Chapter 19

6 1 1
                                        

Eli's POV

I woke up at 7am, hindi ko na nasagot ang text ni Lucas kagabi. I just took a shower and wear a maong shorts and a white tube crop top paired with my beach sandals.

"Hey! Sabay na tayo mag breakfast." Aya sakin ni Trisha.

"Alright."

Bumaba na kami at nag order na ng breakfast, I just ordered a pancake and orange juice.

"Mamayang 9 ang rehearsal natin."

Sabi niya at tumango tango nalang ako, we ate while having a chat. Nalaman kong nanggaling sa mahirap na pamilya si Trisha at nakaahon lang nang mag simulang mag modeling, naka kita ng potential sakaniya ang ibang agency kaya madaming kilalang agency ang nag offer sakaniya at itong "NY lines" ang pinili niya.

Well maganda naman talaga si Trisha and I must say that she really is sexy yun nga lang at malayo ang ugali niya sa pisikal na itsura. She's fun to be with, madaldal siya but not in the way na ma iirita ka.

Pagkatapos namin kumain ay bumalik muna kami sa room namin para mag ayos for rehearsal, I just brush my teeth and put a light make up.

Nang mag 8:30 na ay napagpasyahan na naming bumaba, nag antay kami sa lobby hanggang sa makumpleto na ang mga models.

"Hi!" Bati sakin ni Kristoff, nginitian ko lamang siya.

Nag punta kami sa seashore at nakita kong may naka assemble na stage duon  at nakaharap sa dagat, may mga seats nadin sa unahan kung saan uupo ang mga kilalang designers, celebrities and other businessmen.

May malalaking tents din duon sa likod ng stage na kung saan siguro kami mag bibihis. May isang malaking plywood na nagsisilbing dinding ng stage para hindi makita ang mga tents.

"Alright! Let's start now! Pumwesto na kayo!" Sigaw ng manager namin.

Umayos na kami at nagsimulang mag rehearse, may mga iilang nagkamali dahil hindi sanay sa bagong pinag rerehearsan namin.

Nang mag 12 pm na ay tumigil muna kami para makapag lunch, kasabay ko mag lunch sa table si Kristoff at Trisha. Simulang nang gumising ako ay hindi ko pa siya nakikita, luminga linga ako at wala akong nakitang Renz. Baka nag bago yung isip at umuwi na? Ugh! Stop thinking of him Eli!

"May hinahanap ka Eli?" Tanong ni Trisha at napatingin nadin si Kristoff dahil duon.

"H-huh? Ahh w-wala." Sabi ko ng nauutal at tipid na ngumiti nalang.

"Bukas ang fashion show so baka buong maghapon tayo mag rehearse, pag dasal niyo na hindi kayo mangitim." Kristoff said then laugh.

"Psh." Sabi ko at inirapan lang siya ni Trisha.

"Why?" Tanong niya pa ng natatawa.

"We can put sunblock Kristoff at kahit mangitim pa kami ay maganda padin kami ni Eli noh!"

I just smirked at Kristoff, nawala lang iyon ng makita ko ang lalaking kanina ko pa hinahanap na nasa likod ni  kristoff at nakaupo habang nakaharap saakin. He must be eating his lunch now huh? Pinag taasan ko siya ng kilay ng makitang nakatitig siya sakin, umiwas lang siya ng tingin at umiling iling.

We finished our lunch and took a rest before going back to rehearse. It's 2pm at tirik na tirik ang araw buti nalang at nag lagay ako ng sunblock.

"Claire! Ayusin mo yung lakad mo you look stiff! What happened now?!" Sigaw ng manager.

Nagpailing iling nalang ako at nag patuloy na sa pag rerehearse, gladly hindi ako nagkamali ni isa dahil sanay na naman ako yung iba lang talaga siguro hindi sanay na masyadong madami ang nanonood sa pag rerehearse. May iba kasing foreigners na sumisipol or nag cacat calling gosh! Don't they have any shame? They look so low class, high end pa naman tong beach resort and yet their attitude don't fit in.

Natapos kami ng 5pm sa loob nuon at binibigyan naman kami ng 20 mins break. Nag pahinga lang kami ni Trisha sa suite namin and we decided to  have a night swimming.

I wear a black and white backless one piece swimsuit, sa harapan ay medyo revealing ang cleavage. Sa pool kami ng swimming and we sat on the pool bar, we ordered some drinks and have a little chat.

"Hey! You didn't invite me! Madaya kayo." Rinig naming sigaw ni Kristoff and we both just laugh, hinubad niya ang t shirt niya at tanging ang board shorts lang niya ang natira. Tumalon siya sa pool at lumangoy papunta saamin, nang makalapit ay tinalsikan niya kami ng tubig.

"Hoy tumigil ka nga kristoff!" Sigaw ni Trisha and I just laugh.

Tumabi siya sakin at umupo sa stool, he also ordered some hard drinks.

"Hey, tomorrow is the fashion show, don't drink too much." I said.

"Don't worry I can manage." He said.

Nagkuwentuhan lang kami at puro tawanan lang ang ginawa, napansin kong lumalapit ang palad ni Kristoff sa beywang ko and then I feel so uncomfortable because of his movement. Umayos ako ng upo at piniling maging kumportable pero hindi iyon natuloy ng ipatong niya ang baba niya sa balikat ko and wrapped his arms around my waist. Patuloy padin sa pag kukuwento si Trisha habang ako ito hindi alam kung ano ang gagawin.

Natigil lang ang pag iisip ko ng may humigit saakin at tuluyan akong lumubog sa pool. Nilingon ko kung sino iyon at nakita ang matatalim na tingin saakin ni Renz, he snaked his arms around my waist tsaka ako hinila palayo sa pool bar. Narinig ko pa ang tawag nila Trisha but I can't focus I was too shocked for what happened.

Halos mapatili ako ng buhatin niya ako paahon sa pool, binaba niya ako sa isang lounger na may bathrobe sinuot ko iyon at bigla niya akong hinila paalis duon.

"I can't believe you let the man touch you." Halos bulong niyang sabi.

Pumunta kami sa tapat ng elevator, he pushed the button and wait until it open. Nakahawak padin siya sa kamay ko, I tried to remove my hand but his hold is too tight. Nang mag bukas ang elevator ay hinila niya ako papasok duon I can't say anything coz I'm too scared that he will shout at me.

Ngayon lang ako natakot sa reaction niya like as if I was caught cheating, gosh Eli! Why do you have to think of that?! I stayed calm hanggang sa makarating kami sa 3rd floor. Nang makarating kami sa suite ko ay tsaka niya binitawan ang kamay ko.

"Rest, you still have fashion show tomorrow."

Hindi ako sumagot at nakatingin lamang sakaniya. Nang tumalikod siys para umalis ay tsaka lang ako natauhan.

"W-why *I paused* why did you do that?" Kalmado kong tanong, patuloy na nag haharumentado ang puso ko ngayon, alam kong hindi dapat na dapat kong pigilan pero ang hirap, sobrang hirap.

Lumingon lang siya sakin at hindi sumagot tsaka tuluyang umalis sa harapan ko, wala akong nagawa. Ang paglayo niya paalis saakin ay ang naging dahilan kung bakit kumikirot ang puso ko ngayon, isang luha ang lumandas sa pisngi ko.

What happened to us?Where stories live. Discover now