Steph's PoV
Hay sa wakas umalis na mga hudas makakakain na ako.
'Bagoong'!! Bahagya ko pang inamoy-amoyang ulam huhu namiss ko sa probinsya
'kamusta na kaya yung mga bastang inaaway ko dun?'
'E yung kapitbahay naming pinapagalitan ako dahil nakuha ako nang mangga sa bakod nila'
'babalik pa kaya ako.?wag nalang siguro'
Minadali ko lang ang pagkain at niligpit na ang pinagkainan.Pati ang paglilinis sa office ay madali ko lang natapos sinabayan ko din kasi nang sayaw at kanta.
'kendeng-kendeng paborito nang lola nyOooooo'
Nagtwerk din ako habang nagm-mop.
Tinignan ko ang orasan sa ding-ding.Alas kwatro na pala.Uuwi na kami ni Shai buti nga't sabay na ang uwi namin simula ngayon.
–––
“Bes.Sino ba yung lalaking kumausap sayo kanina panay ang pacute sayo eh”tanong ko kay bes kahit alam ko naman talaga kung sino ang lalaking yon.
Naglalakad kami papunta sa sakayan.Taxi ang sasakyan papunta sa Apartment.
“A,Yun ba James ata ang pangalan non”walang gana nyang saad.
“Di mo type noh.Gwapo nga mukha namang Casanova.tss sasaktan ka lang non bes?”
“Mukha nga.Teka nakausap mo ba yong James na yon?”takhang tanong nya saakin.
“Tsk ,Oo kaibigan yun ni Boss.Playboy nga yon bes tawagin ba naman akong miss beautiful”
“Bes wag ka papaloko dun,mahirap na”payo ko sa kanya.
“Opo.Tsaka may type na ako hihi”
'ay harot'
“At sino naman yon aber?”kunot nuo kong tanong sa kanya.
“Wag ka maingay ahh.Si Jay yung nasa kabilang apartment.Ang gwapo nya.Tapos hot pa.”Umakto pa syang iniimagine si Jay.
“Hoy gaga ka kakakilala palang natin sa kanya nung nakaraan ah.Tapos type mo agad”
“yeahh.i think im inlove bes.Nalove at first sight ata ako sa kanya.”
“Tsk ewan sayo Tara na nga.”
---------
“Bes,gising na una na ako sayo.”
“Sige bes byebye ingat”
Narinig ko ang pagbukas at sara nang pinto.Kaya naman ay tumayo na ako at ginawa ang morning routine ko.Linggo ngayon at madaming tao sa mall kaya maaga ang pasok ni bes.
Nang matapos ay dinampot ko ang shoulder bag ko.....
'Ayy siraa'
Napigtal ang tali nang bag.Dali-dali akong naghanap nang perdible at kinabit sa bag.
Kailangan ko nang bumili nang bago.
“Uyy Jay!saan punta mo?”Nakita ko kasi si Jay na kakalabas lang sa bahay nya at bihis na bihis.
“A, mag-grocery ako”ngumiti sya sa akin nang pagkalawak-lawak.
“Ah saan ka ba tara sabay na tayo dali.”naeexcite ako hihi.
“Wait di ako dyan pupunta”di ko sya pinakinggan at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad pumara ako nang taxi at punauna syang sumakay.
“Steph,di dito ang way ko”maya-maya'y sabi nya.

BINABASA MO ANG
Love In Trouble
De TodoIsang babaeng palaban na galing sa probinsya ay luluwas sa syudad upang maghanap ng trabaho,doon makikilala nya ang mayamang lalaking masungit.Magkasundo kaya ang dalawa?