Girlfriend For Rent
written by Bluezela
----------
[ Chapter Two ]
"Saan ka galing?" tanong ni Ms. Rances sa bagong dating na dalaga.
"I.. went to the comfort room?" sagot nito na painosente.
"Late ka na ho kaya."
"I.. guess so?" painosente pa rin nitong sagot.
"Hay nako!" sabi ni Ms. Rances na napapalo pa sa kanyang noo. "Sir Jules, Sir Blake ito ho si--"
"Patrice Nielle Salvacion." pakilala ng dalaga sa dalawang binatang nasa harap niya.
Jules' Pov.
Maputi siya, Matangkad din, Mukha namang elegante, at Maganda ren..Pero.. Parang mas maganda si Shay?
Tsk. Tsk..
"Kay Ms. Latecomer ako." bulong sakin ni Blake. Tinignan ko lamang siya ng parang nagtatanong.
"Maputi, Matangkad, Makinis, Mukhang matino at higit sa lahat.. Maganda siya." sabi nito na tinignan mula ulo hanggang paa ang babaeng na-late. "Kung ayaw mo sa kanya sa akin na la--"
"I choose her." sabi ko sabay turo kay late girl, mahirap na baka maunahan ni Blake.
"Ako?" turo niya sa sarili niya. "Wow ha! Di mo pa nga nakukuha info ko except sa pangalan ko."
"Then intro---"
"Patrice Nielle Salvacion, flight attendant slash stewardess cum laude graduate, and 20 years old."
"Okay. Kelan pwe--"
"Anytime, 800 per hour." sabi niya sabay kindat at ngiti.
"Pwedeng ngayon na?" tanong ni Blake.
"Yea." sagot naman ni patrice?
"Ah.. Ilan ho ba ang--"
"Sa kanya lang." putol ni Blake sa sasabihin ni Ms. Rances. "Jules, hihintayin kita sa labas. Bilisan mo."
"I'll take her." sabi ko.
"Let's go!" sabi ni patrice at lumabas na ng pinto.
"Ito po 2,000. Thankyou." sabi ko kay Ms. Rances at sinundan na sa labas yung dalawa.
BINABASA MO ANG
Girlfriend for Rent (ON HIATUS)
Teen FictionJules Arrevalo is a rich, successful, and most of all a hunk businessman in the country who badly needs a replacement for his ex-girlfriend Mia Deranio who recently dumped him. Then one day, Blake Angelo Agustin, Jules' childhood bestfriend, said th...