Chapter 8

2 0 0
                                    

Steph's PoV

“Dela Cruz”narinig ko ang pagtawag sa akin ni Boss.Kasalukuyan akong nagpupunas nang lamesa dito sa office niya.

“Sinong may sabi sayo na pwedeng pumasok dito ang lalaking yon.”sa tono ng pananalita nya ay batid kong galit  sya.

“Hoy babae kinakausap kita!”
Napasinghap ako nang sumigaw siya.Napakalakas.Pati ata ang tutuli ko ay malalaglag dahil sa gulat.

“Uhm.Boss ano po...Sinama ko po sya kasi ano...mag-grocery daw sya.”paliwanag ko.

“Fuck.mag-grocery sya sa ibang store wag dito sa mall KO.”

“E bakit ka ba kasi nagagalit?”tanong ko pa na dapat di ko na ginawa.Mas lalong mumunot ang noo nya at matalim akong tinignan.

“Wala syang karapatang magpakita sa akin,napakakapal nang mukha nya.Arghh”baliw na ata si Boss dahil sinasabunutan nya ang sarili nyang buhok.

Kinuha niya ang cellphone nya sa bulsa nya at may pinindot.Tinapat nya sa tenga  nya ang phone at nagsalita.Ako naman ay nakatayo lang at pinapanood ang kilos nya.

“Yeah hello come to my office now.I need a friend to talk to.”yun lang at pinatay nya na ang tawag at bumaling saakin.

“You leave.I don't care whatever or wherever  you'll spend you're time.Kung gusto mo umuwi o kung gusto mong mamasyal.Whatever.So go now i don't want to see you're face bumalik ka nalang bukas.sinabi nya yan sa'kin habang nakaturo ang kamay sa pinto.

Di na ako sumagot at dali-dali nalang kinuha ang bag ko umalis.
Saan naman kaya ako pupunta?

---

“Bessss!”tinawag ko si Shaira na kasalukuyang abala sa pagtatrabaho.Lumingon sya sakin at ngumiti.“Elloo bes.bat wala ka sa office?”tanong nya saakin.

“Pinaalis ako ni Boss nabatrip ata nung nakita si Jay dito sa mall.Ako pa nga ang pinaginitan E.”Pagkukwento ko sa kanya.

“O eh anong balak mo?Uuwi ka ba?”

“Oo uuwi ako pero maglilibot-libot muna ako.”sabi ko pa sa kanya gusto kong magpahangin summer ngayon kaya sobrang init.

“May malapit na park dito Bes,madaming nagtitinda don nang street foods at kung ano-ano pa.”napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi ni bes.

“At bakit mo naman alam yon aberr?Siguro naggala ka na di mo ko sinama ang daya mo!hmp”ngumuso pa ako na animong nagtatampo.

“Hehe.Nagpunta ako dun niyaya ako ni James.”nanlaki ang mata ko dahil sa tinuran nya.

“Akala ko ba di mo yun type.Pag ikaw talga sinaktan non tatawanan pa kita bes.”pagbabanta ko sa kanya.

“Mga miss ang daldal nyo kanina pa ako nagiintay dito halerrr”Sabay kaming napatingin sa babaeng kanina pa kuno nag iintay.Halerrr yur peys.

“Byebye bes see you sa bahay maguusap pa tayo.”

Lumanas na ako sa mall at naglakad-lakad.Nagpalinga-linga ako sa paligid para makita ang sinasabi nyang park daw.

And there!!

Nakita ko na ang park na sinasabi ni bes kaya nagderederetso na akong pumunta doon.

Naupo ako sa bench para magpahinga.Tama nga si bes madami ngang nagtitinda nang street foods.Yumyum.Bigla aklng nakaramdam nang gutom nang may makita akong kumakain.

0_0

Tumayo ako at humarang sa harapan nang mga  lalaking sa tingin ko ay nasa edad 15,mga nakaschool uniform pa! nakaupo sila at may hawak na camera.

Nagpamewang ako sa harapan nila at pinagtaasan sila ang kilay.

“Hoy hoy! Kayo mga totoy bat nyo pinipicturan yon?”tanong ko sa kanila.

“Akin na nga yan”inagaw ko sa isa ang camera.

Tinignan ko ang picture na kuha at tumpak legs nang babae ang nasa litrato.Tumingin ako sa dereksyon kung nasaan ang babaeng pinicturan nila.

“Miss!”Pagtawag ko sa atensyon nang babae.Mestisa sya,lampas balikat ang umaalon nyang buhok.Makinis ang kutis nya.Maganda.May Malalantik na pilik mata,matangos na ilong,manipis at mapupulang labi.

“Yes.what do you need miss?”nakangiti nyang sabi at lumapit.

“Eto o tignan mo?”binigay ko sa kanya ang camera at nanlaki ang kaniyang mata dahil sa nakita.

“What the hell is this?”tumingin sya saakin kaya tinuro ko ang mga batang lalaki na sa ngayon ay nakayuko na nahiya yata.

“Yan yang mga batang yan.”

“What the?ambabata nyo pa tapos..ano toh mga bastos!”nagalit ata si ateng maganda.Sino ba kasing di magagalit kung nananahimik ka tapos di mo alam na pinipicturan ka na pala nang palihim at ang mas masama ay legs nya pa na halos makita na ang panty.

Lols.bat ba di sya nag shoshorts.

“I-delete  mo na at wag mo nang ibalik sa kanila.”sabi ko sa babae.

“Ano? Kailangan namin yang cameraaaa!”sigaw nang batang lalaki.

“Naninigaw ka gusto mo basagin ko'to sa ulo mo?”paghahamon ko sa kaniya.

“It's okay they can take the camera with them.binura ko na yung picture.kiddos ambabata nyo pa bad ang ganyan.”pangagaral nya pa sa mga ito ambait naman.

“O narinig nyo yon.Umalis na kayo wag nyo nang ulitin yon hah.”yun lang at nagtakbuhan na sila palayo.

Binalingan ko ang babae at pinasadahan nang tingin ang suot nya.tsk kaya naman pala,parang kinulang sa tela ang suot,Kaya napagdidiskitahan E.

“Hello.Thank you nga pala ah.Kung di mo yun nakita baka pinost na nila yun sa social media or what.”nakangiting sabi nya saakin.

“Wala yun. Mag-ingat ka na sa susunod ah.”

“Yeah.i will.Bye the way what's you're name? I'm Bianca Santiago.”sabay lahad nya nang palad nya.

“Stephanie Dela Cruz.”ngiting sagot ko sa kanya.

“Gusto mo bng kumain? Tara doon sa street foods tayo.”tatanggi pa sana ako pero hinila na nya ako papunta sa nagtitinda.Nang makarating ay binitawan nya ako.

“Tumuhog ka na dali.Treat ko”Halos mapunit ang mukha nya sa pagkakangiti.

“Ano..wag na nakakahiya sayo.”pagtanggi ko pa  kahit sa totoo  ay gusto ko talagang kumain medyo gutom na din ako.

Pataygutom!

“Dali na magtatampo ako sayo nyan.”pananakot nya sakin.

“Okay sige na nga”napipilitang kunwaring saad.”

Habang kumakain nang fishball ay nagtanong sya.

“So anong trabaho mo Stephanie?”

“Steph nalang para di mahaba.Dun ako nagtatrabaho sa Basten Mall  janitress ako nang Boss don.”nakita kong natigilan sya pero di ko nalang iyon pinansin.

“Ikaw anong trabaho mo?”tanong ko din sa kaniya.

“Isa akong fashionist.”maikli lang ang sinabi nya pero nag hugis'O' ang bibig ko.

“Luhh totoo di nga?”

“Yes totoo.Nandito lang naman ako dahil may gusto lang akong makitang tao.”


Love In TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon