chapter 6

29 1 0
                                    

Di ko talaga alam kung matutuwa ba ako o hindi kasi binigyan niya ako teddy bear na may nakalagay na sorry. But for me, its quite sweet. Nah. I mean nageffort siya na bumili nun after all na ako naman talaga ang may kasalanan. Well, i've decided na gumawa rin ako ng simple way to say sorry.

After ng gabing yun. Gumising ako kaagad. Inagahan kong pumunta sa school para sana bumili ng peace offering ko kay RJ. Nag-iwan na lang ako ng note para dun kay bestie para di magtaka kung bakit ako umalis kaagad. Nagtext si bestie sa akin.

Siguro nabasa na niya yung note ko sa tabi ng kama niya.

From: BESTIE ❤❤

Tama yan bestie. Magsorry ka dun sa tao. Ikaw kasi inaway mo eh. :)

Sinabi ko kasi dun na bibili ako ng peace offering ko para kay RJ.

Napagdesisyunan kong ibili siya ng jacket. Hindi lang siya basta jacket. Dumayo pa akong mall para dun. Then naglagay ako ng letter tas nilagay ko siya sa isang box.

Ayan. Nageffort na ako. Siguro naman magiging okay na kami.

Dumating na si bestie sa school. Laking gulat ko kung sino yung kasama niya.

"Hi bestieee!! " bungad niya sa akin.

"Hi.. Bestie" hindi talamga ako nakatingin kay bestie nung sinabi ko yun. Nakatingin ako dun sa kasama niya.

"Hi Hannah." Nagulat ako nung nagsalita siya.

"Hi RJ..." Tipid kong sabi kasi di ko naman alam kung anong sasabihin ko after ko syang awayin. Good thing kasi nakabili na ako ng peace offering ko dun kay RJ.

" ah bestie sya nga pala. Dito muna magaaral si RJ for the mean time. Ayaw daw niya kasing magkulong sa bahay kaya nagenroll siya." Pageexplain sakin ni bestie.

"Ah ganun ba. Anong course mo?" Diretso kong tanong kay RJ

"business ad." Yun lang yung sabi niya. Ay nako talaga kahit kailan angsunget nito.

"Anyways bestieee. We need to go. Una ka na sa room natin sunod na lang ako. Iaassist ko pa sya baka maligaw eh."

"Okay sige. Antayin na lang kita." Nagwave na ako sa kanila. Then pumunta na akong room.

Dirediretso labg akong naglalakad sa hallway malapit sa room namin ng may nakabunggo akong guy. Buti na lang nakabackpack ako.

"Ay sorry miss." Nagnod lang ako sa kanya. Destiny ba talaga tong makabunggo ako ng tao?

Dumiretso lang ako. Napansin kong tawa ng tawa yung mga nasa paligid ko. Then I realized na...

May nakalagay na papel sa likod at nakalagay 'I'm a nerd. A freaking nerd'

Nainis ako dun tas nilukot ko at pinunit. Hindi ko na pinansin yung mga taong nagtatawanan. Bahala na sila.

Nang makarating na ako sa room. Hindi pa naman ako late at sobrang ingay nung room namin. Umupi ako sa isang tabi then I read my book. Nagreview lang kasi hindi ako nakapagaral ng mabuti kagabi.

Napalingon ako sa kanan ko. Hindi ako magkakamaling siya yung naglagay ng papel sa likod ko.

"Hoy! Bakit mo ko nilagyan ng papel sa likod ko?" Sigaw ko kasi sobrang ingay sa room.

"May pangalan ako. I'm Paolo Saavedra "

"I'm not asking your name.. Im asking you what the hell is youe problem? Bakit ka namamahiya ng kapwa mo??" Di ko mapigil sarili ko eh. Kaya yun kasi nainis din naman ako.

" hindi mo ako kasi pinapansin simula first day... So that's my way to be notice by you."

"what? To be notice by me? At bakit naman?"

"Wala lang. I just found you mysterious."

"Anong mysterious? Edi sana kinausap mo nalang ako ng ayos diba? Hindi yung palagay lagay ka pa ng papel sa likod ko." Natawa na lang siya sa sinabi ko.

" sorry. Well gusto ko lang talaga na makausap ka. Specifically, to be friends."

" wala naman kaso sakin yun. di naman ako nagpapaapekto sa ganun. Kaya okay lang. By the way I'm--"

Bigla siyang nagsalita kahit di pako tapos magsalita.

"Hannah. Right?"

"Kilala mo ako?"

"Araw araw ba namangagcheck ng attendance si maam crissy."

I felt bad kasi di ko sya kilala. Di naman masamang makipagkaibigan ako. Kaya yun. Naguusap na kami. Saktong dumating si bestie. Naabutan akong kausap ko si Paolo.

" bestie..." Tawag niya sa akin.

"May bago kang friend?"

Tumango ako sa kanya then I introduced her to Pao.

After nun umupo na si bestie sa tabi ko. At katabi ko pala si Pao sa upuan, di ko lang siya napansin noon.

Pero I found new friend. At isang guy ang friend ko. Si Pao... Wow.

EVERY MOMENT WITH YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon