ILANG oras na ang nakalipas ng dumating na ulit si Mike. Siya lang. Nagulat ako ng kasama niya si.....Jay.....si Jay na vice president ko. Tumingin siya saakin at umiwas ako ng tingin. Galit kaya siya saakin?
"Totoo ba?" Tanong ni Mike.
"Totoo ba na itong lalaking ito ang kayakap mo sa picture? Na nakasuot lang siya ng damit ng coordinator para hindi siya mahuli?"
Nagulat ako sa sinabi ni Mike. Anong ibig niyang sabihin?
Na sinabi ni Jay sakanya na siya ang nasa picture kahit na hindi? What the! Tumingin ako kay Jay at sinenyasan niya ako na-umoo. Kaya tumango nalang ako
"Okay then. Minus point sa inyong school pero since umamin siya ay hindi kayo disqualified. One quality of a leader is honest. Kaya good job Jay dahil nagsabi ka ng totoo." sabi ni Mike at umalis na. Naiwan kami ni Jay dito.
"Jay Sorry." I said and started crying again. 'Ikaw na nga ang may kasalanan Wynona pero ikaw padina ng umiiyak! Gaga!' Sabi ng isip ko.
"Tapos na yun. Mahalaga ay naayos na. I warned you before na tayong tatlo lang dapat ang magkasama e. Yan tuloy, pero forget that. Bawi nalang tayo. Tomorrow will be the IQ test at dun tayo magaling. aasahan kita doon Wynona. We can do this until the top 5. I bet you don't want to lose the date,right?" And he left.
I fixed myself and followed him, pero wala na siya. Imbes na si Jay ang makita ko, ay Nasalubong ko si Andrew na galit ang muka. First time I saw him like this.
"ANO WYNONA? Bakit hindi nila ako pinaalis? Bakit wala pa silang sinasabi saakin na umalis na ako? Ano bang sinabi mo? Bakit ka nagsinungaling? Okay ka lang ba? Babalik ka na ba sa school niyo? Babagsak ka na, pano nalang yung honors, diba? Waynoonah naman. Sabi ko saiyo tell sabihin mo ako yun pero bakit, hindi ko sinabi? Ano Wynona! Sabihin mong okay ka lang ba?" niyugyog niya ako sa balikat. He looks so awfully worried. Akala niya siguro sinabi ko na ibang lalaki yun at hindi siya.
"Sasabihin ko na sana pero dumating si Jay. He saved me. Sabi niya siya yung nasa picture at nagsuot lamang ng shirt ng coordinator para hindi mahuli. And with that naniwala si kuya Mike. Bawas lang kami ng points pero we'll still continue the tournament." I said straight looking in his eyes.
What do I expect? Na siya ang magliligtas saakin? Bakit? I asked myself. Bakit si Andrew pa ang inaasahan ko na magliligtas saakin? Diba nga dapat maging masaya pa ako dahil ang mahal na mahal kong si Jay ay niligtas ako.
Natahimik siya at bahagyang tumawa. "Ah! Edi Good. Knight in the shining armor mo pala yun e. Sige." And left me again. What's his problem ba? Hindi ba siya magpapasalamat kay Jay dahil doon ay wala na kaming problema? Sometimes I hate him.
Kanina imbes na kinomfort niya ako ay iniwan niya lang ako. Nasan na ang sweet na Andrew? Nasan na yun? Haist. Bahala siya. Bahala talaga siya. Sinundan ko nalang ulit si Jay at nadatnan ko sila ni Kris na tahimik sa tent. Maski ako hindi rin makapagsalita. Nakakahiya yung ginawa ko, salamat nalang talaga kay Jay.
Ayokong maging mahina sa lahat ng bagay, gusto kong patunayan na kaya ko ang mga problema na dadating sa buhay, madali man o mahirap. Determinado akong tao pero wala akong isang desisyon, magulo ang isip ko at hindi pinapakita ang tunay na nararamdaman. Yung tipong andami kong gustong sabihin pero ang tanging nasasabi ko lang ay 'okay lang ako, sige'. Kahit na masakit ay tinitiis ko, feeling ko kasi mas masakit kapag nakasakit ako ng tao.
Dahil back to cold nanaman si Jay, at wala ding pumapansin saakin. Lumabas nalang muna ako. Nakita ko si Andrew na nakatingin ng malayo. "May problema ka ba?" Tanong ko. Alam ko na hindi ko muna dapat siya kausapin ngayon pero sabi ng puso ko ay kausapin siya.
BINABASA MO ANG
The Fate Sign
RomanceSi Wynona ay tinutulungan ng kanyang mga kaibigan na si Dia at Lus na magkaroon ng lovelife sa highschool. Isang maulan na gabi ng sila ay nasa tambayan sa labas ng paaralan, ay naisipan nilang sundin ang libro na "Fate Sign" kung saan nakasaad na '...