other struggles I’ve done will be replaced by success. I’m looking forward for my future success.

Nakaupo ako ngayon sa bench tanaw ang malapad na field ng unibersidad. Pinili kong dito na mag-aaral dahil mas payapa at hindi gaanong dama ang pressure di gaya kapag sa library ako nag-aaral parang nahahawa ako sa itensidad ng bawat nandoon. Bumaling ako sa kakarating lang na si Camela.

“Here.”sabi niya sabay abot ng bottled orange juice.

“Thanks. Anyway...are you done with the homework?”banayad na tanong ko. Mayroon kasi kaming assignment for the next class.
Sinapo niya kaagad ang kanyang noo. “Oh fuck! I forgot about the homework. Nakalimutan kong gawin. Gosh! Paano ba naman kasi andaming dapat pag-aralan dahil may quiz pa.”hinarap niya ako saka nagpa-cute. “Please?”

Inirapan ko siya. I know what she meant my that. “Here.” Sabi ko sabay abot sakanya ng homework ko. “I already told you to do planner para hindi mo makalimutan ang dapat mong gagawin.”

“Yeah I know. I’m sorry ‘kay?” tamad na sagot nito habang nagsusulat.

After class I went to cafe as my routine from Monday to Thursday. Papasok na sana ako ng namataan na nakasunod sakin si Clideon. Akala ko titigil na siya kakabuntot sakin dahil ilang araw din na hindi kami nagkakatagpo sa school. Siguro isa sa dahilan ay hindi na kami magkaklase pa. He transferred to the other section because of Chairman’s order (his grandfather).

Hinarap ko siya at tinitigan ng masama. “Ano na naman ba Clideon!?”

Bahagya siyang nagkamot ng ulo. “Huh?”

Umiling ako. “Ang sabi ko ano na naman ang kailangan mo? Ba’t nakasunod ka naman sakin?”

Natawa siya. “Ang assuming mo naman Ysa. Hindi ba pwedeng kakain lang ako sa cafe na ‘to?”

BEYOND ALL LIES(On-Going)Where stories live. Discover now