Part • 48

42 14 3
                                    

--Coleen's POV--

"Kailangan ko na po umuwi, sir. Gabi na po. Hinahanap na'ko ng magulang ko."



Saad ko kay sir nang napansin kong madilim na ang gabi kaya dali dali akong tumayo para umalis ngunit,



"Bakit, Coleen? Umiiwas ka sa usapan? Sige. Gawin mo yan. Yan ugali mo eh. Isa kang batang tarantada, bastos at walang modo. Umalis ka."



Yan ang sinabi ni sir sa akin. Kaya hindi ko nalang pinansin ang matandang masungit at dumiretso na palabas.



First of all, he's not my adviser anymore, kaya wala na syang karapatan para pigilan ako sa pag-uwi. Dinadamay pa nya'ko sa pagkamatay ni Jayson. Tsh.



Habang naglalakad ako papunta sa gate, nag ring ang cellphone ko.


Sinagot ko ito at pumunta muna sa tabi.



"Hello? Sino 'to?"



"Sabihin mo salamat shopee!"



"Weh? Tumigil ka nga. Haha. Hindi mo naman kaboses si kuya Will. Sino kaba?"



"Diba may RPW event ngayon? Nakalimutan mo ba?"



Luh! Tama! May RPW event nga ngayon! Shit! Kasi naman eh si sir Champurado kinausap pa'ko tungkol kay Jayson.



"Oo papunta na'ko!"



At saka ko in-end yung call at dali-daling tumakbo palabas sa gate para sumakay ng tricycle.



"Sa oval plaza po!" Saad ko kay Manong bago ako sumakay sa tricycle nya.



"Ineng, gabi na ah. Ba't gagala ka pa?" Saad sa'kin ni manong habang nagdadrive sya.



"Kasi po may mahalaga akong kikitain." Rason ko naman sa kaniya.



"Ahh.. parang yung pasahero ko din nong nakaraang gabi. Don din sya nag-aaral." Sya.



"Eh, sino po?"



"Wala syang nabanggit eh. Pero ang sabi nya, rpw daw."



Ahh. Psh. Kung si Mark yan di na'ko interesado. Natahimik ng ilang segundo.



"Oh, ba't ka natahimik?"



"Ah wala po. May iniisip lang."



Ilang minuto ang nakalipas ay nasa oval plaza na kami. Nakikita ko na ang mga estudyanteng iba't-iba ang uniform at galing sa iba't ibang paaralan. Bumaba na'ko sa tricycle at iniabot kay manong ang bayad.





Ganitong ganito din ang itsura ng una kong punta dito na may rpw event. Madaming students galing sa iba't ibang school, tas ganon pa din wala akong kakilala dito, maliban kay Mark na nasa kabilang side ng plaza na natatanaw ko sa malayo pero parang hindi na din kami magkakilala ngayon.


Kung hindi 'to nangyari sa'min ni Mark, siguro masaya kami dito ngayon, namamasyal na parang couple. Char couple. Pero wala eh. Sinira ni sir Cha ang pag-iibigan namin ni Mark. Huhu T_T



Naupo ako sa bench sa may gilid ng plasa. Wala akong magawa kundi mag cp lang.


Kakapagod mag-scroll scroll lang...




RPW Is The WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon