MALAKAS ang ulan kaya pinauwi na kami ng Adviser namin. Sayang naman ang PE Uniform na sinuot na, pano nalang yung mga students na sila ang naglalaba ng uniform? Tapos isa pa, sayang din yung pamasahe no. Pero pagdating sa baon ang usapan, siguro gustong gusto ng mga estudyante...Hay.
Lumabas na ako ng school mag-isa. Well,Ako yung huling lumalabas ng school, halos kasabay ko na yung mga teachers umuwi minsan. Yung mga kaibigan ko, ayun papetiks petiks lang kaya maaga umuuwi, minsan nga wala pang uwian pero umuuwi na e. Pero mahal ko ang mga yon,kasi pagdating naman sa Campaign, suportado sila saakin. Ako kasi yung President ng school na to. Honor student din, halos lahat ng clubs member ako. Si Jay, ang vice president ko sa SSG. Pero pagdating sa classroom officers,ako ang Muse at siya naman ang escort. Running for honors din siya. Wala siya masyadong clubs na sinalihan pero MVP naman siya ng Basketball kaya keri lang yung sa extra curricular niya kaya mahihirapan akong kalabanin siya.
Oh well, bakit nga ba puro si Jay ang sinasabi ko? Eh kasi naman, crush ko na siya since first year. Palagi ko nalang yang kalaban sa honors e. Mabait kasi siya, pero papetiks petiks lang. May dalawang uri kasi ng talino. Yung isa yung talagang matalino na kahit na hindi nagrereview at siya yun. Ako? Matalino ako kasi nagsisipag ako mag-aral. Sabi nga ni mama, kung may tiyaga, may nilaga. Balik tayo kay Jay. Oo crush ko yun. Pero ang sad part? Tingin niya lang saakin ay isang "opponent, foe at hostile" at siyempre, nakababatang kapatid. Accelerated kasi ako kaya ako yung pinakabata sa section namin. Palagi din kaming inaasar ng classmates ko kasi bagay daw kami, sobrang kinikikig nga ako kapag inaasar nila kami. Pero nasasaktan ng sobra kapag inaakbayan niya ako at sasabihing
"Ano ba kayo guys! Hindi kami talo netong si Wyn no! Parang little sister ko na to e, tsaka sabi nga nila 'POSITIVE PLUS NEGATIVE EQUALS NEGATIVE' e opposite kami netong si Wynwyn."
'Parehas naman tayong matalino ah, kaya Postive plus positive equals Positive.' Gusto ko sanang sabihn yan pero hindi. Kasi hindi e. Hindi talaga pwede.
Kaya heto ako, ngingiti sa kanila kahit na sobrang sakit na at sasabihing. "Kayanga! Baka masipa ko pa 'to, kapag siya ang nagvaledictorian e, naku hindi ko talaga matatanggap." Biro ko at tumawa sila. Inalis ko ang pagkakaakbay ni Jay saakin. "At isa pa, may girlfriend na yan no. Ang ganda ganda kaya ni Kiella. Ayiee kinikilig si Jay o!" Dagdag ko. Pakunwari ay kinikilig din, pero deep inside, 'Ako nalang sana Jay, ako nalang.'
At yun. Ganon nalang ang palaging eksena kapag inaasar kami. Na kesyo may girlfriend siya, na opposites kami, na parehas matalino, magkaaway. Yung ganon? Ang sakit siyempre. Pero matitiis ko naman, lilipas din naman to diba?
"Bye kuya Barry! Mauna na po ako!" paalam ko sa Guard ng school. Mabait yan si Kuya Barry,at mapapagkatiwalaan talaga, katulong ko yan pagdating sa pagbabawal ng cutting classes sa students. "Sige Wynie Ingat ka!" paalis na sana ako at nakalimang hakbang na palayo pero bumalik ako sakanyang napagtanto kong mali ang pagkabigkas ng pangalan ko.
"Kuya Bars! 4 years na akong nag-aaral dito, at WYN ang pangalan ko. Wyn-no-na." pagtatama ko sakanya, at umalis na, ayoko talaga na tinatawag sa ibang pangalan. Ayoko din ng endearments. Basta Wynona. Wynona De los Santos Alcantara at your service!
Mag-isa akong naglakad papunta sa waiting shed. Wala kasi yung sundo ko. Kaya magbubus nalang ako. Nilabas ko ang payong ko habang naglalakad papuntang waiting shed. Medyo nababasa na ako kasi ang lakas ng hangin at ulan. May bagyo din kasi e, bagyong Mario. Inayos ko na ang payong ng makarating sa waiting shed. Bumuntong hininga ako at hinigpitan ang nga hawak kong sandamakmak na folders at books.
May tumawag saakin sa phone kaya sinagot ko agad. "Uy Kris, bakit?" Panimula ko. Nilagay ko sa tenga ang phone at hinigpitan ang hawak sa mga folders na bitbit ko.
BINABASA MO ANG
The Fate Sign
RomanceSi Wynona ay tinutulungan ng kanyang mga kaibigan na si Dia at Lus na magkaroon ng lovelife sa highschool. Isang maulan na gabi ng sila ay nasa tambayan sa labas ng paaralan, ay naisipan nilang sundin ang libro na "Fate Sign" kung saan nakasaad na '...