Part • 14

82 18 4
                                    

--Mark's POV--

Tumunog ang messenger bell ko at tiningnan ko yung message.

"Hoy!"

Yiiieee chinat na naman ako ng babaeng 'to.

"Oh bakit bebeko?" Reply ko sa kaniya.

"Tanginang bebeko yan. San ka ba nakatira?"

"Sa puso mo. Yiiieee!" Binanatan ko ang bebeko. Yung nagbabasa walang bebe. Iyak ka hahaha char.

"Seryoso par san ka ba nakatira?" Seryosong tanong naman niya sa akin.

"Sa Gensan po.."

Then, sineen niya ako ng ilang saglit tas,

"Totoo ba yan?"

Oo nga. Paulit ulit tong babae na 'to. Ano ba'ng tingin sa'ken ng babaeng 'to? Sinungaling? Pft -,-

"Oo ngaa.. ikaw tagasan ka ba?"

"Taga Gensan rin.."

What the heck? Taga Gensan din siya? Ugh malapit na kitang makita bebeko hahahaha.

Kaya nireplyan ko siya agad at tinanong,

"Ano? Meet up?"

At ang sagot niya,

"Opo namaan!"

Hahahaha parang excited na si bebeko na makita ang ka-pogihan ko. Antay-antay ka lang bebeko makikita mo na ang aking handsome peys ugh.

Awit, tanungin ko kaya muna to kung saan 'to nag-aaral.

"Wait. Saan ka ba nag-aaral?"

Then I was shocked when I read her reply.

"Sa J.O. Veterans Integrated School po.."

What the heck!? Schoolmate ko din pala 'tong si bebeko? What a coincidence.

"Luh? Schoolmate pala tayo.." sabi ko.

"Sa J.O. Veterans ka din nag-aaral?" Tanong ni bebeko sa'ken na parang hindi obvious. Amp. Oo nga eh. Paulit-ulit? Ha? Halavyou.

"Opo" reply ko sa kaniya.

Then, tinanong niya ulit ako.

"Kailan tayo magme-meet up?"

Then, sinagot ko naman ito agad. Ayoko paghintayin bebeko eh.

"Bukas. Pag lunchbreak. Magkita tayo sa may school fountain dun sa may upuan, sa may corner banda."

Yan ang last chat ko sa kaniya bago kami matulog.

Good mood ako nang nagising ako at maaga akong pumunta sa school dahil excited na'kong makita yung bebeko sa real world. Hindi ko na pinansin si Coleendaryo at dumiretso na sa aking upuan.

Nag lecture na naman si sir Champurado. Wala kaming ibang magawa kundi makinig sa boring niyang lecture.

"Hindi basta basta ang pinagdaanan ng ating mga bayani noon. Dugo, pawis at buhay ang inalay nila para mabawi ang bansa natin tapos mag kpop kpop lang kayo? San ang pagbibigay respeto sa lahat ng pagod na inialay nila para mabawi ang ating bansa? Blah blah blah..."

At hanggang sa natapos ang morning class, tapos na din akong mapagod makinig sa nakakaantok na lecture ng matandang teacher namin. Hinihintay ko nalang na tumunog yung school bell.

"Ringgg!~"

At sa wakas! Tumunog na yung bell. Class dismissed na at balak ko na sanang replyan si bebeko, kaso baka makita na naman ako ni sir Cha na gumagamit ng cellphone. Baka pagdiskitahan na naman niya 'tong cellphone ko kaya pumunta ako sa comfort room para dun mag-cellphone.

Tinurn-on ko ang mobile data ko para ichat si bebeko. Nang binuksan ko na yung convo namin, sakto namang binuksan din ni Sir Cha ang pinto ng cr at nahuli ako na nagce-cellphone sa loob.

Patay.

Lagot na naman ako.

Para siyang demonyong naka-tingin sa'ken na parang gusto akong saksakin ng malaki niyang tinidor.

Nakatitig lang siya sa akin at tulala naman akong nakatingin sa kaniya habang nakaupo sa sahig ng cr na hawak hawak ang cellphone ko.

Ito na yata ang nakakatakot na pangyayari sa buhay ko. Ang nahuli ako ng masungit kong teacher na nagce-cellphone sa loob ng cr.

He's approaching to me again like he's going to kill me.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Mr. Dela Nueva?" Seryoso at nakakatakot na saad sa'kin ni sir.

"Ahh, may kausap kasi ako sa cellphone ko sir eh. Dito nalang sana ako makikipag-usap sa cr para di ka na magalit sa'ken na makita akong nagce-cellphone sa classroom."

Todo explaination ko kay sir. Pero,

"Ang dami mong satsat, Mark. Puro ka katarungan na walang katuturan. Dito ka pa talaga sa cr magpapakabobo? Bakit? Ano ba'ng importante dyan sa cellphone mo? Ha? At saka, sino ba yang kachat mo dyan?"

Mukhang kukunin na naman niya yung cellphone ko. Depota 'tong matandang 'to.

"Patingin ng cellphone mo, Mark."

'Afatay.'

Iniabot ko sa kaniya ang cellphone ko na parang guguho na ang mundo ko pag basahin niya yung convo namin.

Hindi na nakakatuwa. Hindi na nakakatuwa mula nung siya yung naging teacher ko this school year.

Binabasa niya yung conversation namin sa cellphone ko, at parang wala na'kong gana pumasok sa eskwela.

Sirang-sira na ang pangalan ko sa teacher namin. Parang kaninang umaga lang, gusto ko nang mag-aral ng mabuti dahil makikita ko na sana sa personal ang babaeng naging inspirasyon ko, tapos ngayon, parang ayoko na mag-aral.

Matinding kahihiyan na ang ginawa ni sir Cha sa buhay ko.

"Tumayo ka lang mamaya sa classroom hanggang matapos ang klase or else, dadalhin kita sa Guidance at ipapahiya sa lahat ng tao dito sa campus na ito. Maliwanag ba sa'yo yon, Mark?"

Hayss. Sinisermonan na naman ako ng matandang 'to na parang anak niya ako.

"Opo.."

Huling salita ko sa kaniya bago niya kunin na naman ulit ang cellphone ko.

Then, umalis na siya palabas sa cr at iniwan ako na parang nilagyan niya ng kahihiyan ang buong buhay ko sa pangalan niya.

Sumusobra na siya. Nawawalan na'ko ng peace of mind sa kaniya.

He ruined my meet up with bebeko. Sobra na talaga.

Hindi na natuloy ang meet up namin ng babaeng gusto ko. Naglakad ako pauwi sa bahay na parang wala nang ganang magkaroon ulit ng lakas na loob.

Then, nang nakauwi na'ko sa bahay, I turned on my mobile data and opened our convo.

Then, labis akong nasaktan sa nakita ko. Nasaktan ako ng sobra sa ginawa ni bebeko sa'ken.

Binlock niya ako.

Tangena naiiyak na'ko. Haha. Ang sakit. Grabe. Napakamalas naman ng araw na 'to.

Kaya natulog akong may luha sa mata. Luha na dahilan ng pagkabigo. Nabigo akong makita si bebeko ng araw na 'yon. Nilagyan pa'ko ni sir Cha ng kahihiyan sa buhay niya.

I was heartbroken that night. The girl I loved the most, she blocked me. I've encountered the most pain in my life. Grabe yung iyak ko. That night, natulog akong luhaan. Luhaan dahil sa labis na sakit at kahihiyan.

RPW Is The WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon