05

180 12 13
                                        

•••

CHAPTER.05
JIHOON

Ang lupit ko talaga.



Akalain mo 'yun? Pumayag si Miss Eli na sumama sa akin? Iba talaga pag Jihoon. Hay. No one can do it like me. Ano kayang pumasok sa isip ni Miss Eli para pumayag siyang sumama sa akin? Baka naman kasi gustong gusto niya na nang kape.


Buti na lang andito ako.


Pag labas namin ng school binigyan kami ng pass noong guard, naglakad kami papunta sa Starbucks.


Tinitingnan ko si Eli na mukhang nag aalangan. Tumingin tingin siya sa mga nilalakaran namin, para ba namang first time makalabas nito.


"Okay ka lang, Miss Eli?" tanong ko sa kanya, nahuli ko siyang tumingin sa akin pero umiwas kaagad at inirapan ako.


Ang taray naman nito. Pasalamat na lang maganda siya.


Tahimik siya nang makarating na kami sa Starbucks, hindi naman ganoon kalayo ang Starbucks sa school, mga limang minuto lang na paglalakad mula sa school, nasa Starbucks ka na.


Napahinto kaming dalawa sa harap ng store, pagtingin ko sa kanya, nakatingin na siya sa akin, kunot ang noo.


"Tara na," aya ko.


"Sarado, e!" inis na sabi niya, mahigpit na hinawakan ang wallet niya.


Natawa ako, "Hindi sarado 'yan, Miss Eli! Wala lang tao." paliwanag ko.


Nauna na ako para pagbuksan siya nang pinto, habang papasok siya sa store, ningitian ko siya ngunit inirapan niya nanaman ako. 



Grabe naman 'to, hindi ba sumasakit ang mata nito?


"Huy, Jihoon. Napaaga ka!" bungad noong manager namin na nasa counter. Lumingon si Eleanor at napatingin sa akin ng masama.


"Hindi, boss. May pasok pa ako, e. Coffee lang pinunta namin dito." sabi ko sa kanya.


"Ah, so sino 'to? Girlfriend mo?" tanong niya sabay turo kay Eli.


Nanlaki ang mata ni Eli sa tanong niya, "Hala, hindi po! I'm just here for coffee."


Napakamot ako sa likod ng ulo ko. Ito talaga si boss, advanced mag isip. Kasama lang bumili ng coffee, girlfriend na agad? Speed lang?


My boss nervously chuckled, "Ano pong order nila?"


Sinabi na ni Eleanor ang kanyang order, nilingon niya ako para tanungin kung ano yung akin. "Kung ano din yung sa'yo."

my sweet escape. park jihoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon