Dise Siete

2 0 0
                                    

Dise Siete

Kinabukasan ay kinakabahan akong nagmulat nang mga mata. Agaran ang aking pagbangon kaya naman nag resulta yun sa biglaan kong pagkahilo. Napahawak ako sa aking ulo. That text last night made me awake. Hindi ko maisip kung sino ang posibleng may galit sa akin. Aside from the Yap at sina Tita ay impossibleng may mga taong may galit pa rin sa akin. Though, hindi naman na yun kataka taka pa dahil may mga bagay naman talaga na walang kasiguraduhan.

Gaya na lang nito, ni hindi ako sigurado kung para kanino ang text? This number and phone was owned by Chanson. Malamang sa contacts nang taong nag text ay kay Chanson pa rin ito or either iniisip nito na hawak ni Chanson ang phone na ito.

Pero paanong ganun ang uri nang text nya gayong wala namang nangyaring masama kay Chanson?

"Good morning, pasalamat ka at agad akong napatawad ni Sofie, kung hindi ay baka ikaw ang ginantihan ko."

Gulat akong napalingon sa nagsalita. Umawang ang aking labi nang makita na si Chanson yun! Dahil sa dami nang iniisip ko ay naging ganun na lamang kalalim yun at ni hindi ko napansin na nandito pala si Chanson at Sofie! Sofie is wearing a peachy dress na hanggang tuhod nito, pinaresan nang ankle boots. Nagmukha syang donya sa kanyang itsura.

Nang makita na tinititigan ko si Sofie ay umirap ito sa akin at saka ako siniringan, mula sa pag kakaupo sa sofa ay tumayo ito.

"Tama ako? Mag ano kayo ni Sofie, Chanson?"

Imbes ay tanong ko. I want to ask him about the message or kung siguro mamanipulahin ko muna sya para malaman kung may kaaway ba, but looking at him right now together with Sofie. Mukhang may pupuntahan silang importante. Hindi naman kasi mag gagayak nang ganyang kabongga si Sofie kung hindi importante. Tapos naka suit pa itong si Chanson.

Nakita ko kung paanong dapuan nang hiya at pamumula si Sofie. Tumikhim si Chanson, naka iwas ang tingin at namumula ang tenga. He looked at Sofie intensely, he smirked. Kinagat pa nya ang labi nya. Sofie excused herself pero hindi ko sya pinansin.

"You look like an idiot."

Marahas nya akong nilingon. Sinamaan ako nito nang tingin, tumaas ang kilay ko. What Chanson? It's true!

Sinubukan kong hanapin sa loob nang kwarto si Salrido pero wala sya. Nakakapagtaka. Bakit wala sya?

"At least we are true." Ngumiwi ako.

"Bakit? Sinabi ko bang statwa kayo?" Sarkastiko kong saad.

"True to ourselves! Wag ka ngang tanga!"

Pinigilan ko ang matawa. I know that they are going elsewhere pero since wala si Salrido dito ay na bore ako. Saglit lang naman ito.

"Malamang, alangan namang plastikin nyo ang sarili nyo di ba? Anong ganap nun—?"

Tuluyan na akong natawa nang malakas na sinarado nito ang pintuan. Tawang tawa pa ako bago ko maamoy ang hininga ko. Ngumiwi ako saka na akong nag handa. Pumasok na ako sa banyo saka nag bihis at nag toothbrush.

Pinigilan ko ang pagsimangot nang makita ang dalawang malalaking hickeys sa may itaas banda nang collar bone. Umigting ang aking panga. Damn you Salrido! Ano ba naman itong ginawa mo! Kahit pa ata ang buhok ko ay hindi yun magagawang matakpan!

I know na ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit ako nag karoon nang ganitong hickey. I was driven by unadulterated desire to Salrido! It was entirely my fault but hindi ko alam kung saan galing itong accusation ko, at kung bakit si Salrido ang sinisisi ko.

Clashing With The Blue Sea (Mejares Line 1)Where stories live. Discover now