Chapter 4

2 0 0
                                    

Steph's PoV

Tanginanghudas!!!

Nakasalampak ako sa sahig ng mall dahil sa lakas ng pagkakabunggo ko sa...

tao?!

o

baka naman...

Poste. Antigas kasi E!

0_o

May sapatos yung poste!

"Wtf!! Alam mo bang masakit yon?"sigaw ng...poste?!!

Nag-anggat ako ng tingin sa pos...tengene tao pala.!
Matangkad, mestiso, may matipunong katawan at syempre gwapo may matangos na ilong,kayumangging kulay ng mata, may medyo kakapalang kilay, bagsak din ang itim na itim na buhok nya at higit sa lahat ang manipis at mapulapula nyang labi.Di ko alam kung anong itsura ko ngayon pero pakiramdam ko maya-maya lang ay tutilo na ang laway ko at luluwa na din ang mata kong bahagyang nanlalaki dahil sa paghangga sa istranggherong nakatayo sa harap ko.

Anghel ba 'to?!

"Hindi ka ba marunong mag-sorry?galit na turan ng lalaki.

Okay. Binabawi ko na ang sinabi ko,Di sya anghel hmp!Tumayo ako at pinagpagan ang aking suot .Kunot noo ko syang dinuro.

"Hoy! Lalaki!ako na nga 'tong na subsob sa sahig tapos ako pa yung magsosorry?"sigaw ko sa mismong mukha nya na dapat di ko na ginawa.

Mabaho ata hininga ko!!-_-

"Kilala mo ba kung sinong sinisigawan mo?"balik na sigaw nya sa mukha ko. Naitikom ko ang bibig ko.Nakakahiya naman sa kanya.Ambango ng hininga nya grabe.Pero bat ko iniisip yon tss galit dapat ako yawa.

"HOY!kailangan pa bang kilala kita bago ka sigawan."sabay cross arms.

"Excuse me miss dahil sa kahibangan mo nagkacrack ang phone ko kakabili ko lang nyan kahapon arghh damn you!".Galit na talagang sigaw nya tuloy ay nagtinginan sa 'min ang mga tao.

"Aba't 'yang kinginang cellphone mo pa ang inisip mong gago ka?"balik na sigaw ko.Anong akala nya magpapatalo ako Aba kahit magsuntukan pa kami rito.

'Grabe si ate'

'di nya ba kilala'

'lagot sya pag nagalit yan '

Nilingon ko ang mga taong nagchchismisan at sinamaan sila ng tingin.Binalik ko ang tingin sa kausa...Nasan na ang gagong yon?!Abat di manlang nagsorry? ayyss ganyan ba talaga ugali ng mga tao dito sa maynila?

Napagdesisyonan kong bumalik sa lugar kung nasaan si Shaira.Di na ako tumuloy sa akmang pagpunta sa boutique kung nasaan ang stuffed toy.Kingina kasi hanggang ngayon angsakit parin ng puwitan ko.huhu.Pagnakita ko talaga yong lalaking yon Naku!!Natatanaw ko na si Shai na bahagya pang nakaway saakin.

"Ano?"salubong nyang tanong saakin.

"Anong-ano?"takha kong turan.

"Ayy grabe bes.nakita mo ba yung panda na stuffed toy?"ahh yun pala ang ibig nyang sabihin sa ANO.

"Well, sad to say hindi. May kingina kasing tao na akala mo naman kung sinong gwapo. Nakabangga ko kanina. E di ko naman sinasadya.Apaka lintek kung alam mo lang bes.Tapos inuna nya pang alalalahanin yung kingina nyang phone haler ansakit kaya ng puwit ko buset."tuloy-tuloy kong kwento sa nangyari kanina.

"ahh... Okay lang ba?"

"oo naman ok lang ako masyado lang akong napagod sa bangayan namin."

"yung phone ba kako ayus lang ba?"ay kingina giliw toh?nahampas ko nalang ang kamay ko asa mukha ko.

»_»
Matalim kong tinignan ang bruha kong bespren.Isa pa 'toh ehh.

"hehe piece, pero bes nakita ko na.."

"Alin?"kunot noo ko syang tinignan.

"Anong alin?.Sino ang sabihin mo."

"So sino nga pinapahaba paang usapan ehh bruhilda ka"inis kong sabi.

"Yung may ari ng mall na ito.At sya din ang magiging amo mo."amo kooo??"Napagusapan na kasi agad namin dito nung wala ka.Yun nga lang eh napakabilis as in wala pang isang minuto. Sinabi nya na saakin na kung sino man yung isa kong kasama sya na ang personal janitress nya. Tapos ako na daw sa cashier."Bahagyang nanlaki ang mata ko dahil magkaiba ang trabaho namin. Ibig sabihin magkahiwalay kami huhu.

"Bes! Andaya mo!Ayaw ko mahiwalay sayo huhu"mangiyak ngiyak kong sabi.

"Bes!! Ano kaba? Nasa iisang lugar tayo . At saka kailangan na nating magsimula. Ngayong tanghali agad."0_0

"Agad-agad? Grabe naman di ba pwedeng bukas ?."

"Ano ka ba ang swerte na nga natin dahil makakapagsimula na tayo agad wala nang interviews"tuwang-tuwa nyang sabi.

"Pshh as if may choice ako"dismayado kong sabi pero kung sabagay swerte na nga rin toh.

Maya-maya'y Dumating ang babaeng nakausap namin may dala-dala syang kung anong naka plastic.Inabot nya saamin iyon.

"Mga miss iyan ang inyong uniform.Sabi ni boss magpalit na kayo agad para makapagsimula na kayo agad lalo na ang magiging personal janitress nya, sino nga ba sainyo ?"saad nang babae.

"Ahh,ako po ata iyon ma'am"
Sabi ko.

"O sya magbihis na kayo ito ang sayo"inabot nya sakin ang isang supot at kay Shaira naman ang isa pang supot.

"Hihintayin ko kayo dahil ihahatid ko kayo sa kanya-kanya nyong puwesto."

HINATID nga kami ng babae sa puwesto kung saan kami magtatrabaho.Naiilang parin ako sa suot ko.Simpleng slacks 'yon na pinarisan ng blouse na puti maganda nga iyon pero masyadong luwa ang dibdib ko sabi nga ni Shaira ay ang sexy ko daw kahit simple lang at sa sobrang gigil nya ay milagyan nya pa ako ng kung ano-anong kolorete sa mukha maging ang buhok ko ay nakaponytail na rin.
Ang sabi nya pa ay 'mag-ayos ka dahil ang gwapo ng boss mo'.
Napaka haliparot talaga nang babaeng yon.

"Bes! Gudlak! galingan mo ah!niyakap ko pa si shai nang maghihiwalay na kami.

"bey bye bes ikaw din galingan mo kita nalang tayo pag out."
Nagbitaw nakami ni bes at nagpatuloy na kami sa paglalakad nung babae.Ano kayang pangalan neto?.

"Ahmm.. ma'am nu pong name nyo?"nakangiti kong tanong.

"Beth"tipid nyang sagot.

"Ahhh ma'am Beth malayo pa ba yung office na lilinisan ko?"maya-maya'y tanong ko.

"Nasa 20th floor pa ang office ni boss"pumasok na kami sa elevator.

"Masungit po ba yung boss na sinasabi nyo?"curious kasi ako para mapaghandaan din kung ano mang ugali meron ang magiging boss ko.

"Oo masungit talaga yon, kay ayusin mo ang trabaho mo ayaw ni boss sa palpak at ayaw nya sa tatanga-tanga." sabi ni ma'am Beth iyan tuloy kinabahan na ako .

"Ah ganun po ba? Eh bakit po ba sya masungit?"tanong ko.

"Eh ang pagkakarinig ko ay di pa nakakamove-on sa ex nya."

"Ehh ano po bang nangya..."di ko na naituloy ang sasabihin ko kasi tumunog na ang elevator na ang ibig sabihin ay nakarating na kami sa floor kung saan ang office ng boss.Wow ang ganda dito ahh. Sinundan ko si ma'am Beth Na kasalukuyang naglalakad papunta sa magandang Pinto. Kakaiba ang design non kumpara sa mga nakita kong pinto.

"So dito na ang office ni boss, katukin mo na lang at pumasok ka na"yun lang at iniwan na ako ni ma'am Beth.

Inhale*exhale

*Knock *knock

"Come in"tipid na sabi nang kung sino na sa tingin ko ay boss ko na iyon.binuksan ko ang pinto at tuluyan ng pumasok.

WoW ang gandaaaa. Salamin ang nagsisilbing pader ng office na iyon at kitang-kita ang view ng kamaynilaan .Nakataupo at bahagyang nakatalikod sa gawi ko ang boss.

"So you're the new janitress"inikot nya ang swivel chair at...

"YOUUUU?"

"IKAAAWW"





Love In TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon