PROLOGUE

74 1 0
                                    

PROLOGUE

Ako si Wynona. First year highschool. Freshmen palang at walang kaalam alam sa buhay highschool. Second day ng school ngayon. At naisipan naming tumambay sa may bench sa park sa labas ng school at kumakain kami ng kwek-kwek. Pinag-uusapan namin ang magiging buhay namin ngayong highschool, at siyempre pati ang lovelife.

Umuulan noon at masaya kaming nagkekwentuhan. Medyo marami rin ang mga estudyante dito, mga senior at mga mas nakakatanda samin at ang gaganda at gwapo nila. Hindi tulad naming magkakaibigan na hindi kapansin pansin. Sila may mahabang buhok, samantalang akin ay maiksi lang. Seksi sila, payat lang ako. Patpatin ang tawag sakin nung elementary. Maputi naman ako at makinis pero sadyang mas magaganda talaga sila. Hindi naman sa maliit ang tingin ko sa sarili ko pero sinasabi ko lang 'to dahil kuntento na ako sa kung anong meron ako. Saka simula elementary puro aral lang ang nasa isip ko at hindi ko iniintindi ang itsura ko.

"Ako, promise ko na magkakaboyfriend ako ng football player ngayong highschool!" Sabi ni Lus, isa sa mga kaibigan ko. Kinikilig niyang saad saamin habang nakapameywang. Nakatingin ito sa langit at tila naghihintay ng shooting star.

"Ako naman! Mangangako ako na magkakaroon ako ng prince charming na atheltic at hunk ngayong highschool. Yung tipong knight in the shining armor ko." tumayo rin si Dia na ginaya ang pagdadaydream nitong si Lus. Saka bumaling sila saakin. "Ikaw Wyn? Ano naman saiyo?"

Ngumiti lang ako sakanila. "Huh? Ako? Wala ah. Mag-aaral muna ako." tumayo narin ako mula sa upuan at pinantayan sila.

Hinampas ako ni Dia ng malakas. "Aray ko naman!" umupo ulit kami sa bench saka sila nagsumiksik saakin.

"Hindi pwede yun! Kailangan mahanap mo na ang tadhana mo. Kailangan ngayong highschool ay mararanasan mong mainlove." tila kinikilig na saad nila. Tinignan ko lang sila. Tadhana? Ang weird talaga. Sabi ko sa isip ko.

Nung bata kasi ako, hindi ako sanay sa mga ganyang crush kasi sobrang focus ako sa studies.

"Kailangan natin ng signs habang umuulan ngayon." sabi ni Lus habang iniikot ikot ang muka ko. "Nabasa ko 'to sa isang libro ng Fate Signs." dugtong niya.

Hinawakan naman ni Dia ang pisngi ko at iniikot ikot sa paligid. "Sabi kasi nila, makikita mo daw ang tinadhana saiyo tuwing umuulan."

"Weh? Naniwala naman kayo." sabi ko naman. Inismaran lang nila ako at patuloy na iniikot ikot ang ulo ko. "Nakakahilo ha,"

Tinutok nila ang ulo ko sa isang direksyon. "Nakikita mo ba ang waiting shed na yon?" tinuro ni Lus ang waiting shed sa malayo. Medyo malabo pa ahg nakikita ko kasi umuulan at malayo ang waiting shed na yun dito sa tambayan namin. "Oo bakit?"

"Ifocus mo ang mga mata mo doon. Ifocus mo ang mata mo sa isang direksyon, wag mong igalaw ang mga mata mo. Focus lang....." At dahil uto uto ako, ay sinunod ko naman. Wala namang masama kung susubukan diba?

Nanlabo ang paningin ko sa una, pero habang tumatagal ay unti unting lumilinaw. Naaninag ko ang isang lalaki...gwapong lalaki........"Dalawang minuto Wynona."

At dalawang minuto ko siyang tinignan. Malinaw na ang paningin ko at malinaw ko na siyang nakikita. Nakapayong siya at yakap ang bag niya.....kilala ko ito. Classmate namin ito.....

"Sino ang nakita mo?" Excited na tanong nila Lus pagkatapos ng dalawang minuto.

"Si.....Jay. Yung classmate natin. Kahapon, diba yung nagpakilala isa isa."

Nanlaki ang mata nila sa sinabi ko at tumili. "Kyaaaah! Siya ang nakatadhana saiyo girl!!! Si Jay! Oh my so hot naman niya! Ang swerte mo girl!" Niyugyog ako ni Lus at hinampas hampas. Napangiti naman ako. Pero napansin ni Lus na hindi natuwa si Dia.

"Hindi naman si Jay ang dapat na nakita mo!" sigaw ni Dia saakin. Tumigil si Lus sa panunuyo saakin saka binatukan si Dia. "Tanga! Si Wyn na mismo ang nagsabi na ang lalaking nakikita niya sa dalawang minuto ay si Jay! At kung hindi naman si Jay, sino? Yung matandang uugod ugod sa tabi niya? Wag ka ngang KJ Dia."

"Pero hindi e. Yung lalaking nasa harap ni Jay. Nagsintas lang siya ng sapatos. Sakanya dapat ang tingin ni Wyn. Nakita ko! Hindi si Jay ang nakatadhana saiyo! Nasa likod siya! Ang nakalagay sa Fate Signs ang pinakaharap na makikita mo. Hindi ka dapat magkamali ng tingin sa likod niya. Promise! Nakita kong nagsintas ng sapatos ang lalaki pero siya dapat ang nakita mo sa dalawang minuto."

"Gaga ka! Crush mo lang si Jay e kaya ayaw mong matadhana siya kay Wynona. Hoy echuserang mahaderang tabachoy, mag give way ka naman dito kay Wyn." sabay halakhak ni Lus. Umiling iling nalang si Dia saka sumuko na sa kapipilit na hindi si Jay ang nakita ko dapat.

Hindi ko na sila pinakinggan. Binaling ko ang tingin ko sa waiting shed na yun pero nagulat ako ng hindi na siya ang naroon. Kundi ibang lalaki na.....

Wala namang masama kung hindi maniwala diba? Malay mo siya nga ang nakatadhana saakin. Napangiti ako. Simula ngayon, mamahalin na kita

Jay.

The Fate SignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon