Chapter 1

2.8K 42 3
                                    

Girlfriend For Rent

written by Bluezela

----------

[ Chapter One ]

"Hoy Gumising ka na nga diyan!" sigaw ni Blake sa natutulog pang si Jules.

"Bakit ba?! Ngayon na nga lang ako magpapahinga mula sa mga trabaho ko eh!" sigaw naman ni Jules at tinakpan pa ang mukha ng unan.

"Hoy! Gumising ka na nga diyan! May pupuntahan pa tayo di ba?!" gising pa rin ni Blake kay Jules na inaalog alog pa ito.

"Blake naman! Ano ba! Free time ko ngayon kaya wala akong meeting kung kanino man! Kaya lumayas ka na!"


"HOY! TATAYO KA BA DIYAN O HINDI?! BABANGASAN KITA!" napataas na ang boses ni Blake sa natutulog na si Jules.

"Ano ba yun?! Langya naman eh! Ngayon na nga lang ako makapagpapahinga mang iistorbo pa!" sabi ni Jules na pupungas pungas pa ang mga mata.

"Maghahanap tayo ng girlfriend mo di ba? Este, Magre-rent tayo ng girlfriend mo. Kaya mag ayos ka na diyan at baka maunahan ka pa ng iba sa pagre-rent."


"Tsk naman Blake eh! Wala naman akong balak patulan yang rent rent mo kaya luma--"


"Osige. Mag ayos ka na. Hihintayin kita sa baba ha! Bye yow." sabi ni blake at lumabas na sa kwarto ni Jules.

Jules' Pov. 


Tsk. Siraulo talaga 'tong si Blake kahit kelan! 

Makaligo na nga lang at sasakyan ko na rin ang trip nitong Blake Devarra na ito. 

20 mins. later..

Pumarada na si Blake sa tapat ng isang..   Bahay?

BAHAY nga.. Pero akala ko mag rerent kami ng girlfriend sabi niya?

Hindi naman niya bahay toh? Eh nasaan kami? Langya talaga tong lalaking 'to! Kung ano ano umiikot sa utak!

"Good morning sir? What can I do for you?" tanong ng guard kay Blake nung lumapit kami.

"I'm here to rent a girlfriend for my friend here. So if you can see, he is Jules Arrevalo, one of the hunk and rich businessmans in the whole Philippines."


"Ay sir! Sige ho, pasok kayo." sabi nung guard kay Blake matapos akong ipagmayabang. 

Tsk tsk. Siraulo talaga 'tong kaibigan ko. Pumasok na nga kami at sinundan ang guard na naginstruct samin kung saan pupunta. Binigyan naman siya ni Blake ng limang daan matapos kaming i-guide.

Inikot ko yung paningin ko.. Nasa isang malaking kwarto kami ngayon na kulay puti.. May dalawang sofa na mahaba kung saan kami nakaupo, may aircon, may chandelier na nakasabit na nagsisilbing ilaw nung room at may isang pinto na parang sa tingin ko ay banyo nung silid..

Maya maya pa may lumabas na isang matandang babae na nakangiti..

"Magandang umaga ho, ano hong maipaglilingk--"


"We are here to rent a girlfriend for him." sabi ni Blake na tinuro ako ng hindi man lang pinatapos ang babae sa pagsasalita.

"Ah.. Sige ho, halika ho, dito tayo, sumunod na lang kayo." sabi nung babae at sumunod naman kami sa kanya na pumasok sa pinto na akala ko kanina ay banyo..

Pagpasok namin sa pinto ay pinaupo muna kami nung matandang babae na Ms. Rances daw ang pangalan at may sinundo lang saglit sa isa pang pinto..

"Asan ba tayo?" tanong ko kay Blake.

"Magre-rent nga ng girlfriend mo." sabi niya na relax na relax pa sa pagkakaupo.

Magsasalita pa sana ulit ako kaya lang lumabas na si Ms. Rances kasama ang maraming babae na pang girlfriend material.

"Heto na ho sila Sir Blake, Sir Jules, pumili na lang ho kayo sa magugustuhan niyo." sabi ni Ms. Rances at tumayo naman kami ni Blake para tignan ang mga babae sa harapan namin, pinakilala naman ni Ms. Rances isa-isa sa amin ang mga babae.

"Eto naman ho si Shay Fortalejo, twenty years old at graduate bilang nurse. Eto si Bea Mortez, twenty one years old, at graduate bilang isang chef. At, si--  Asan si Nielle?" tanong ni Ms. Rances sa mga babae.

"Nag cr ata Mom." sabi ni Shay daw ang pangalan.

"Tsk. Yun talagang batang yun, oo!" napapalo na lang sa noo si Ms. Rances.  "Sir Jules, Sir Blake, baka pwede ho nating hintayin si Nielle, nag cr lang daw ho ka--" naputol ang sasabihin ni Ms. Rances ng biglang bumukas ang pintuan kung saan lumabas ang mga babae kanina.

"I'm sorry I'm Late!" sigaw ng isang babaeng maputi at matangkad.

Girlfriend for Rent (ON HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon