Girlfriend For Rent
written by Bluezela
----------
Prologue~
Napakalapitin ng chicks si Jules, ang isa sa mga gwapo at mayamang businessman sa buong Pilipinas. Dahil dito, iniwanan siya ng kanyang current girlfriend na si Mia.As time flies, nabalitaan niya na lang na napagpalit na siya ng kanyang Ex sa isang sikat na artista, at ipinagmamayabang nito iyon sa kanya.
"Akala mo ikaw lang ang lalaki sa mundo? Hah! Nagkakamali ka! Mas sikat, mas mayaman, at mas gwapo sa'yo ang BAGONG BOYFRIEND KO!" tandang tanda niyang pagkakasabi nito sa kanya ng minsang nagtagpo sila sa isang cofee shop.
Kaya naman ng minsang nakausap niya ang kanyang matalik na kaibigan na si Blake ay isinuggest sa kanya nito na mag move on na at magbago na rin ng kasintahan.
"Wala nga kasi akong maipampalit sa kanya." sabi niya kay Blake.
"Sus! Andali dali lang namang solusyunan nyang problema mo! Edi mag rent ka ng girlfriend!"
"Rent ng girlfriend?" nagtatakang tanong niya sa kaibigan.
"Oo. Mag rent ka ng girlfriend. Atleast dun may maipagmamalaki ka na rin kay Mia at Makakamove on ka na din!"
"Eh, hindi ko mahal yung babae, lokohan ba toh? Alam mo namang hindi ak----"
"Kaya nga rerentahan mo di'ba? Parang trip lang, ganon. Tsaka malay mo mainlove ka din dun. Di ba? Ano, call na?"
"Ayo---"
"Ok! Kaya bukas, sasamahan mo ko at magre-rent tayo ng Girlfriend mo! Oha! Edi meron ka ng girlfriend! Girlfriend for rent!"
BINABASA MO ANG
Girlfriend for Rent (ON HIATUS)
Teen FictionJules Arrevalo is a rich, successful, and most of all a hunk businessman in the country who badly needs a replacement for his ex-girlfriend Mia Deranio who recently dumped him. Then one day, Blake Angelo Agustin, Jules' childhood bestfriend, said th...