07

189 14 4
                                        

•••

CHAPTER. 07
ELEANOR

Shit.





So... ito 'yong tutor ko? Yung super annoying na lalaki na poging pogi sa sarili? God. Dito na ata mauubos ang pasensya ko. Lord, ano bang ginawa ko sa'yo at lahat ng kamalasan ibinubuhos mo sa akin?





"So, alam mo naman na Top 1 si Jihoon, diba?"





Pinipilit kong ilabas ang ngiti ko but I just want to burst into flames dahil ayaw ko talaga siya maging tutor ko. Lalo na't nakita niya akong mukhang tanga noong gabing 'yon. Aasarin talaga ako niyan.





"I offered him the job. Your mom said she's paying naman for you to be better." she paused, looking at the both of us.





"At para sulit yung bayad ng mom mo, si Jihoon ang gusto kong mag-tutor sa'yo. Kasi he's very smart talaga."





Mahiyang tinakpan ni Jihoon ang kaniyang bibig. "Ako lang 'to, Ms. Kim."





Parehas silang natawa sa kalokohan nung isa while I sat there looking annoyed by his presence. God. Siya na talaga yung tutor ko. Tumingin ulit sa akin si Ms. Kim. Halata naman talaga sa itsura ko na hindi ko pinili 'to.





"So, okay lang ba sa'yo na siya ang tutor mo?" my gaze went to Jihoon who was smiling at me.





He's always so smiley and happy, I don't think I have ever seen him frown, he always carry around his bright smile, everywhere. Hindi ba sumasakit panga nito, kakangiti?





"I'm okay with him." simpleng sagot ko.





Jihoon's mouth formed into a wider smile. "Yie, thank you, Miss Eli." I rolled my eyes at him.





Ms. Kim chuckled at him, while the whole time wala akong reaksyon sa mga pinag uusapan namin. Gusto ko na lang talaga umalis kasi iritang irita na ako sa pagmumukha nitong Jihoon na 'to.





"Jihoon, nabigay ko na ang number nung mommy ni Eleanor, ha. Kausapin mo na lang siya about doon sa ibabayad niya sa'yo." tumango si Jihoon bilang sagot.





"Oh siya, maiwan ko na kayo. May meeting pa ako with parents." paalam ni Ms. Kim bago niya kami kawayan at umalis na ng Library.





Nang maiwan kaming dalawa sa loob ng library, pinapanood niya lang ako habang nagbabasa ako. Mukha ba akong TV? Bakit ba nakatitig 'to sa akin?





"Anong tinitingnan mo diyan?" tinaasan ko siya ng kilay.





He chuckled softly, "Sining."





"Sining?" I tilted my head and asked.





"Sining? Ikaw 'yon." What the hell is Sining? Pinagsasabi nito?





I just rolled my eyes and shrugged. I focused on reading, again.





"Miss Eli," he called.





"What?" iritang pananalita ko.





"Kailan mo gustong magsimula?"





"Hindi ba dapat alam mo na 'yan?"





His head tilted, "I mean, kung gusto mo ngayon, e'di let's start ngayon."





my sweet escape. park jihoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon