Bianca's POV
'She's nice' i smile when i remember the girl in a park named Stephanie.
'Omg!girls si Miss B ba 'yon?”
'Wow she really is a fashion model'Iilan lang yan sa narinig ko mula sa mga nagbubulungan.
Yeah I'm a fashion model.At age of 21.
Naglalakad ako papunta sa condo ko.Dito muna ako tutuloy dahil ayoko pang umuwi sa mansyon.
“Akala ko hindi ka na uuwi.”pagkapasok ko palang bumungad na sa akin si Jenica Alcantara.Naka-cross arms at nakataas ang kilay.Tinignan ko lang sya at nilampasan.Pero dahil sya si Jenica malamang ay sumunod sya hanggang sa kwarto ko.
“Bat ba ngayon ka lang,diba dapat kanina ka pang 2:00.Alas sais na day!”Ugali nyang mang-usisa na para bang nanay ko.S imula highschool magkaibigan na kami nyan ni Jenica di na kami mapaghiwalay,pati kaganapan sa buhay ko alam nya.
Sya ang bestfriend ko.
“Galing ako sa park.”maikli kong tugon.
“Diba malapit yon sa Basten Mall?Hayy babae ka!umupo sya sa tabi ko at yumakap.“Kakauwi mo palang galing US sya na ang inaaatupag mo”napabuntong hininga nalang ako.
“Di na ako magsasayang nang panahon,Jen I need to talk to him.Aayusin ko pa relasyon namin.”
Kumalas sya sa yakap at dinutdot ang sintido ko.“Girl.MOVE ON. Yan ang advice ko sayo.Bahala ka na nga dyan.Bumaba ka nalang dito magdidinner na.”
“Sige magbibihis lang ako.”Si Jen ang magmamana nang company nila pero sabi naman nya sa'kin ayaw nya non ang gusto nya daw ay mag doctor pero ayaw nang family nya.
Nagbihis na ako at bumaba para magdinner.Naabutan ko siyang nagaayos nang utensils.Umupo na ako at naglagay nang rice at ulam sa plato ko.
“Jen,samahan mo ako bukas.”pinagtaasannya ako nang kilay.
“Saan”
“Basten Mall”
“Ok”alam kong ayaw niyang mag punta ako don pero di na ako umimik.
-------
Third person's PoVBianca is wea ring a white croptop and black leather skirt with an ankle black boots while Jen is wearing a simple red mini dress and red pumps.
Naglalakad ang dalawang dilag sa mall halos lahat ay pinagtitinginan sila.Sino ba namang di mapapatingin sa sexy,maganda,matangkad na mga dilag at ang isa ay sikat na model.
Nang makarating sila sa pupuntahan ay kinatok ni Bianca ang pinto.
“Come in.”tila naging emosyonal si Bianca dahil narinig nya ulit ang boses nang pinakamamahal nya.Isa't kalahating taon nya din itong hindi narinig at nakita kaya naman sabik na sabik sya.
Dahan dahan nyang binuksan ang pinto at sinensyasan ang kaibigan na hintayin na lamang sya nito sa labas nang pinto.Tumango ang kaibigan kaya naman naglakad na sya papasok. Nakita nya ang taong pakay nyang nakatayo sa harap nang salamin pawang tinatanaw ang buong syudad.
“Hon”malambing na pagtawag niya sa lalaki. Humarap ang lalaki sa kanya at nag-angat nang tingin at bahagyang nanlaki ang mata ngunit agad ding nawalan nang emosyon ang mukha nito.
“Christian I miss you” akma nya itong yayakapin pero sumensyas ito.
“Don't come near me”maotoridad na turan ni Christian.
“C-Christian,i'm back.Aren't you miss me?”tuluyan nang pumatak ang luha nya at nagpatuloy na sa pag-agos.
“May gana ka pang bumalik pagkatapos nang ginawa mo?”wala paring emosyong sabi nya ni Christian.

BINABASA MO ANG
Love In Trouble
De TodoIsang babaeng palaban na galing sa probinsya ay luluwas sa syudad upang maghanap ng trabaho,doon makikilala nya ang mayamang lalaking masungit.Magkasundo kaya ang dalawa?