chapter 7

30 0 2
                                    

Yan. Tinry ko magupdate. Mehehheheh. Follow niyo ko. Follow back ko kayo :)

~~

After ng school, dumaan muna kami sa restaurant para bumili ng food. OF course kasama namin si RJ. Napaka tahimik namin habang naglalakad. So, i broke the silence. Nakakabingi naman kasi yung pagkatahimik.

"Ahm. RJ... Nung isang araw, tungkol doon. Ah eh... Gus--"

"Can you please don't stutter. Don't be afraid. Ano bang sasabihin mo?"

Aba ang sungit nito. Pero di ko na lang pinatulan at tinuloy ko na lang yung pagsasalita. Kinuha ko sa bag yung binili ko kanina para sa kanya.

"Ah sorry noong isang araw. Ako naman may kasalanan eh. Oh." Sabay bigay sa kanya ng paper bag na hawak ko.

"Ano to?"

"Bakit? Di mo ba nagustuhan? Peace offering ko sana."

"What? Ano ako santo? Thanks by the way."

Aba naman talaga. Talikuran ba naman ako at nauna na. Bastos na to. Pasalamat talaga tong mokong na to at nakapagtimpi ako. Sakto namang dumating si bestie dala na yung pagkain namin.

"Oh nasaan na si RJ?"

"Nauna na. Ewan ko dun. Binigay ko lang yung jacket bigla na lang akong iniwan."

"Ah ganon ba? Yaan mo yun. Masungit talaga yun eh. Tara na uwi na tayo."

-

Sa bahay.

Kumain kami ng dinner then aftet that dumiretso lang silang dalawa ni bestie sa kwarto nila. Ako naman nagstay sa sala.

Napaisip ako bigla kung anong mangyayari kapag hindi kami nagkabungguan ni RJ. Siguro hindi kami magkaaway.

I saw my guitar beside the chair. Ang tagal ko na rin na hindi nakakatugtog. Then kinuha ko yun at nagstart na mag-strum.

Da ra ram da ra

Dara ram da ra

Da ra ram da ra ra ra ram..

Grew up in a small town and when the rain would fall down

I just stare out my window

Dreaming of what could be

And if I and up happy

I would pray.

Trying hard to reach out

But when i tried to speak out

Felt like no one could hear me--

"Bestie patulog ka na please. Sorry. Bukas na lang" nagulat ako kay bestie ng sumulpot siya sa likod ko.

Ganon ba kalakas yung pagtugtog ko.?

I just nod to her. Papunta na sana ako sa kwarto ko then may narinig akong parang hinihingal na kung ano. Noong una di ko ito pinansin pero habang tumatagal kinakabahan na ako.

I just realized na nagmula yun sa kwarto ni RJ...

Tumakbo ako kaagad doon and then I was shocked.

"Rj! Rj! Gising huy. Anong nangyayari sa'yo." Sigaw ko pero parang di naman ako narinig ni bestie.

Umiiyak si Rj nang di ko alam kung bakit? Ano kayang problema nito.

"RJ!! Gising. Nanaginip ka lang. Huy!!"

Nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa. Bigla niya akong niyakap na para bang natatakot siyang mawala ako sa tabi niya.

"Wag mo kong iwan. Please. Wag mo kong iwan."

Nang makita ko siyang umiiyak, i felt sad at di ko napansing umiiyak na rin ako.

"Rj. Gising nananaginip ka lang." I said to him softly.

"Monique. Please. Wag mo kong iwan."

"Rj. I'm not Monique pero nandito lang ako sa tabi mo. Wag ka mag alala. Shhhhh. Tahan na."

Nagulat na lang din ako sa sinabi ko dahil hindi naman kami close. Pero dahil nga siguro nadala na lnag din ako sa pagiyak niya. Mas mabuti ng pagaanin ko yung loob niya kahit na minsan na niya akong sinungitan.

After kong sinabi yun bigla na lang siyang tumahimik pero ang higpit pa rin ng yakp niya sa kin. At di ko alam kung paano ako aalis sa pagkakayakap niya.

I waited for few minutes pero di pa rin siya gumagalaw. Hindi na siya umiiyak pero nandun pa rin siya sa pagkakayakap sa akin. Ang hindi ko maintindihan kung bakit ba ako kinakabahan. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

I waited again and then nagdilim na lang ang paningin ko at nahimbing.

--

Ayan. Thanks for reading!! Follow niyo ko pleaseee :)))) bawi talaga ako pagtapos ng exam namin. :)) pleaseee follow niyo ko. Instagram: @daz_tyne tas sa twitter: @Tyne_Enyt

Yun lang thank you. :)

EVERY MOMENT WITH YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon