•••
CHAPTER 10.
ELEANORAng dali lang pala?
"Diba sabi ko sa'yo, ganon lang kadali 'yon!" saad ni Jihoon nang ilapag niya ang papel na punong puno ng equation.
Hindi ko ipinakita yung kaligayahan ko. It was that easy? Mamatay matay na ako sa exam na 'yon, tapos ganoon lang pala? I should've met with Jihoon sooner, e'di sana nakapasa na ako sa exam na 'yon! Si Jihoon lang pala ang susi sa kahirapan ko, ba't ngayon lang siya dumating kung kailan tapos na yung exam ko?
"Ang galing mo," I muttered under my breath, looking at the papers in front of me.
Ngayon ko lang napansin na ang tanga ko pala mag-solve noon, kaya pala ang laki ng binaba ko sa ranking. Wow. He's amazing. Mas na-gets ko pa kesa sa pagtuturo ni Ms. Kim.
"Tara na, Miss Eli. May quiz pa kami." niligpit niya na ang kalat kalat kong gamit sa lamesa at binukod ito.
Dala dala niya na rin ang mga libro ko, I didn't even ask him to bring it pero kinuha niya pa din. Madami pa naman 'yon. Parang gusto ko pang mag stay dito kasi ayaw ko siyang kasabay papunta sa classroom baka maging issue kaming dalawa.
"No, mauna ka na." I tried to take my books from him but he was hugging the stack of the books, tightly.
"Mabigat 'to, Miss Eli. Sabay na tayo." pilit niya pa din.
"Mauna ka na, kaya ko na 'yan." kinuha ko sa kanya ang mga libro ko pero hindi pa din siya bumitaw sa hawak niyang mga libro. I glared at him, looking defeated.
"Ako na kasi!"
I sighed heavily and rolled my eyes at him. Hinayaan ko na lang siya. Hindi ko din naman mabubuhat yan papunta roon, sobrang bigat at sobrang dami. Ang problema ko lang ay yung magiging issue kami. I know naman na very maissue yung mga tao dito kaya ayaw ko lang talaga nang ginagawan ako ng issue, kasi hindi naman totoo.
Habang naglalakad kami papunta sa classroom, dumistansya ako sa kanya at pinauna siya. Well, I'm not really used to be with boys, kahit nga noong nag Starbucks kami, I was uncomfortable as hell, but still had the guts to hold his arm kasi I'm scared of crossing the road. Yeah, I know I'm too old na, but hindi ko pa naranasan maggala sa labas ng bahay or ng school and that was my first time.... that I remember. The other ones were probably from my drunken nights and ayaw ko ng alahanin pa.
Hindi niya na napansin na malayo ako sa kanya at nauna na lang. Nagmamadali na din siguro siya kaya hindi niya na ako tinabihan. Nauna siyang nakarating sa classroom namin, pagdating ko roon madami ng tao, nakaabang lang sa akin si Jihoon sa may corridor dahil hindi niya alam kung saan ako nakaupo.
Bago pa ako makapagsalita, nagsalita na si Jaehyuk. "Dito, tol. Dito nakaupo si Eli." Turo niya sa upuan na nasa harapan niya, hindi niya siguro napansin na nasa likod lang ako ni Jihoon.
![](https://img.wattpad.com/cover/232640996-288-k836261.jpg)
BINABASA MO ANG
my sweet escape. park jihoon
FanfictionBook 1 of Treasure Series. Eleanor Louise Reyes lived her whole life trying to be the perfect daughter for her mother. It wasn't easy. She encountered struggles and difficulties each day and she felt the need to fight her demons who kept her up all...