When I Was Your Man

1 0 0
                                    

A/N : When I posted My Happy Ending on my Facebook accounts, some asked for part two. So here it is!

Same bed but it feels just a little bit bigger now
Our song on the radio but it don't sound the same
When our friends talk about you, all it does is just tear me down
'Cause my heart breaks a little when I hear your name🎶

"Mom, alis na po ako!" Sigaw ko habang naglalakad palabas ng bahay namin.

'Paano kita haharapin ngayon, mahal ko?'

Habang nasa biyahe patungong school ay iyon lang ang nasa isip ko.

Isang linggo matapos ang pakikipaghiwalay ko kay Pals ay hindi muna 'ko pumasok dahil sa personal na dahilan. Sa loob ng isang linggong iyon ay nagtalo ang isip at ang puso ko tungkol sa ginawa kong pakikipaghiwalay.

'Balang araw ay maiintindihan mo rin kung bakit ko ginawa yun, babe.'

Natinag ang pag-iisip ko nang malayo pa ay naririnig ko na ang sigawan sa malapit sa court ng school namin, madadaanan kasi 'yon bago ang building.

"Ambisyosa ka kasi! Anong napala mo sa pag-iilusyon mo? Akala mo mahal ka talaga niya? Huh! Move on 'cause you don't deserve him!"

Gusto kong sugurin ang isa sa mga mean girls dito sa school namin.

'Nobody have the rights to hurt my girl!'

Susugod na sana ako para pigilan iyon nang biglang magsalita si Pals.

"I may be ambitious but I owned him for atleast months. Kaysa naman sayo na hanggang tingin na lang at naghahabol na parang aso." Napakataray ng boses niya pero hindi maipagkakailang sobrang lungkot ng nga mata niya.

Napangiti ako dahil sa tinuran niya.

'That's my girl, so brave.'

"Wag mo nang uuliting harangin ako dahil sa susunod na gawin mo 'to, lalaban na 'ko." Dagdag niya pa.

Hindi maalis sa labi ko ang ngiti hanggang sa magtama ang paningin namin. Nawala ang ngiti sa labi ko at ang matapang na awrang bumalot sa kaniya kani-kanina lang. Kumislap ang sakit sa mga mata niya nang makita ako. Nanatili akong seryoso.

'Pero sinaktan ko siya..'

It all just sounds like oooooh…
Mmm, too young, too dumb to realize🎶

Papunta kami ngayon sa likod ng school, tambayan namin ng mga kaibigan ko, nang makita namin si Pals na kasama ang isang lalaki. Nagtatawanan sila at naiinis ako dahil do'n.

'Tss, ang bilis niya namang nakalimot? Sana ako rin.'

"Mukhang nakalimutan ka na agad ni Pals ah? Eh nung nakipag break ka sa kaniya ay yan ang kasama niya eh!" Natatawang sabi ng kaibigan ko.

Mas lalo akong nainis.

"Sino ba kasi yan?!" Inis na sabi ko habang nakatingin pa rin sa kanilang dalawa na naglalakad sa daan pasalungat sa amin.

"Ang dinig ko ay kababata niya 'yan. Exchange Student daw mula sa probinsya." Paliwanag niya.

Hindi ko maiwasan ang malungkot dahil sa nakikita ko. Pero natutuwa rin akong nagagawa na niyang tumawa sa kabila ng katangahang ginawa ko.

'Sinaktan kita at dahil do'n ay kailangan kong tanggapin ang kasiyahan mo kahit hindi na ako ang kasama mo.'

That I should've bought you flowers
And held your hand
Should've gave you all my hours
When I had the chance🎶

One ShotsWhere stories live. Discover now