Part • 25

81 15 4
                                    

--Mr. Cha's POV--

Habang nagle-lecture ako sa klase, napapansin ko si Miss Villafuerte na lingon ng lingon kay Mark.

Parang may something ah.


"Ms. Villafuerte!"

"Aayy!! Bakit po sir Cha?" Pagulat na sigaw niya nang tinawag ko siya. Sa kaniya naman nakatingin ang lahat ng kaklase niya.


"Anong meron kay Mr. Dela Nueva? Ba't kanina ka pa dumudukot ng tingin sa kaniya?"


"Ahh, hehe.. wala po sir. Wala po yun."


Halatang naghahanap na naman ng lusot 'tong babaeng 'to.

Pagkatapos ng klase, tinawag ko si Miss Villafuerte para kausapin. Wala nang tao sa classroom maliban sa aming dalawa.


"Miss Villafuerte.."

"Po?"

"May sasabihin ako sayo." Saad ko at inilapit ang mukha sa kaniya.

"Layuan mo na si Mark." Dugtong salita ko.

"Po? Bakit naman po, sir?"

"Wag kanang dikit ng dikit kay Mark. Ayaw niya sayo. Ikaw ang dahilan ng lahat kung ba't ko siya napapagalitan, Ms. Villafuerte. Pahamak ka sa buhay niya. Naintindihan mo?"


At unti-unting lumungkot ang mukha ni Ms. Villafuerte nang sabihin ko 'yon.


"Coleen. Makinig ka."


Sabi ko sa kaniya kasabay ng pagkuha ko sa aking cellphone at ipinakita yung picture na niyayakap niya si Mark.


"Nakikita mo yan, Coleen?"


Nakita ko ang reaksyon ni Coleen na inaasahan kong magiging reaksyon niya pagkatapos kong ipakita sa kaniya yung litrato.


"O-opo, sir.."


"Alam mo ba kung ano'ng sinabi sa'kin ni Mark tungkol dito? Isang malaking kagaguhan daw ang ginawa mo, Coleen."


Habang si Coleen naman, halatang nalulungkot sa mga sinasabi ko.


"Pinagtatakpan mo daw ang mga kasalanan mo sa pamamagitan ng pagyakap mo sa kaniya, Coleen. Ang dami niyang masasakit na salitang sinabi sa akin para sa'yo, pero ayokong sabihin sa'yo yon para hindi kana umiyak."


Speechless siya. Wala siyang masabi sa lahat ng pinagsasabi ko sa kaniya.


"Layuan mo na si Mark, Ms. Villafuerte. Naintindihan mo?"

Huling bilin ko.


"Opo, sir Cha.."


Huling sinabi niya bago ko pinaalis sa room para siya'y makauwi na.


Halatang naniwala talaga siya sa lahat ng sinabi ko. Mabuti yan. Dapat niyang layuan si Mark. Dapat lang talaga.

RPW Is The WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon