Chapter 13 - Siya nanaman

31 0 0
                                    

SIYA nanaman. Siya nanaman. Nakakainis na.

"Will you shut up? Kanina ka pa salita ng salita dyan. Tumigil ka nga muna. Daldal mo."

"Just sharing my mercies and graces to you! Hahaha chill ka lang."

"Mercy mercy ka dyan. E panay katangahan yang kinewento mo e. Sipain kita dyan. Umayos ka nga. Ano bang pakay mo saakin at dinala mo ako dito?"

Nag-ikot ikot ako dito sa antique at old house. "Wag mo sabihing itatanan mo ako dito sa bahay na to ha?" Biro ko sakanya. "Ano ba kase?"

"Linisin mo to."

Pumunta ako sa harap niya at hinampas siya. "SERYOSO?!"

"Joke lang. Seriously, i really don't know."

"E gago ka pala e! Bakit hindi mo alam? Hindi pa ako kumakain ng almusal e, iuwi mo na ako."

Umupo ako sa coach na may sapot na malaki at nagulat ako ng lumubog ito. "Kyaaaah! Curse you Jay! Itayo moko! Help!"

Inabot niya ang kamay niya para tulungan ako pero sadyang mabigat ako kaya natumba din siya saakin.

Bumagal ang oras ko sa pagtumba niya saakin. Bumilis ang tibok ng puso ko ng malapit ang muka namin sa isa't-isa. Nakapatong siya saakin at nakayakap ako sakanya.

One two three..........one minute.........two minutes......

Ngumiti siya saakin ng nakakaloko saka ko nalang narealize na ang lapit na pala namin sa isa't-isa. Tinulak ko siya at agad na umayos ng upo. Tumayo ako at pinagpag ang damit ko. Naging awkward na saaakin ang hangin ngayon pero nanatili padin siyang normal lang, na para bang walalang sakanya.

"Hoy ano na? Gutom na ako!"

"May malapit na kainan dito. Tara na!" Hinigit niya ang kamay ko at lumabas na kami sa haunted old antique house na yon. Kanino kaya ang bahay na iyon? Nindi kaya may tinatagong sikretong nakakakilabot yang si Andrew? Creepy!

"Teka lang naman, makahila ka wagas. Hindi na nakahinga yung pulsuhan ko!" pangrereklamo ko nang makarating kami sa kalsada. Wala naman akong nakikitang Jolibee, Macdo, KFC, at iba pang fast food resto dito. Puro puno at mga cheap na stores lang. "Puro ka reklamo, feeling mo naman ang sexy mo!"

Hinampas ko siya sa braso saka humalakhak siya ng malakas. Hinampas hampas ko siya ng malakas habang naglalakad kami. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko. "Sexy naman ako ah. Cute, maganda. Charming, lovely, gorgeous at intelligent."

Tinignan niyaa ko from head to toe. "Ang baba naman ng standards mo. Maganda na ang tawag mo dyan sa mukang yan? Sexy ka e napaka flat chested mo naman."

"Shut up will you? Gutom na ako. My God Andrew. Pwede bang magpakabanal ka muna ngayong oras na to at pakainin mo ako?"

Tinignan niya ako ng nakakaloko at hinila nanaman. Nasan na ba kasi kami? Kanina kasi hindi ko na namalayan kung saan kami nakarating kasi....ewan...kasi kasama ko siya? Dinala niya ako sa isang maliit na bahay bahay na may bubong at may mga mesa. "Ito ang Aling Miranda's Carinderia!"

Inalalayan niya ako sa pag-upo. Nagulat ako ng biglang umuga yung inuupuan kong plastic monoblock. Seriously, dito niya ba ako papakainin? "Wag kang maarte." dugtong niya. Inirapan niya ako at nagsimulang umorder. "Isang sisig bangus, tapos adobo, dinuguan, caldereta at itlog. 4 extra rice at dalawang mineral water at isang pepsi." nanlaki ang mata ko sa inorder niya. "Seryoso ka?" hindi niya pinansin ang tanong ko, sa halip ay kinindatan niya yung babaeng waitress na naka sibilyan lang.

Ang landi landi niya ha. Pati costumer nilalandi niya. "Oo nga pala, nandito tayo sa Costa Rico!"

"Costa Rico? Anong province?" malay ko ba kung nasa Bataan na kami or saan. "Palawan. At nasa barangay Costa Rico tayo." ngumiti siya saakin at nag-ikot ikot ng tingin sa paligid. Lumaki ang mata ko. P-palawan? Heck. Ang layo na namin sa manila.

The Fate SignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon