Part • 9

124 20 18
                                    

--Mark's POV--

Lunch break, pupunta ako sa cafeteria para bumili ng burger. Nakaabang na naman ang epal na babaeng si Coleendaryo sa daan. Ano na naman ba ang pakulo ng babae na 'to? Tsk.

"Hoy Mark." Saad niya bago niya hinarangan ang daan.

Napatigil ako sa paglalakad. Tiningnan ko siya ng diretso sa mata.

"Mark, galit ka ba sa akin?"

Tanong niya sa akin. Tsk. Araw araw naman akong galit sayo, Coleen. Hindi ba halata? Nais ko sanang sabihin sa kaniya kaso baka masaktan lang siya. Kaya hindi ko na lang siya pinansin at lumakad na papunta sa cafeteria.

Habang nilalagpasan ko siya ay parang may gusto siyang sabihin sa akin. Isang bagay na parang napakahalaga sa kaniya. Naaawa ako at gusto ko sana siyang kausapin, ngunit naaalala kong siya ang dahilan kung ba't ako palaging napapagalitan ni sir, kaya naalala kong may sama ng loob pa'ko sa kaniya.

While eating, I just simply turned on my data, at pinasalamatan ang babaeng nag-comfort sa'ken nung gabing nasa ilalim ako ng kalungkutan.

I sent a message to her.

"Thank you for comforting me last night."

Then, I turned off my mobile data and continue eating my lunch.

I smiled widely while remembering her. Natanong ko na ba kung saan siya nakatira? Parang hindi pa yata. Ba't di kaya tanungin ko siya?

So I sent her a message.

"Hey! Good afternoon."

Hindi pa siya active. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Pinatay ko na lang ulit ang data ko.

A minutes ago, tiningnan ko ang oras. It's already 12:56 in the afternoon. 4 minutes to go before the afternoon class starts. I checked her message but she has no replies about it.

Hayst. Baka busy lang siya. Kaya naglakad nalang ako pabalik sa classroom.

I'm walking while thinking of her, with a backgroud music of the school bell ringing, reminds that it's already 1:00 PM in the afternoon.

I'm thinking of her. With a background of a bell ringing.

'Wait, what?'

1:00 PM na pala! Pota. Kaya dali-dali akong tumakbo pabalik sa classroom namin. Binilisan ko ang pag-akyat sa stairs papuntang 2nd floor and I saw an old man in front of our classroom door, waiting for me, wearing a glass, at may mukha na nakakairita tingnan.

He is it! Mr. Cha! Lagot na naman ako. Taena.

"Anong oras na, Mark?" Tinanong niya ako ng masinsinan.

"1:02 po, sir.." sagot ko naman sa kaniya pagkatapos ko tingnan ang oras sa cellphone ko.

"Akin na ang cellphone mo. Kunin mo ito mamaya pagkatapos ng klase. Naintindihan mo?"

"Opo, sir Cha."

Papasok na ako ng classroom at pupunta na sa aking upuan. Then suddenly tinawag ako ni sir.

"Wag kang mag-alala, Mark. Kinuha ko din lahat ng cellphone nila kanina pang alas dose bente. Kaya hindi ka nag-iisa."

Psh. Pakialamero talaga ng cellphone 'tong matandang 'to.

"Alam niyo kung bakit ko kinukuha ang cellphone ninyo?" Tanong niya habang nasa harap namin.

"Hindi po.." Sabay sabay naman naming sagot.

"Kinukuha ko ang cellphone ninyo, para makapag focus kayo sa lesson natin. Hindi kayo nagbabasa ng notes eh. Anong silbi ng pagsusulat niyo ng lesson kung 'di nyo ito binabasa? Puro lang kayo cellphone. Kaya kinuha ko itong mga cellphone niyo para makapaglaan kayo ng konting oras sa pagbabasa."

'Hayst'

Yan na naman ang sir namin na feeling tatay.

"Eh, pano sir pag tumawag ang parents namin?" Pasingit na tanong ng bida bida naming classmate na si Gloco.

"Wala akong pake." Saad ni sir sa kaniya. "Anong silbi ng pagpunta niyo dito araw-araw kung 'di kayo makikinig at cellphone lang ang nasa isip?"

Ang buong klase ay walang masabi sa tanong ni sir.

"Aahhh!" Biglang tumili ang classmate kong O.A. at feeling pretty na si Shanel, at ang lahat ng ulo ay sa kaniya nakaharap.

Then, Mr. Cha is approaching to her, then he asked.

"Anong sinisigaw-sigaw mo dyang babae ka?"

Nanonood pala ng palabas si Shanel sa cellphone niya ng palihim.

"Bakit hindi mo binigay ang cellphone mo kanina, Ms. Jung?"

"Eh, sir naman ehh. Excited kaya akong manood ng 2gether series! Kinikilig ako kina Sarawat at Tine! My gosh! Hahaha"

Napaka-walang hiya naman ng babaeng 'yan. Lahat ng mag-aaral dito takot na takot kay sir Cha tapos siya parang wala lang pakealam. Psh! I know what will happen next. Ipapahiya ni sir si Shanel sa buong klase.

"Tungkol saan yang 2gether series na pinapanood mo?" Curious na tanong ni sir.

"Tungkol po ito sa dalawang lalaking nagmamahalan sir! Ang popogi nilaaa!"

"Akin na yang cellphone mo, gaga." Ani ni sir kay Shanel sabay hablot ng cellphone at binulsa.

"Alam nyo na diba na mali ang magmahalan ang lalaki sa lalaki at babae sa babae?" Tanong sa amin ni sir.

Hay nako.. ayan na naman siya. Nagfe-feeling genius na naman. Tsk.

"Biblical yan. According to the bible, in Deuteronomy 22:5, Women must not pretend to be men. And men must not pretend to be women. The LORD your God is disgusted with people who do that."

Namangha ang lahat sa sinabi ni sir.

"Kasalanan ang magmahal ng lalaki sa lalaki, at ng babae sa babae. Alam nyo kung ba't sila gumagawa ng ganyang palabas? Pinapabango at pinapaganda nila ang itsura ng kasalanan para mas marami ang sumubok nito. Naintindihan nyo ba?"

They are still amazed of what sir Cha is talking. Feeling banal na Proffesor. Demonyo naman ang ugali. Tsk!

Di pa rin mawala-wala sa isip ko yung babaeng napalapit na sa'kin. Ang babaeng nag-ahon sa akin mula sa kalungkutan na nakilala ko lang online. Sana makita ko na siya. At sana mayakap ko siya.

RPW Is The WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon