Valentine's Day

5 0 0
                                    

VALENTINES DAY

"Ma alis na po ako!"
Sigaw ko bago lumabas ng bahay.

Maaga pa kaya napagdesisyonan kong maglakad na lang.

"Earphones on, maximum volume, ignore the world," pagkausap ko sa sarili ko.

-
-
-

"Good morning Bea!" Bati ko sa bestfriend ko pagpasok ng classroom.

"Oh! Good morning. Good mood ka ngayon ah? Haha," pangaasar niya.

"Ewan ko ba. Parang may magandang mangyayari ngayon eh, haha!" Sagot ko.

Magsasalita pa sana siya nang dumating na ang teacher namin para sa first subject.

-
-
-

"Baba na tayo!" Pangungulit ni Bea.

Breaktime na kasi pero may tinatapos pa akong notes na sakto namang tapos na.

"Ang kulit. Tara na nga!" Sagot ko.

"Yey! Gutom na ako eh." Aniya.

Sa hagdan pa lang rinig na namin ang tilian n g kababaehan. Mayroon pala kasing hinaharana. May dalang flowers at teddy bear si lalaki para kay babae. Ano pa bang aasahan mo? Vaentines eh.

"Sana all." Sambit ko.

"Keri lang. Malay mo 'te haranahin ka rin ni James, haha!" Ani Bea.

"Imposible. May iba nang gusto si James Ma'luvs. Tara na nga."

-
-
-

Nasa pila na kami nang marinig namin ang boses mula sa mic ng stage.

"Uhm. Good morning guys. Can you please help me confess to my one and only girl?"

Ah. Si James lang pala eh.

Si James...

Si James...

Si James!

Magcoconfess daw. Hayss. Wala na. Finish na. Wala na talaga akong pag-asa. Give up-

"Please help me find Catie Ramirez and make her watch me here."

na. May gusto siyang ib-

'Catie Ramirez'

'Catie Ramirez'

'Catie Ramirez'

Ako yun! Napatingin ako sa stage. Nandun si James Ma'luvs at may hawak na gitara. Sa tabi niya ay isang malaking teddy bear na may hawak na rose at may nakapatong na tsokolate. Nagkatinginan kaming dalawa.

"Hey Catie, this song is for you."

Aniya at nagsimula nang kumanta.

WAAAA MARRY YOU?! FAVORITE SONG KOOOO!

Matapos niyang kumanta, lumapit siya sakin.

"Catie, I like you since we we're in first year. Can I uhm. C-court you now?"

"Yes! Yes James!" Sagot ko.

Niyakap niya ako. Ginantihan ko rin siya ng mahigpit na yakap.

Maglalapat na sana ang labi namin nang walang ano-ano'y....

-
-
-

"HOY CATIE! BUMANGON KA NA DIYAN! MALE-LATE KA NA!" Napabalikwas ako ng bangon matapos marinig ang sigaw ni mama.

"Hay naku naman! Wrong timing ka ma!"

One ShotsWhere stories live. Discover now