A/N : This is my first time writing a story like this! It's actually inspired by Lucid Dream of Alyloony and Stay Awake, Agatha of SerialSleeper (not really sure)."Dok, anong pwede naming gawin?" Tanong ni Mama sa doktor na kausap niya.
"Pasensiya na misis, pero ang kailangan na lang nating gawin ay bantayan siya. Maaaring makatulog na naman siya sa kalagitnaan ng paglalakad niya sa kalsada kaya mas mabuting wag niyo na siyang hahayaang mag-isa." Rinig kong sabi ng doktor.
Tinanguan lang siya ni Mama at nagpaalam na yung doctor. Meron akong sakit na tinatawag na Narcolepsy. Bigla-bigla na lang akong nakakatulog kahit anong ginagawa ko.
Lumalala na raw ang sakit ko kaya umaabot na ng araw ang tulog ko. At nakakainis kasi pagtapos no'n, hindi na ako hinayaan ni Mama na lumabas ng bahay, o mas tamang sabihing kwarto, kasi daw baka mapahamak ako. Labing-walong taon na ako! Kaya ko nang alagaan ang sarili ko. Siguro?
"Laouie, hindi ka pa ba matutulog? Gabi na, ah." Narinig kong sabi ni Mama nang bumukas yung pinto.
"Hindi ko kaya, natatakot ako, Ma." Lumapit siya sakin.
"Kailangan mong matulog, Laouie. Wag kang mag-alala. Babantayan kita." Tumango na lang ako at kinantahan niya lang ako hanggang sa nakatulog ako.
Rinig na rinig ko ang ingay ng mga makinang hindi ko alam kung para saan. Unti-unti akong dumilat.
"Oh? Gising ka na pala!" Ngiting-ngiti ang estrangherong nasilayan ko paggising ko.
"B-Bakit ako nakahiga sa kandungan mo? Sino ka? Nasaan ako?" Sunod-sunod na tanong ko pagbangon ko at inilibot ko ang tingin ko sa lugar kung nasaan ako.
"Wag kang mag-alala Laouie, ligtas ka dito. Ako si Jion." 'Yon lang ang sinabi niya at naglahad ng kamay.
"A-Ang ganda dito, nasaan ako? Bakit ako nandito?" Tanong ko sa kaniya habang inililibot ang tingin ko sa lugar kung nasaan ako.
Nasa gilid kami ng isang sapa. Gabi na pero maliwanag ang paligid dala ng mga alitaptap na nagliliparan sa paligid ng puno kung saan nakasandal si Jion.
Idagdag pa ang makukulay na mga bula na nasa ibabaw ng sapa. Iba't-ibang liwanag bawat bula. Nagniningning, nakakaakit.
Hahawakan ko na sana ang isa nang bigla itong nagbago ng kulay. Naging itim ito at tila nilalabanan ng pulang liwanag na kulay nito kanina!
"Wag mo silang hahawakan!" igil ni Jion sakin at hinaplos niya 'yong bula kanina at bumalik ito sa pagiging pula.
"P-Pasensiya na. H-Hindi ko sinasad--," niyakap niya ako at pinatahan.
Hindi ko namalayan ang aking pagluha. Nanatili ang hawak niya sa aking kamay nang nakarinig kami ng pagtawag ng isang lalaki sa pangalan niya.
Sa isang pitik ng niya, nagbago ang paligid. Narito kami sa gitna ng isang bulwagan. Napakaganda, may isang lalaking may edad na ang nakaupo sa tila trono nito at sa tabi niya ay ang isang napakagandang babae na tingin ko'y kaedad niya.