Part • 18

71 19 4
                                    

--Coleen's POV--

"Ikaw si Cavier?" Tanong ko kay Mark nang makita ko siya sa meet up place namin ni Cavier.

Tumango siya pagkatapos kong magtanong.

Si Mark? Si Mark si Cavier? Ang lalaking kinaiinisan ako ang palaging nagpapakilig sa'kin? Yung palaging nanghaharot sa'kin? Ang daming tanong na lumilitaw sa isipan ko. Ngunit tinalikuran ako ni Mark at umalis palayo.


"Mark!"


Sigaw ko sa kaniya.


"Mark! Please, pag usapan natin 'to."


Napahinto si Mark nang sinabi ko 'yon, at tinanong ko ulit siya.


"Mark, galit ka ba sa akin?"


Agad siyang humarap sa akin.


"Tinatanong mo pa kung galit ako sa'yo? Bakit? Hindi pa ba halata? Ikaw ang dahilan kung bakit ako palaging napapagalitan ni sir! Alam mo ba kung anong kahihiyan ang ginawa niya sa akin? Dahil yon sayo! Ikaw nalang lagi nagpapahamak sa akin! Napapagalitan ako ni sir Cha dahil sayo! Then what? Tatanungin mo pa kung galit ako sayo? Oo! Isang malaking oo, Coleen."

Ganon pala kalaki ang galit ni Mark sa'kin? Hindi ko in-expect. Natulo nalang ang luha ko sa mga masasakit na sinabi sa'kin ni Mark. Tanggap ko naman. Kasalanan ko din eh.


"Sorry ah kung napaiyak kita? Pero you deserve it!" Huling sinabi ni Mark bago niya ako iwan.


Hinawakan ko si Mark sa kaniyang kamay bago siya makaalis.


"Sorry.."


Huling sinabi ko sa kaniya bago niya ako tuluyang iwan.


Then, umiyak na'ko. Nasaktan ako ng husto sa lahat ng sinabi niya. Hindi ko kinaya yung sakit.


Iniwan niya ako na parang wala siyang pakialam. Lalo pa akong naiyak dahil sa pagtalikod niya sa'kin na parang walang nangyari.



That day, nag-iwan si Mark ng luha sa aking mga mata. I was heartbroken that day. Pinakilig niya ako sa chat tapos paiiyakin niya lang ako sa meet up?



Grabe talaga siya. Naglakad ako pauwi sa bahay namin na may luha sa mata.

Nang matutulog na'ko, patuloy ko pa ring naaalala ang mga sinabi ni Mark at bigla nalang akong naiiyak.

Ewan ko ba kung ba't ko siya iniiyakan. Haha. Minsan ko na siyang minahal sa chat. Pero ba't ganon? Hinayaan niya lang akong umiyak at iniwan.

Kung sabagay, malaki din naman atraso ko sa kaniya. Kaya ayun. Ia-accept ko nalang lahat ng masasakit na sinabi sa'kin ni Mark at natulog na luhaan. Haha.

RPW Is The WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon