SIMULA ng insidenteng yon ay iniiwasan na ako ni Andrew. Hindi niya na ako kinakausap o tinitignan man lang kaya ganun nalang din ang ginawa ko, iniiwasan ko narin siya.
"And the last part of this program will be held individually with the guide of the coordinators. Participants, line up." Pumila na kami. Bunutan daw kasi. Bubunutin ang number ng coordinator na makakasama mo. Sana hindi si Andrew o si Frenzel, o kaya yung tour guide, o kaya si Mike ang mabunot ko. Not one of them sana.
Its my turn para bumunot, nagbuntong hininga muna ako at nagsign of the cros.. Binunot ko yung heartshaped na papel. Binuksan ko yun. "Number 6 po."
Si Andrew! Oo siya nga. Iba na talaga ang ihip ng hangin ngayon at mukang minamalas nga yata ako. Bakit si Andrew pa? Of all people, bakit siya pa? Mahirap umiwas. Lalo na kung yung taong gusto mong iwasan ay yung taong gustong gusto mong lapitan. Sana pala yung oblong nalang ang pinili ko!
Minsan naisip ko, kapatid ko ba si Andrew? Luksong dugo ba tong nararamdaman ko? Napailing nalang ako sa nga naisip ko. Baliw na talaga ako.
Naglakad na siya, kaya sinundan ko siya. Nasa likod ako at sinusundan siya. Tahimik lang kami habang papunta sa Library.
Ang gagawing actvity ay ang Skills Representation. May mga painting materials na dito. Ako lamang ang gagawa ng skill na ito at babantayan lamang kami ng mga trainors. One room lang kami! Kaming dalawa lang sa library! Sinimulan ko nang icheck ang materials. Maayos at kompleto naman kaya hindi na ako mahihirapan. Kay kuya Ridhel ko natutunan ang pagpapainting. Sayang at namatay na siya, kawawa naman si ate Chandria na girlfriend niya. Pinsan ko kasi si kuya Ridhel. (From Kathryn's Diary)
"Ano pang tinutungatunganga mo diyan? Simulan mo na dahil tumatakbo ang oras mo." ang sungit niya naman. Napakamoody talaga niya. Alam ko naman na galit siya saakin e. Iniiwasan ko nga din siya pero dahil tanga ang hangin at talagang siya pa ang nabunot ng tanga kong mga kamay, ayun! Sapul kaming dalawa.
"Masyado kang atat! Ikaw na kaya magsimula dito. Para namang may alam ka sa pagpapaint. Porket naging trainor ka lang ganyan ka na! Tsss pasalamat ka inutangan kita kaya hanggang dito nalang ang sumbat ko saiyo! Kainis ka! Kalalaki mong tao, daig mo pa ang may PMS." gusto ko sanang sabihin yan. Pero siyempre at dahil mabait ako, hindi ko yan sinabi no.
Tumango nalang ako sakanya at sinumulan na ang pagpapaint. Sumusulyap sulyap ako sakanya at nagtatama ang mga tingin namin, teka, tinititigan niya ba ako? Kadiri naman! Nakakailang kaya ang ganon. Pero kung sabagay maganda naman kasi talaga ako kaya hindi maiiwasan yun. Charot.
"Kung titignan ka, muka ka lang marunong maglaba at magluto, yung tipong pangkatulong na trabaho. Pero akalain mo yun, may alam ka palang magpinta. Not bad." pang-aasar niya.
Ang gulo-gulo niya! Kanina masungit tapos ngayon mapang-asar na? Ano ba! Nakakagago siya ah! "Ewan ko saiyo." Bulong ko at nagconcentrate nalang sa pinipinta ko. Maya maya ay kausap na siya sa cellphone niya at halos gusto ko nang lamunin ang mga paint colors na ito dahil sa kakornihan nila.
"Sige mamaya nalang ng lunch babawi ako saiyo."
"Hindi okay lang, haha ano kaba Jen. May hiya ka pala? Di uso yan saiyo e! Hahaha joke lang. Ito naman."
"Lubus lubusin mo na! Tutal lubos biyaya ka ding babae e, last na to promise. Haha ako naman ang ilibre mo sa susunod."
"Choosy ako! Pang Gerry's grill lang ako, kaya mag-ipon ka na."
"Talaga? Blablablabla"
Hindi ko na pinakinggan ang sinasabi niya sa kausap niya sa cellphone. For sure si JENIKA yun. Ano ba niya si Jenica? Bwisit, nahulog ang paintcolors ko kaya pinulot ko agad. Shit yung damit ko.
BINABASA MO ANG
The Fate Sign
RomansSi Wynona ay tinutulungan ng kanyang mga kaibigan na si Dia at Lus na magkaroon ng lovelife sa highschool. Isang maulan na gabi ng sila ay nasa tambayan sa labas ng paaralan, ay naisipan nilang sundin ang libro na "Fate Sign" kung saan nakasaad na '...