Sais

1 0 0
                                    

Sais

I started avoiding him from that day. Alam kong kapansin pansin yun lalo na at hindi na talaga ako pumapayag na pumasok sa kwarto ni Sir. What he said brought havoc in my head lagi akong may excuse kapag inuutusan na ako ni Nay Lilia tungkol sa paglilinis nang kwarto ni Sir minsan nga ay nag dududa na ang lahat pero tuwing ginagawa ko naman at talagang natatagalan ako sa pag tratrabaho ay pinapaniwalaan naman agad.

I thought that will go smoothly. Not until now. He suddenly appear in the kitchen where I was currently making their dinner. Mula sa gilid nang mga mata ko ay nakita ko ang pag sandal nito sa counter. Nakatalikod ako nang bahagya rito ngunit kita ko pa rin ang pagkakahapit nang kulay itim na casual t-shirt nito at isang jogger pants. Napaka gwapo nyang tingnan sa jogger pants na yun na muntikan ko nang makalimutan na may niluluto ako.

"Do you want some help?" Ang tila ba maangas na boses na yun ang nagpatigil sa lahat nang mga kasamahan ko. Sinulyapan ko ang mga kasamahan ko na nagkatinginan.

"Ako Sir! Kailangan ko po nang help! Naku! Ang init ba naman kasi!" Sapaw ni Sofie. Sinulyapan ko si Sir. Napataas ang kilay ko nang makitang hindi man lang nito sinulyapan si Sofie.

"I didn't offer any help to you. Ang kausap ko ay si Ode." Nakagat ko ang aking labi. Dinig ko ang hagikhikan nang mga kasamahan ko at ang pagdadabog ni Sofie. Ayan kasi. Lalandi, wala pa sa lugar.

"Bullshit!"

"Are you cursing me Ms. Veda?" Nang hahamon na saad ni Sir.

"N-No Sir." Suminghal lamang si Sir. Nagulat ako nang kalabitin ako nito. Dahil wala sa sarili ay nakakunot ang noong humarap ako rito.

"What?!" Ngumuso ito na nagpatindi sa hataw nang puso ko.

"Galit ka gad?" Namilog ang aking mga mata sa pagkamalumanay nang boses nyang yun. Yung angas ay biglang nawala ngunit may konting daing sa boses na yun.

"I-I'm not."

Sumilay ang malaking ngiti nito.

"So, you need help?" He enthusiastically stood up straight and went beside me. Pinigilan ko ang pag samyo sa paborito kong cologne na panlalaki. Umalingasaw ang mabango nitong amoy lalo na nang lumapit ito at tumabi sa akin.

"I am pretty sure that Nay Lilia and Jelai can help me do the cooking." Nag kibit balikat ako saka umirap para lamang maitago ang tunay na nararamdaman.

"Naku day! Marami pa kaming inaasikaso dito, ang mas mabuti pa ay mag patulong ka na kay Sir at mukhang atat matutong magluto." Sinamaan ko nang tingin si Jelai dahilan upang humagikhik ito. I am having a hard time here para mapa alis ang isang ito at bumalik sa dining hall pero ito at mukhang may balak pang tulungan nito ang Sir.

Tumingin ako kay Nay Lilia sa pag asang matutulungan nya ako ngunit ang ngisi nyang yun ang nag sasabing wala na akong magagawa, pero sige. subukan natin.

"Nay, di ba po matutulungan nyo po ako dito?" Umaasang tanong ko.

Ngunit agad ang aking panlulumo sa narinig.

"Naku iha, pasensya ka na ha. Hindi kita matutulungan lalo at kailangan kong bantayang maigi at halu haluin nang paulit ulit itong sabaw. Magpatulong ka na lang kay Sir." Ngumiti ito sa akin. I want to think that her smile wants to motivate me but I have to think twice. May laman yung pang aasar. Na hindi ko naman gusto.

Napatingin ako kay Sir na nakangisi ngunit nang makita ang tingin ko ay biglang ngumiti nang kenkoy. Umalis naman ang iba kong kasamahan leaving the two of us here. I was about to call them nang harangan ako nang isang ito.

Clashing With The Blue Sea (Mejares Line 1)Where stories live. Discover now