chapter 2

2 0 0
                                    

Christian PoV

*Knock*knock

“come in”i said without emotion.
Bumukas ang pinto ng office ko and then my secretary enter.

“Sir,pinapatawag kayo sa mall sabi ng dad nyo bumisita naman daw po kayo kahit isang minuto lang.”

“what for”tss that old man! Argh!

“s-sir”my secretary said with stuttering voice.

“okay fine.you may leave”nagsuot ako ng suit at lumabas.

• • • • •
Steph's PoV

“Steph,shaira! Aalis na ba talaga kayo?”tanong ni aling  Celia.

“Hay nako Aling Celia, kanina nyo pa iyan tinatanong paulit-ulit.”natatawang sabi ko.
Nagulat ako nung biglang sumampa si Shaira sa bubong ng tricycle na sasakyan namin patungo sa bus station.

“MGA KAIBIGAN, KAPITBAHAY,CHISMOSANG KAKILALA,AT SA LAHAT NG TAO DITO SA BAYAN”humikbi hikbi pa kunyari si Shaira.“Mamimiss ko rin kayo alam kong nasanay na kayong nakikita ang gandang taglay ko araw-araw.^-^pero kailangan talaga naming umalis”

Ayy nagmaganda pa ang bruha!

“Shaira mag-iingat kayong dalawa doon ha!”umiiyak na sabi ni tita flor ang nanay ni Shaira.

Parehas talaga tong dalawa masyadong oa.mapapairap ka na lang talaga.-_-

“ate shaira pasalubong namin ah”sabi nung mga batang makukulit.

“o sya lumakad na kayo at baka maabutan kayo ng trapik!”

Ngumiti at kumaway ako sa kanila bago sumakay sa tricycle.
Niyakap pa ni Shaira ang magulang nya bago sumakay.hayy mamimiss ko silaaa,
:(
Maya-maya umandar na ang sinasakyan namin at itong katabi ko nakaway parin kahit naandar na.

“hoy! Tama na yan babae.”pagpapatigil ko  sa kanya.

“bes mamimiss ko talaga sila huhuhu ”akala naman di babalik.

“bes makarating ka na ba sa maynila noon?”.tanong ko sa kaniya curious lang kasi ako.

“Di pa bes pero nakikita ko tv malalaki ang gusali don.”

“ahh ganon ba”.

“bes  sa apartment tayo tutuloy okay lang ba sayo”maya-maya'y aniya.

“oo naman kahit sa kubo lang okay na noh”sana maging okay ang buhay namin ni bes.

--after 5 hours--

“Hay, nakakapagod ang byahe!! Wohh”nandito na kami sa maynila ni bes at naglalakad papunta sa apartment.Ang ganda dito,antataas ng mga buildings, ang dami ding mga sasakyan. Sa bayan naminpuro tricycle at pedicab lang ang  nasasakyan.
Pero dito iba talaga.

“Bes andito na tayo”
Di ko manlang namalayan na nandito na kami sa tapat ng apartment.

“Oo nga matutulog lang ako,ikaw na muna  ang bahala  kumausap sa may ari nitong apartment hah?pagod na kasi ako ehh”sabi ko sa kaniya.

“ok sige tulog kana mamaya na tayo mag-ayos”

Binaba ko na ang bag na dala-dala ko at humiga sa kama.

Shaira's PoV

Hinayaan ko nalang na matulog si steph dahil alam kong pagod sya.Mahal na mahal ko yan si steph tinuturing ko na yang kapatid. Simula bata kasi kami na ang magkasama at magkalaro.Mabait yan si steph pero kung di mo sya kilala sa unang tingin aakalaing mong masama ang ugali, well minsan lang naman sadista lang talag sya at ang fierce ng mukha.While ako naman ay MAGANDA syempre hihi^-^.

Alas sais na kaya napagdesisyonan ko nang magluto nang hapunan namin. Buti nalang at may gamit na dito di na kailangang bumili.Itlog at may tuyo lang naman  ang lulutuin ko .Tsaka na kami kakain ng masarap pag may trabaho na kami.

Pagkatapos kong magluto.Napagdesisyonan kon nang gisingin si steph.

“Bes gising na” niyugyog-yugyog ko pa sya para magising pero ayaw ehh.

“BESSSSS!!”ayaw padin

Pumatong ako sa kama at pinitik ang ilong nya.

Pula hhihihi

“Ano ba kailangan ba talagang mamitik ha?”inis na sabi nya

PAKTAY!!

“hehe! Peace”nginitian ko sya para di magalit.

“ewan sayo kumain na nga tayo gutom na ko”

“di ko pa sinasabi sayo ahh  alam mo na agad?”pagdating talaga sa pagkain ang galing.Hindi ako pinansin ni bes at dumeretso lang sa lamesa.wala akong nagawa kundi sumunod, umupo ako sa upuan sa tapat ni bes.

“Bes bukas na tayo mag hahanap ng trabaho”sabi ko sa kaniya.

“o sige para makapagbayad agad ako sayo”

“wag mo muna yong alalalahanin    basta makapagtrabaho at gumanda ang buhay eh ayos na iyon”di na sya sumagot at nagpatuloy lang sa pagkain.




(A/N):sorry sa typo at grammatical errors
Vote and support!!

Love In TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon