chapter 12

29 1 0
                                    

Hi. Wala lang akong masabi.

------

The same day noong may meeting ang varsity.

"Oh tapos na meeting niyo?" Tanong ko kay Pao kasi parang ang bilis lang nung meeting nila.

"Ah oo, tsaka yung captain na lang naman ang kailangan sa meeting kaya umalis na ako."

Tumango na lang ako. Pero bakit parang may hinahanap ako? Ay nako. Never mind. Galit ka sa kanya kahit wala akong rights magalit sa kanya.

After a whole tiring day, hindi ko pa rin makakasabay si Pao pati rin si bestie kasi may project nanaman sila. Ewan ko ba dun. Lagi na lang silang pinapahirapan ng prof nila.

Naglalakad lang ako mag-isa pero nagulat ako nung nasa tabi ko siya.

"Hi." Sabi niya sakin. Nagtaka naman ako kasi ang alam ko may training ulit sila. Ang alam ko nga araw-araw na kasi malapit na yung sports fest.

Tinignan ko lang siya. Giving him a why-are-you-here look.

"Ah, ayoko lang umattend ng training."

"Ah okay. E bakit ka nga nandito?"

"Bakit masama bang sabay?" Tignan mo to. Napakasungit. Pero bakit ganto, konting lapit lang sakin nawawala na yung inis or galit ko sa kanya.

Siguro, tahimik lang kaming naglalakad hanggang makarating sa bahay. Hindi naman kasi kami talaga nag-uusap tsaka bumabalik pa rin sa utak ko yung kissing scene nila eh.

Pero parang biglang may sumapi sa kanya at kinausap ako.

"Hey. Tara kain tayo sa labas"

What!! Is this true?????! Niyayaya niya akong lumabas!!! Is this a date??? Ohmayghad!!!

Tangaaaa!! Erase erase.

"Huy. Ayaw mo ba?? Ililibre kita."

Napansin niya ata akong tulala.

"Pakisampal nga ako. Totoo ba 'to?"

-packkkk!-

"Aray!!" Nagulat ako kasi tinotoo niya yung pagsampal sakin, nagising tuloy ako sa pagddaydream pero okay na yun." Bakit mo ginawa yun?"

"Sabi mo sampalin kita. Tsaka di naman yun malakas, makareact ka naman." Sabay tawa siya. Aba naman talaga. Kung di lang kita crush malamang pinatay na kita.

Yes, tama kayo. Nawala na yung galit ko sa kanya. Oh diba ang bilis. Kahapon lang ako nagiiyak wala na. Eh kasi mahal ko yan eh.

Shoottt!! Erase erase!!! Mahal mahal ka diyan. Para nanaman akong tanga dito.

"Ay nako. Tara na nga. Makabawikamanlangsapananakitmosakin." Sinabi ko lang yun ng mabilis para di niya maintindihan

"Ha? Ano?"

"Never mind. Ililibre mo ko diba?."

Malapit lang sa apartment namin yung resto na pinuntahan namin. Pero wag kayo! Italian resto ito. Mayaman ang loko!

Nung umupo na kami, agad namang lumapit yung waiter.

"Maam/sir, what's your order please?" Waiter.

"Ikaw anong gusto mo?"

"Ako? Kahit ano" sabi ko kasi wala naman akong masyadong alam sa italian resto.

"Ah isang kahit ano." Aba loko to. Hinampas ko siya nang mahina. E diba matic na siya na ang mamili ng kakainin ko.

"Maam, ang sweet niyo po tignan ng boyfriend niyo. Bagay na bagay kayo."

Wait what?! Boyfriend?

EVERY MOMENT WITH YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon