Eli's POV
Hindi ako nagising ng maaga kaya hindi na ako nakapag gym, naligo lang ako at nag bihis na. Isang black pencil cut skirt at white sleeveless top ang sinuot ko, gamit ko ang LV clutch ko and I'm done! Sa office na ako mag papalit ng stilletos.
I drink my coffee and eat some toasted bread, umalis na ako ng unit at nag punta na sa parking lot para maka alis na.
Sa byahe papuntang office ay nakita ko na yung sarili ko sa billboard, that was too sexy ghad. Uminit ang pisngi ko dahil sa nakita, I was wearing a black underwear naka luhod ako at medyo naka buka ang binti ang kamay ko ay nakataas habang hawak hawak ang buhok ko.
Pagdating ko ay agad akong nagpunta sa opisina ko, bumungad saakin si Renz na tutok sa laptop niya. Dumeretso nalamang ako sa table ko at nag trabaho na.
Napagdesisyunan kong lumabas para kausapin ang General Manager, nag punta ako sa opisina niya at nakitang siyang nag tatrabaho.
"Good morning Ms. Sheila." Bati ko.
"Ikaw pala yan Eli, maupo ka."
Umupo ako sa harap niya.
"I just wan't to know kung puro matatanda ba ang clients natin? Or meron namang mga bata like bachelors?" I asked.
"Mostly ang bumibili ng property sa Casa Grande are families, meron din namang mga bachelors at ang iba is mga bata pa like in mid 20's"
"I'm planning to propose a project gusto kong i pa renovate yung 500sqm clubhouse sa dalawang subd natin dito sa manila to make it a small club, in that way may mas ma eearn pa tayong money and it can attract more clients. I just wan't to know if worth it ba yung proposal kasi baka mostly na nakatira duon is matatanda na like not party people." I explained.
"Medyo risky yung proposal mo ma'am kasi parang you're opening another business bukod dito sa Casa Grande. And we wouldn't know if papatok ba ito sa mga nakatira duon."
Napaisip naman ako agad duon sa sinabi ni Ms. Sheila, may point siya. Gusto ko din sanang gawan ng bagong interior yung 700sqm clubhouse para hindi ganuon ka boring.
Nagpasalamat ako kay Ms. Garcia at umalis na, dapat ko talaga siguro itong pag isipan.
Nadaanan ko ang marketing department at nakitang papalabas duon si Pia.
"Goodmorning ma'am Davis." Bati niya.
"Goodmorning." Sabi ko sabay ngiti.
"Ang sexy niyo po pala ano? Hehe." Agad kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Pano mo naman nasabi?" Tanong ko ng medyo natatawa.
Ipinakita niya sakin ang isang FHM magazine at nakita ang litrato ko duon na suot suot ang isang branded underwear, nakita ko ang ibat ibang pose ko duon. Agad namula ang pisngi ko sa hiya at awkward siyang nginitian.
"Kahapon pa po ang released nito at ngayon ko lang napagtanto na ikaw po pala ito."
"Ahh ganun ba? Hahaha nakakahiya naman at nakita mo pa iyan." Sabi ko.
"Naku ma'am anong nakakahiya dito eh ang sexy sexy niyo nga." Biro niya.
Tinawanan ko lang siya at nag paalam na para makapunta sa opisina ko. Pagdating ko duon ay nag tatrabaho padin si Renz, nakita ko ang isang FHM magazine sa lamesa niya at agad na namutla ang muka ko.
Fuck bat may ganiyan sa lamesa niya? Nag tungo ako duon at kinuha ito. Agad siyang nag taas ng kilay saakin.
"P-paheram." Sabi ko ng nauutal at dumeretso na sa table habang hawak hawak yung magazine.
Hinayaan niya lang ako at nag patuloy sa trabaho niya, bakit ba kasi ako nahihiya?! At anong nakakahiya dito? Ghad Eli! Fix yourself you're not doing anything wrong! Tsaka ano bang pakealam niya? Ughhh! I'm so stressed.
Dumating ang lunch at hindi padin siya tapos sa ginagawa niya, nag punta ako sa cafeteria at nakisabay kayla Pia at Ms. Sheila. Buti nalang at hindi nila pinag usapan yung about sa magazine, puro tawanan lang ang ginawa namin buong lunch break. At nag si balik na sa kaniya kaniyang trabaho pagkatapos nito.
Patuloy kong pinag aralan ang gusto kong i propose na project at nag tanong sa finance kung enough ba ang funds ng kumpanya para mag invest sa ganitong bagay. Pinag isipan ko din kung malaki ba ang mababawi ng kumpanya sa pag iinvest ng ganitong project.
First we need to hire a company engineer and architect also mag dadagdag pa ng warehouse and logistic Dept at I must say na risky nga ito kahit na small club lang at konting renovation malaking investment padin ito, just like what Ms. Sheila said earlier it's like making another business. Duon ko napagtanto na malaking investment nga ito pero sa tingin ko naman magagamit din namin ang hired engineers and architects also the warehouse and logistic dept kung mag hohouse construction kami, another project.
Should I asked Renz for an advice? That thought make me a lil bit uncomfortable. But I think I should seek for advice since he's the CEO but not now I guess. Nang mag 5 pm na ay agad akong nag ayos ng gamit para maka alis na, babyahe pa ako papunta studio for our shoot.
Lumabas na ako ng office ng hindi siya nililingon, mukang mag oovertime siya. Nag drive na ako papuntang studio, medyo malayo ang byahe buti nalang at hindi traffic.
"Eli glad you came." Bati ng manager, nginitian ko lang siya at nag paayos na. We're shooting for another summer collection designed by Francesca Miller a famous designer in US, ang alam ko ay nag invest siya sa agency namin that's why we will be helding a fashion show na gaganapin dito sa Pilipinas.
Natapos ang shoot ng 9pm dahil madami kaming models na nag ttake turns. Gusto ko nang umuwi at humiga nalang sa kama medyo traffic na ng pauwi ako kaya 11 pm na ako nakauwi sa condo.
Sumakay ako ng elevator at sumandal sa dingding dahil sa pagod, nang bumukas ito at agad akong lumabas at pumunta na ng unit ko. Habang papalapit ako ng papalapit sa unit ko ay may nakita akong lalaking nakaupo sa gilid ng pinto at nakayuko.
Because of his built I already know who he is.
"Why are you here?" I asked ng tumigil ako sa harap niya.
Umangat ang ulo niya at kumunot ang noo halatang pagod sa kakaantay.
"Bat ngayon ka lang?" Tanong niya at tumayo, I'm too tired to argue kaya sinagot ko nalang.
"May shoot ako, 9pm natapos at traffic pauwi kaya ngayon lang ako nakarating. Why?" Sabi ko.
"Hindi ba pwedeng mag focus ka muna sa company at itigil yang pag momodel mo? Hindi ka ba napapagod your sched is hectic now hindi na katulad ng dati."
Why does he sound so concerned? Ugh stop thinking of that Eli bat naman siya mag aalala diba.
"I can manage titigil naman ako kung hindi ko na kaya, why are you here?" I asked changing the topic.
"You left your wallet sa office." He said at inabot ang chanel wallet ko, tinanggap ko kaagad iyon ghad Eli why are being so careless.
"Thanks, you should rest know I bet you're tired." Sabi ko at dumeretso na sa pintuan, I swipe the key card and get inside.
Before I get to close the door hinarang na niya ang kamay niya duon at tinulak pabukas ulit ang pinto.
"Eli about what happened last sat-"
"Don't worry about that I don't mind anyway, let's just forget what happened besides it's pure lust. I'll rest now bye." I said tsaka tuluyan nang sinarado ang pinto.
Hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang luha ko, fuck! When will I ever forget my feelings for him? I know what I said is all a lie, it will never be a lust when it comes to him.

YOU ARE READING
What happened to us?
RomantikaTheir perfect love story turns out to be a painful memory. Elianna Samantha Davis is a well known model in New york. Her father are one of the founders of Casa Grande, a high end Real Estate Subdivision. Renz Oliver Hudson the son of the other found...