Chapter 1 - Si Andrew

42 1 0
                                    

GUMISING ako sa pagkakabangon ko. "Esperanza! Stop whining! I'm still sleeping." sigaw ko sa sa dorm mate kong si Esper. Isip bata yan at sobrang maingay. Palibhasa highschool palang e. Naghighschool naman ako pero hindi ako ganyan. Matino ako. Hindi ako sisigaw at iiyak ng five o clock ng umaga para lamang sa nilanggam na niluto kong itlog nung gabi. Hindi ako ganon promise.

"Pero yung itlog ko!" Mas lalong lumakas ang iyak niya na parang bata. Tinakpan ko nalang ng unan ang tenga ko. "Mamatay ako kapag hindi naibalik ang mga itlog ko." paulit ulit niyang binubulong.

Hindi ko na kinaya. Inalis ko ang unan sa tenga ko saka bumangon. "Please not now Esper. Wag muna natin isipin yang lesteng itlog na yan!"

"Hindi letse yung itlog ko ate Wyn. Ang mga langgam ang letse! Hindi yung itlog ko. Now, bawiin mo yun!"

Naglabas ako ng mabigat na buntong hininga at pinakalma ang sarili ko. Breathe in. Breathe out. I can do this. "Okay. Hindi letse yung itlog mo. Ikaw ang letse dito! Gaga! Lumabas ka at dun umiyak, hindi yung nakakaistorbo ka ng taong natutulog. Tuwing umaga lagi ka nalang ganyan. Bwiset."

Tumingin siya sakin ng seryoso. Namumugto ang mata at may nakakaawang maamong muka. "Ganon ba ako kamalas sa mundo?"

"Wala na ba talaga akong halaga sa tao?"

Seryoso padin siyang nakatingin saakin. Ako naman, yung galit kong muka, unti unting napapalitan ng awa. Pero at the same time, inis din, nakakainsulto kasi e. Sa dami ba naman ng magiging ka-dorm ko ay itong si Esper pa. May sira yata to sa ulo e. Tumayo siya sa pagkakaupo at may kinuha sa drawer niya.

Nanlaki ang mata ko ng nakita ko ang gunting sa kamay niya at hawak niya! Don't tell me.......Kyaaah. I need to get out of this room. "Esper no. Stop. Bitawan mo yan. I'm telling you."

"Diba bwiset ako sa buhay? Malas ako ate Wyn! Malas ako. Kapag namatay ako, wala ng bwiset sa buhay mo. Wala ng iiyak tuwing umaga, wala ng--"

"Listen to me Esper. I'm counting to three and you're bringing down that. Please Esper. Listen to Ate Wynona."

"But this is what you want right? This is what everyone wants! I'll be ending my life this morning Monday and you're gonna tell everyone that the Damn girl was gone."

Tumingin ako sa taas at pinikit ang mata ko. 'Jusko Lord, gabayan niyo po ako. Kung ano man pong masamang espirito ang sumasapi sa katawan ni esper, tulungan niya po siya. Ako din po. Huhu marami pa po akong pangarap sa buhay. Sayang naman po na mawalan ka ng precious person dito sa Earth. Malaking kawalan po yun Papa God.'

Dinilat ko ang mata ko at naabutan kong uumpisahan niya ng hiwain ang pulsuhan niya then I shouted. "NO ESPER! STOP! I'll be buying a tray of eggs later and you'll bring that scissors down."

Tumingin siya saakin at nagliwanag ang mga mata niya. Binitawan niya agad ang gunting at lumapit saakin at niyakap ako. 'My god, thanks for answering my prayer papa God, kinabahan ako. Grabe.' Nagbuntong hininga muli ako at niyakap siya pabalik. 'That was close. Akala ko at the age of 19 na ako mamatay o makukulong.' "Thanks Ate Wyn! Later ha when you got home dapat dala mo na yung eggs."

Tumango ako tsaka bumitaw sa pagkayakap niya. "Yes Esper. I promise. Basta magpromise ka din na wag mo nang uulitin yun ha." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Ano nanaman ba ang hindi niya maintindihan doon?

"Yung hug? Why? Bawal ka bang yakapin?" Sabi ko na nga ba e. Mahina kasi ang utak niya kaya hindi niya magets agad.

"Nope. Yung kaninang---"

"Yung pagsabi ng bwiset?"

"Hindi. Yung--"

"Ah when I left the eggs kanina kaya nalanggam ito."

The Fate SignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon