BoysLoveStories||B.L.Si hope you enjoy this chapter❤💙💚💛💜wala munang reted spg guys.sa susunod na chapter pa.
ZACH POINT OF VIEW
"hindi kami aalis dito hanggat hindi mo nilalabas si Zach"ani ng boses ni Sir Drake.Hindi ko alam kung nasan silang parte ng bahay basta ang alam ko lang ay naririnig ko anv boses nila.
"Wala nga sya.tsaka isa pa hindi ko kilala anv tinutukoy niyo"galit na sagot ni Kuya Russell sa mga ito.
"pare ilabas mo na lang si Zach maraming nagsa-sabi at naki-kita na may kasama kang bata dito"singit ni Kuya Sebastian dito bakas din kay kuya Sebastian ang pagpi-pigil ng galit.
"ilang beses ko bang sa sabihin sa inyong wala.Wala ang tinu-tukoy nyong Zach dito"Galit na sabi ni Kuya Russell sa mga ito.Bakas sa kanila na anumang oras ay makakasakitan na sila.
"Pare nakiki-usap kami sayo marami ang naka-kita na may dala kang bata dito.ilabas mo na lang para matapos na to"Tila hindi mapigilang galit ni kuya Sebastian.
"Wala ang dito ang tinu-tukoy nyong Zach.kung pwede umalis na lang kayo"mahinahon na paki usap ni kuya Russell sa mga ito.Hanggang sa makarinig na lang ako ng kalabog mula sa labas hindi ko alam kung nagpu-pumilit na sila Sir Drake pumasok.
"Mga pare ano ba sinabe na ngang wala dito lumabas na kayo trespasing na ang ginagawa nyo"bulyaw ni Kuya Russell sa mga ito.pero tila nagma-tigas pa ang mga ito at dito pa sa loob ng bahay nagsi-sigaw.
"ZACH PLEASE LUMABAS KANA."paki usap ni Sir Drake pero hindi parin ako lumabas sa aking tina-taguan.
"Wala nga dito ang hina-hanap nyo kahit halughugin nyo pa ang buong bahay"galit na turan ni kuya Russell sa mga ito.
Hanggang sa marinig ko na lang ang pag-bukas ng pinto ng kwarto ni Kuya Russell.Alam kong dito ang balak nilang halughugin kaya mabilis kong tinakpan ang aking bibig para hindi makagawa ng ingay halos ang bilis na rin ng kabog ng dibdib ko dahil kaba na nararamdaman ko.
"sabe ko naman sa inyo wala ang hina hanap nyong Zach dito"sabe ni kuya Russell sa mga ito.ilang minutong katahimikan bago muling sumagot sila sir Drake dito.
"Kapag na patunayan namin na itina tago mo si Zach hindi ako magda-dalawang isip na basagin ang muka mo"galit na sabe ni Sir Drake dito.hindi ko alam pero maslalo akong kinabahan sa banta nito kay Kuya Russell kina kabahan ako para kay kuya Russell.
"Pwede na ba kayong umalis wala dito ang hina-hanap nyo"sagot ni Kuya Russell sa mga ito bago ako makarinig ng yabag palabas.Hanggang sa hindi ko sina sadyang masipa ang isa sa mga gamit sa loob ng aparador kaya gumawa iyong ng ingay.Mabilis naman na gumapang muli sakin ang kaba habang napapatakip ng bibig.
"Ano yon."tanong ni kuya Sebastian.
"W-Wala yon mga p-pare b-baka ano lang yon yung kapit bahay w-wag nyong intindihin yon sige -"hindi na naituloy ni kuya Russell ang kanyang sa sabihin.Nang bigla na lang akong makarinig ng lagabog at daing na tila na saktan ito.
"Wag mo kaming gina gago alam namin na si Zach yon"Galit na sabe ni Sir Drake dito.Halos manlaki naman ang mata ko ng muli kong marinig ang daing nayon.Kaya bago pa mabugbog ng tuluyan si Kuya Russell ay mabilis na akong lumabas ng aking pinagta-taguan gulat na gulat naman ang ekspresyon nila kuya Sebastian ng makita nila ako.
"T-TAMA NA"Malakas na sigaw ko at mabilis na nilapitan si Kuya Russell nangayon ay pinapahid ang dugo sa gilid ng kanyang labi.
"k-kuya o-okay ka lang ba"tanong ko dito habang tinutulungan itong tumayo.
BINABASA MO ANG
ZACH'S SECRET 《R-18》 Boyxboy
De TodoMapusok at kakaibang kwento ni Zach. Warning:Read in your own risk