'Till I Met You - Again

0 0 0
                                    

A/N : This is dedicated to someone I met online, sh asked me to write a story about her relationship with her ex. So this is based on a true story. Hihi.

Looking at him makes me think of what happened 10 years ago. Kung paano kami nagkakilala.

I never dream
'Cause I always thought that dreaming was for kids
Just a childish thing
And I could swear
Love is just a game that children play
And no more than a game🎶

"Para po! Kuya, para po!" Inis na sigaw ko.

Huminto naman ang jeep na sinasakyan ko dalawang kanto makalampas sa school na papasukan ko.

"Salamat ho!" Sarkastikong sigaw ko.

Muli ko pang nilingon ang inuupuan ko para makasiguro na wala akong maiiwan saka nakayukong naglakad pababa ng jeep.

"Aray!"
"Aray!"

Takte, kung minamalas ka nga naman!

"Ano ba?! Hindi ka ba marunong tumingin sa dadaanan mo, ha?" Sigaw ko sa lalaking nakabungguan ko ng ulo!

"Hindi kita nakita. Ang liit mo kasi." Maangas na sabi niya saka nagdiretsong umupo sa pwesto ko kanina.

"Aba! Ang yabang mo! Hindi ka naman-" natigilan ako nang lumingon siya sa'kin habang dumaraan sa harap ko ang mga pasahero na pasakay ng jeep na yun.

'Shet, bakit parang ang gwapo niya?'

"Hindi ka naman ganun katangkad! Tse!" Sigaw ko ulit at saka naglakad patungo sa school kung saan ako mag-aaral para sa taong ito.

"Bagong taon, bagong eskwelahan, hayss." Napapabuntong hiningang bulong ko bago tuluyang pumasok sa eskwelahang iyon.

Till I met you
I never knew what love was
Till I met you
This feeling seems to grow more everyday
I love you more each day🎶

"Ito naman ang canteen dito. Kung maiisipan mong mag-cutting classes ay dito masarap tumambay kung gusto mo ng maraming pagkain." Natatawang aniya.

Kasama ko si Stephanie, siya ang Presidente sa klase namin. Sinamahan niya 'kong libutin ang school na 'to pero kagaya ng sinabi niya, nakikita ko ring hindi sasapat ang isang araw para makita ang kabuuan nito.

Nakitawa na lang ako at dumeretso sa pila para makabili na ng makakain. Nang iaabot na ng tindera ang bottled water na binili ko ay nagulat ako ng may kamay na naunang kumuha no'n. Inis naman akong nilingon iyon.

"Ikaw?" Gulat at inis na tanong ko sa lalaking nakangising pinakita pa ang bottled water na binili ko!

"Nice meeting you-again." Nakakainsultong bati niya.

"Ibalik mo 'yan sa'kin! Ako ang bumili niyan eh!" Hahablutin ko na sana yun nang bigla nang iangat ang bote at talagang tumingkayad pa siya!

"If you can reach it." Mayabang na sabi niya pa!

"Napakayabang mo, 'no? Hindi ka naman gwapo!" Sigaw ko sa mismong mukha niya.

"Steven, ano ba?! Ibigay mo nga 'yan!" Mahinang singhal naman ni Stephanie sa kaniya.

One ShotsWhere stories live. Discover now