Part • 47

35 13 0
                                    

--Mr. Cha's POV--

"Bakit po, sir Cha?"

Saad ni Coleen habang nakatayo sya sa tapat ng pinto ng classroom ko.



"Pasok ka." Sabi ko.



At siya ay pumasok at umupo sa upuan na nasa tabi ng mesa ko.




"Pinatawag kita hindi dahil namimiss kita. May mahalaga akong sasabihin."



"Ano po yon?"



"Kilala mo si Jayson diba?"



"Opo. Classmate ko dito dati. Parang sinusundan nya ako palagi, sir. Medyo naiirita na din ako sa kanya."



"Ganon? Alam mo ba anong nangyari sa kanya?"



"Hindi po."



Pagkatapos niyang sabihin ay kinuha ko ang cellphone ko at pinakita ang video ng cctv footage na nasagasaan si Jayson ng isang container truck.



Namulat ang mata ni Coleen nang makita niya ang kaawaawang nangyari kay Jayson.



Napatakip sya sa kanyang bibig nang nasagasaan na si Jayson sa pinakita kong video footage.



"Yan yung lalaking kinaiiritahan mo diba?" Ani ko.



Kaya pinakita ko sa kanya yung cctv footage kung saan nilinisan ni Jayson ang dinumihang locker nya, at nililinisan ni Jayson ang daanan nya papunta sa kanyang locker.



"Kung ganon, sya pala yung naglinis ng locker ko.. ang bait pala nya."

Nanghihinayang na saad niya.



"Diba naiirita ka sa kanya? Ayaw mo sya? Pero siya yung gumagawa ng paraan para hindi kana mapagod linisan yung locker mo. Nilinisan nya yung locker mo kahit alam nyang magagabihan na sya. Ginawa nya yon para sayo, Miss Villafuerte."

Salita ko.



Ngunit walang sinabi si Coleen kundi maglungkot-lungkutan lang sa sinabi ko sa kanya.



"Ngayong patay na sya, naiirita ka pa din sa kanya. Namatay syang may lihim na pagtingin sayo, Coleen."

Dagdag sabi ko.



"Naaawa na'ko kay Jayson, sir."



"Oo. Ngayon kapa naawa nung namatay sya. Hindi ka man lang umiyak."



"Gusto ko magsorry sa kanya, sir."



"Oh. Ngayon kapa magsosorry na patay na sya. Magsorry ka dun sa bangkay nyang nakalamay na doon sa bahay ng lola nya."



"Kailangan ko na po umuwi, sir. Gabi na po. Hinahanap na'ko ng magulang ko."

Pagputol nya sa usapan at tumayo at kinuha ang bag para lumabas.



"Bakit, Coleen? Umiiwas ka sa usapan? Sige. Gawin mo yan. Yan ugali mo eh. Isa kang batang tarantada, bastos at walang modo. Umalis ka."

RPW Is The WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon