Ang Pagibig kong ito

4 0 0
                                    

Ang Pag-ibig Kong Ito

Umiiyak ang aking pusong nagdurusa
'Yan ay ayaw kong may makakita.
Kahit anong sakit ang aking naranasan
'Yan ay ayaw kong kanyang malaman🎶

"Love, miss na kita." Sambit ko.

Nandito ako sa bahay, nagiisa. kausap ko si Jeff, boyfriend ko.  Mahigit isang taon nang kami.

"Ako rin Love. Teka lang ah? may gagawin lang ako." Sagot niya.

"Ok Love, I love--," Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang pinatay niya ang tawag.

Nanlulumo akong bumalik ng kwarto ko at nilibang ang sarili sa social media. Nang wala na kong makitang interesante sa account ko ay naisipan kong buksan ang account ni Jeff.

Na agad kong pinagsisihan dahil sa aking nakita. Convo nila ng isang babae. Natawa ako ng pagak kasabay ng luhang tumulo mula sa mga mata ko.

Mga araw na nagdaan
Kailanma'y hindi malilimutan
Kay tamis na araw ng pagmamahalan
Ang akala ko'y walang hangganan🎶

Nasa isang parke kami ngayon. Matapos ng nakita ko noong nakaraang limang buwan, wala akong pinagsabihan. Natatakot akong magtanong-natatakot ako sa sagot.

"Love, I love you," saad ko habang yakap yakap niya ko.

Ang saya ko. Sa loob kasi ng isang taong relasyon nami'y ngayon lang kami nakalabas ng ganito. First date namin kung maituturing. Nayon niya lang kasi ako pinakilala sa pamilya niya.

Pero hindi niya ko pinansin. Nakatutok lang siya sa cellphone niya. Ang ganda ganda ng ngiti niya.

Sinilip ko nang bahagya ang ginagawa niya. Nakita ko ang sinasabi niya sa katext niya bago niya pa ito ilayo.

'Syempre, maganda ka eh.'

"Love? sinong katext mo?" Tanong ko.

"Ah, wala. Sige Xhai, uwi na ko. nagtext na si mama eh." Paalam niya.

Ang pag-ibig kong ito
Luha ang tanging nakamit buhat sa 'yo
Kaya't sa Maykapal tuwina'y dalangin ko
Sana'y...🎶

"Xhaira! Kumusta?" Tanong ni Ate Marie, pinsan ni Jeff.

"Ok naman po, kayo?" Sagot ko.

"Naku ayos lang! Teka, hiwalay na ba kayo ni jeff?" Tanong niya na ikinabila ko.

"H-hindi po, bakit po?" Nagtatakang tanong ko.

"Ah, nakita ko kasi siya nung nakaraan, may kasamang babae. Hayaan mo na, baka kaibigan lang." Sagot niya at nagpaalam na.

Naiwan akong tulala. Ayokong maniwala.

'Magdadalawang taon na kami sa susunod na buwan, hindi niya yun magagawa.' Kinumbinsi ko ang sarili ko.

Umiiyak ang aking pusong nagdurusa
'Yan ay ayaw kong may makakita
Kahit anong sakit ang aking naranasan
'Yan ay ayaw kong kanyang malaman🎶

Second Anniversary namin ngayon. Tinatawagan ko siya pero busy yung line niya. May usapan kami ngayon pero mukhang nakalimutan niya.

Binuksan ko ulit yung cellphone ko at mago-online sana ko. Kaso nalimutan kong nakionline pala ang kaibigan ko kanina kaya walang nakaonline na acc. Nag-hang ang cellphone ko't napindot ang account ni Jeff dahil nakasave dito ang password niya, ayon na rin sa kagustuhan niya.

One ShotsWhere stories live. Discover now