Too Late To Love You

0 0 0
                                    

Narito ako sa isang parke kung saan kami magkikita ni Lenni. Nakaupo lang ako sa isang bench na lagi naming pwesto tuwing narito kami, nang biglang may yumakap sakin.

"Love, nakakagulat ka naman. Let's go?" Tanong ko sa kaniya.

Tango lamang ang isinagot niya.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong niya.

"Secret. Basta, lagi mong tatandaan na mahal kita, ok?" Sagot ko.

"Love naman, kinakabahan naman ako rito sa surprise mo." Sagot niya at binuntutan iyon ng pilit na tawa.

"Basta, lagi mo 'yong tatandaan." Sagot ko habang nilalagyan siya ng piring sa mata.

"Love? Ano 'to?" Tanong niya.

"Para surprise!" Sagot ko pagtapos tumawa.

Pero ang totoo, ayokong makita niya kung saan kami pupunta. Matapos ang ilang hakbang, nandito na kami. Tinanggal ko ang piring niya sa mata.

"L-Love, bakit tayo n-nandito?" Kinakabahang tanong niya sa akin.

Dinala ko siya sa isang sementeryo. Kitang-kita ko ang takot at kaba sa maganda niyang mukha.

'Sorry Lennie, mahal na mahal kita.'

Iminwestra ko ang aking kamay sa lapidang nasa harapan naming dalawa.

'Jack David Garcia
Dec. 15, 1995-Sept. 23, 2017'

"JD, a-anong ibig sabihin n-nito?" Namumutla na ang buong mukha niya.

"I'm sorry Lenni. I love you so much but it's too late to love you. 'Cause I'm already dead."

One ShotsWhere stories live. Discover now