chapter 9

49 1 0
                                    

Hi. Sorry eto lang talaga nakayanan ko. xD btw, enjoy! Sorry sa mga errors. Try ko mag-edit. Hahaha

~~

Lumipas ang mga araw pero di ko pa rin pinapansin si RJ. Ano bang nagbago diba? Di naman talaga kami nagpapansinan eh. Madalas nag-aaway sa mga maliliit na bagay. Peeo ang away namin noong thursday... Kakaiba...

Di ko masabing nag-away kami kasi ako lang naman ata ang naapektuhan. Ewan ko kung napapansin ni bestie yung pag-iwas ko kay RJ.

Yung pag-iwas ko na makasabay sila umalis ng bahay papuntang school, pag-iwas ko sa kanya kapag kakain ng lunch, hapunan, at kung ano ano pang paraan ng pag-iwas ginawa ko na. Pero kahit anong gawin kong pag-iwas nasasaktan pa rin ako hanggat naaalala ko.

"Bestie okay ka lang?" Tanong sa akin ni best sa kawalan.

"Oo naman." I lied. Kahit hindi. Ewan ko kung halata ba ying fake smile ko.

"Hannah, bestie. Alam ko kung okay ka o hindi. Magsabi ka nga ng totoo. Is there something happen noong kinausap ka ni RJ?"

Nalungkot ako lalo ng pinaalala sa akin ni bestie.

"Nako. Wala. Walang nangyari." I lied again.

Hanggang kailan ko kaya kayang magsinungaling sa bestfriend ko.

"Bestie. Wag ka na nga magsinungaling. Kasi halata sa mukha mo, you're not a good liar!"

"Oo na!!! Nasaktan ako! Nasaktan ako! Ang tanga ko kasi! Diba!! Pakilamera pa."

"Best? Wala akong sinasabi. Ngayon na nga lang kita nakausap ng medyo matagal kasi panay iwas ka. Ano ba talagang nangyari? Sinaktan ka ni RJ? In what way? Sinampal ka o sinapak ka?"

Binatukan ko si bestie. Isipin ba namang literal akong sinaktan.

"Hindi ganon! Sinaktan nya yung feelings ko."

"What? At bakit ka naman sasaktan? Kayo ba?"

"What?! Pwede ba magtanong ka muna kung anong nangyari. You're saying a wrong statement."

"Okay fine bestie. Nagtanong naman ako ah. Ge uulitin ko, What the hell happened?"

"Kasi... Nagalit siya noong sinabi ko na nakita ko si Monique."

Biglang napatigil si bestie.

"Monique?... You mean yung maganda at sexy?"

Kilala ni bestie si Monique? Siguro nga kasi magbestfriend sila ni RJ.

"Yeah." Sabi niya na parang nagtataka pa. "Bestie. Paano mo siya makikita eh nasa States siya?"

"Pati ba naman ikaw? Bakit ba ayaw niyo maniwala? Siya yung babaeng nakabunggo sa akin na sobrang suplada na akala mo kung sino."

"Really? Kung ganon? Nasa Pilipinas na si Monique."

"Ibigsabihin kilala mo nga si Monique?"

"Yes. Sila ni RJ since Highschool hanggang... Never mind"

"Bakit anong nangyari sa kanila?"

Gusto kong malaman kung bakit ganon na lang siya maapektuhan kay Monique.

"Ahm bestie, i think magtatime na. Kaya tara na baka malate pa tayo sa class natin."

"Wait lang sabihin mo muna sakin anong nangyari sa kanila?"

"Ayaw kasi ni RJ na pinapakelaman. Kaya siguro nagalit sayo. Kaya wag mo na lang itanong. Di na natin problema yun."

Sa tingin ko tama si bestie. Bakit ko poproblemahin yung hindi ko naman problema. Sa bagay, moving on lang siguro to. At least nalaman kong may something nga kina RJ at Monique.

EVERY MOMENT WITH YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon