Part • 33

57 14 0
                                    

--Coleen's POV--

7:30 PM in the evening, inimbitahan ako ng mga pulis para pumunta sa Police Station para isalaysay sa kanila ang mga nangyari ng gabing iyon.



"Anong oras eksaktong nangyari yung krimen, madam?"


Tanong sa'kin ng pulis habang nakaupo ako sa upuan, sa loob ng silid at kami lang dalawa nag-uusap.



"Mga bandang alas syete po." Saad ko naman kay Mr. Police.



"Yung eksaktong oras ang hinihingi ko madam Coleen."



Shoocks! Kakatakot naman 'to si Mr. Police.



"Hindi ko po alam, sir. Nakatali po kasi kami sa upuan nun eh." Rason ko sa kaniya.



Ngunit, si Mr. Police ay seryosong nakatitig sa akin. Parang gusto akong patayin ng pulis na 'to ah pag di ako nakasagot ng maayos sa kaniya.


Ang sungit niya kung makatitig. (T_T)



'Ano baa, Mr. Police! Di ako komportable pag tinitingnan mo'kooo!'



"Namumukhaan mo ba kung sino yung tumali sa'yo?" Saad niya sa akin sa mahinang boses.



Teka.. naalala ko yun eh. Nakita ko na yun dati. Ano nga bang pangalan niya?...



Pilit kong inaalala sa aking isipan kung sino yung lalaking kriminal na tumali sa amin sa upuan.


Nang biglang nag flashback sa isip ko yung sinabi niya.



"Ako si Juan. Juan Taranto! Naliligaw ako dito sa kwento mo dahil ewan ko anong trip netong si Jando Oh! Pakisabi sa teacher mo na kinginang hinayupak siya sinampal nya mukha ko kumag siya. Di pa'ko nakakaganti sa kanya."


Tama! Siya si Juan! Juan Taranto!



"Tinatanong kita!!! Anong pangalan ng lalaking tumali sa inyo!!!?"


Sigaw ni Mr. Police na dahilan ng pagkainip sa pag-antay ng isasagot ko sa kaniya.



"Oo na!! Oo na!! Nangwa-warshock ka talaga eh 'no!?"


Biglaan kong naisagot kay Mamang Pulis. Agad din siyang napatahimik sa biglaang naiasal ko sa kaniya. Shocks. XD



"Joke lang po Mr. Police. Kayo kasi eh nangpo-provoke."



Ngunit patuloy pa rin siyang nakatingin sa akin ng seryoso.


Ilang saglit ay nagtanong ulit siya.



"Ano nga ang pangalan?"


Biglaan ko naman itong sinagot.


"Naalala ko na po! Siya po si Juan Taranto!"



Napatikom ulit sa bibig si Mr. Police.



Ilang saglit, nagsalita ulit siya.



"Juan Taranto.. Juan Taranto.. pamilyar sa'kin 'tong pangalan na 'to."



Pamilyar? Owwss baka nutorious na kriminal 'tong si Juan Taranto. HAHA.





Pagkatapos ng interview, pinauwi na'ko sa amin. Naglalakad na'ko pauwi sa amin. Madilim ang daan. Di umaandar yung street light.



Nang bigla akong napahinto sa nakita ko. May lalaking nakatayo sa dadaanan ko.




Hindi ko kita ang mukha. Nang kinuha ko ang cellphone ko at ni-turn on ang flashlight, tinapat ko sa kaniyang mukha yung ilaw para makita ko ang kaniyang pakening peys.





"Owshit!" Salitang bigla kong naibulalas nang makita ko ang mukha ni Juan Taranto!

RPW Is The WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon