Girlfriend For Rent
written by Bluezela
----------
[ Chapter Ten ]
Patrice Nielle's Pov.
Tahimik yung byahe namen. Kanina pa nga ako napapanisan ng laway eh. -,-
"Ah, jules, san tayo pupunta?" I tried to break the silence pero hindi naman siya sumagot. Osige, kunware hangin ka. Kainis! May dila naman hindi magsalita.
Binuksan ko na lang yung radyo ng kotse nya. Pero pinatay niya.
Nagmusic ako sa cellphone, pero inagaw niya yung phone.
Haaaaay.. Ikaw bintana, pwede ka bang kausap?
"Why are you staring at the window?" kunot noong tanong nito sakin.
At last! Nagsalita ang mokong. -,-
"Tinitignan ko lang kung kakausapin niya ko." simpleng sagot ko sa kanya at binalik ulit ang tingin sa bintana.
"Are you crazy? Wala namang buhay yan, hindi yan magsasalita."
"Hmm... Malay mo lang naman, kasi yung bagay na may buhay nga minsan hindi nagsasalita eh. Malay mo itong bintanang 'to na walang buhay, magsalita kahit minsan lang."
"Are you referring to me?"
"No I'm not. Bakit, tinatamaan ka ba? Kasi kung tinatamaan ka, ibig sabihin guilty ka. But I'm not telling you na ikaw yung tinutukoy ko ha. Wala nga akong binanggit na pangalan eh." sabi ko sa kanya at ngumiti ng pagkatamis-tamis. Napatingin naman ako sa cellphone niya na nasa dashboard. Kinuha ko na kaagad yun. "Peram ah!"
"Hey!" aagawin niya sana yung cellphone niya, kaya lang biglang nag go na yung signal ng stop light. Kaya wala siyang nagawa kundi hayaan na lang ako. WAHAHHAHAHHAHAHA. >:)
"Alam mo, ang sweet niyo dito. Eh bakit ba kayo nagbreak?" tanong ko sa kanya na halata namang ang tinutukoy ko eh yung wallpaper niya sa cellphone niya.
"Akin na nga yan!" sabi niya na tinangkang agawin ang cellphone sa akin pero kagad ko naman itong nilayo.
"Ayoko nga! Kinuha mo yung cellphone ko noh! Manghihiram lang eh. Ang damot mo." sabi ko na mas nilayo pa ang cellphone sa kanya.
"Give me that damn phone!" sigaw niya habang nakatingin sa daanan.
"Magdrive ka na lang diyan. Tsaka, ayaw mo naman akong kausapin eh. Peram na lang ako nito, tatawagan ko na lang si Blake." sabi ko at halos na mapasubsob na ako ng bigla niyang ipreno yung kotse. Buti na lang nakaseatbelt ako, dahil kung hindi, siguro na sa langit na ko ngayon. -,- Plano pa ata akong gawing anghel agad nitong lalaking 'to eh.
BINABASA MO ANG
Girlfriend for Rent (ON HIATUS)
Ficção AdolescenteJules Arrevalo is a rich, successful, and most of all a hunk businessman in the country who badly needs a replacement for his ex-girlfriend Mia Deranio who recently dumped him. Then one day, Blake Angelo Agustin, Jules' childhood bestfriend, said th...