My Only Mistake

0 0 0
                                    

"Simpleng bagay lang yan, di mo pa magawa? Akala ko ba matalino ka?"

Rinig na rinig ko yung huni ng mga ibon dahil sa sobrang tahimik ng lugar na kinaroroonan ko.

"Hindi ka tatagal sa ganiyang ugali mo Fix, sinasabi ko sayo. Napakatamad mo!"

Mag-isa lang ako dito sa parke malapit sa aming eskwelahan.

"94 lang average mo? Dapat 95. Kulang pa yan."

Ala-una na ng hapon at tirik na tirik ang araw at saktong may klase kaya walang tao rito kundi ako.

"Sige! Unahin mo yang kalandian mo! Put*ngin* mo!"

Nandito ako sa duyan sa gilid ng puno, sa tagong parte ng parke.

"Bida-bida ka naman masyado! Porket matalino, akala mo kung sino."

Bumabalik sa ala-ala ko lahat ng sinabi sakin ng mga tao, maging ng pamilya ko.

"Wag mo nang pag-aralin yan, mag-aasawa lang yan. Wag mo nang pag-aksayahan ng panahon yan."

Napangiti ako.

"Natatandaan mo ba yung sinasabi ko Fix, ha? Akala ko ba matalino ka? Sa school ka lang matalino t*ngin* mo ka eh. Wala kang utak! Bobo!"

Akala nila nakakalimutan ko lahat ng sinasabi nila.

"Yan na yung maayos sayo ha? Tingnan mo nga! Maayos na ba yan? Wala ka bang utak ha? Bobo ka!"

Ang hindi nila alam, pasok sa isang tainga, nahuhulog pababa. Naisasa-puso ko lahat. Wala akong nakakalimutan.

"Nung buntis pa lang si mommy sayo, naglalakad siya lagi mula sa bahay hanggang sa highway nang karga sila Sam at Jane para daw malaglag ka."

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa duyan at lumapit sa puno.

"Nung baby ka pa, nung nag-away yung magulang mo, gusto ng mommy mo na iwanan ka dun sa bahay niyo mag-isa. Hayaan ka na daw namin umiyak nang umiyak dun hanggang sa mamatay ka."

Lumapit ako sa puno at umakyat sa mababang sanga nito.

"Sana hindi ka na lang nabuhay hayop ka! Demonyo ka! Malas!"

Sinuot ko yung yung kwintas na gawa sa lubid.

"Ikaw ang dahilan kaya naghihirap ang buhay ko. Malas ka! Demonyo! Hayooop!"

Tumalon ako mula sa sanga pababa ng puno habang suot yung kwintas. Ito ang tanging paraan para maitama yung pagkakamali ko. Ang nag-iisang pagkakamali ko. Ang ipinanganak ako sa mundo.

A/N : This is one of my favorite activity sa Writers hood namin sa RP HAHAHA

One ShotsWhere stories live. Discover now