Part • 58

71 14 5
                                    

--Coleen's POV--

"So, kailan ba tayo magkakaroon ng label?"



Salitang lumabas sa bibig ni Mark na bigla kong kinagulat pagkatapos kong madinig.



"Anong sinasabi mo dyan, Mark? Seryoso ka ba? Ha?" Paninigurado ko. Baka kasi nantitrip na naman etong si Mark.



"Hindi, totoo nga. Payag ka bang magka-label na tayo?" Seryosong tanong niya.



Wow lang. Wala akong masabi.



"Um, payag naman." Sabi ko.



"So, kailan?"



"Ngayon? Haha."



"Ngayon!!?" Masayang saad ni Mark na parang nanalo sa lotto.



"Totoo ba 'to, Coleen?" Tanong pa niya.



"Oo ngaa! HAHAHA."



Nag-umpisa na siyang nagtatatalon sa saya. Parang nanalo talaga sa lotto dahil sa itsura niya.



"Grabe hindi ako makapaniwala! HAHAHA! Is this for real? Hindi talaga ako makapaniwala, Coleen!"



"So, anong gagawin ko para maniwala ka?"



"Ano nga ba? Hmmm--"



Habang nag-iisip siya, bigla ko siyang niyakap at hinalikan sa pisngi.



Napatingin siya sa akin habang yakap yakap ko pa din sya. Niyakap niya din ako at hinalikan sa pisngi.



Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon. Napakasaya ko. Ganoon din si Mark. Starting this day, he's officially mine and I'm officially his.







Parang kailan lang. Hindi ko in-expect na hahantong kami sa ganito. From haters to lovers. At lahat ng yun ay dahil sa RPW. I didn't expect that a famous brp will fall inlove with someone like me na unknown lang sa RPW.






Ang daming pagsubok na hinarap namin ni Mark ng magkasama, ang meet up na ilang beses nahadlangan, ang inis namin sa isa't-isa, si Sir Cha na pilit kaming binubuwag sa isa't isa, ang pagtransfer ko sa kabilang section, ang pagpasok ni Raiko sa buhay ko at nung gabing hinabol kami ni sir at nahuli niya kaming magkasama and we ended up like this.



RPW is the way kung bakit kami humantong sa ganito, kung bakit kami naging official na nagmamahalan na sa isa't isa. We love each other na eh. Siguro kung walang RPW, magkagalit parin kami ni Mark sa isa't isa hanggang ngayon.






Ngunit madami pang katanungan ang kailangan mahanapan ng sagot, gaya nung kung sino ang nag-utos na ipatali kami sa upuan buong gabi, kung sino ang bumangga at pumatay kay Jayson, at madami pang iba.



Pero sa ngayon, itetreasure muna namin ni Mark ang mga panahong magkasama kami bilang magjowang nagmamahalan.



Weeks later, nalaman na ni Raiko na ako at si Mark ay nagmamahalan na. Support naman siya at alam kong nasaktan din siya.



Hindi nagtagal ay nahanap din ni Raiko ang para sa kanya at yun ay si ate Ara Reyale.





Ang haba na ng pinagdaanan ko mula nung nag umpisa ang kwentong 'to. Si sir Cha, he's part of the story. Yes, parte siya ng kwento namin dahil kung wala siya, hindi mabubuo ang kwentong 'to na RPW Is The Way. Haha.



And yeah, mula nung naospital siya dahil nahulugan ng hollowblocks ay di na siya nanggugulo sa amin. Siguro nagtanda na siya.


Ngayon, pupunta na si Sir Cha sa Hyunjin Chen University para ayusin ang pamamalakad ng pagdidisiplina doon. Pinapunta si Sir doon bilang temporary head of the Prefect of Discipline sa paaralang 'yon.






Anyways, sa hinaba-haba ng kwento namin, siguro this will be the end of the story. Dadalhin na namin sa real world ang aming pagmamahalan ni Mark at hindi pang rpw lang. Yes, sa RPW ko siya nakilala bilang si Cavier Loren at sa RPW niya din ako unang minahal, at ganon din ako sa kaniya.





Magpapaalam na kami and we will bring this to real world to prove that we are not for the role play world only.



Mahaba na ang aming pinagdaanan mula nung nag-umpisa ang kwento na 'to. HAHA.






This will be goodbye of our story. We, Nyx Hocci and Cavier Loren, are signing off as an rp'er.




Paalam na po!




--wakas--

RPW Is The WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon