HINDI ko alam bakit parang feeling ko hindi kompleto ang araw ko kahapon. Yung tipong may hinahanap na ginto. Samantalang dati, makita ko lang si Jay, sapat na, jackpot na kumbaga. Pero bakit ngayon ay parang may recipe na hinahanap hanap yung puso ko. Nababaliw na yata talaga ako. Simula nung nagcommute ako nabaliw na ako, may hindi ako maipaliwanag na nangyayari sakin.
Lumipas ang araw at Monday na ngayon. Simula na ng Leadership Tournament, hindi ko alam kung paano ko pakikisamahan si Jay pagkatapos ng nangyari at nahihiya padin ako sa mga sinabi ko. Lalo na at kasama namin ang mapang-asar na baklang si Kris. Pero siguro ay ipapasantabi ko muna ang mga yon, dahil kailangan naming manalo sa tournament nito dahil pangalan ng school ang nakasalalay. Madaling sabihin, pero likewise, mahirap gawin.
Habang nasa byahe papunta ay tahimik lang kami. Natulog nalang ako para iwas interrogation. Tsaka ayoko ng hindi nag-uusap na ganito, parang ang awkward kasi hindi ako sanay. Pagkarating namin ay marami nang students sa venue. Iba't ibang ginagawa, iba't ibang daldalan at grupo at iba't-ibang uniporme. Dumeretso muna ako sa Comfort room at nag-ayos. Suot ko yung skater skirt na black tapos yung t-shirt ng School. Tapos yung varsity jacket ng SSG na nakalagay ang Position sa SSG at buong pangalan. Inayos ko na ang sarili ko sa salamin at lumabas. Pagkalabas ko ng pintuan ng CR ng Girls ay kasabay naman ng paglabas ng isang lalaki sa Cr ng boys.
At sa ikinagulat ko ay si Andrew yun. Tama nga at hindi ako nagkakamali. Si Andrew nga yun. Hinintay kong papansinin niya ako pero hindi... Diretso lang siya sa labas. Hindi niya siguro ako napansin o nakita man lang. Sayang tuloy. Pero nasiyahan ang puso ko nang malaman kong kasali siya dito. College na siya diba? So it means? Isa siya sa mga Trainors, coachers, or tagabantay. Kasi college students daw ang mga Preachers namin. Ngunit naaalala ko naman ang pangako ko sakanya.
"Sorry talaga ah, pasensya na. Babayaran naman kita bukas e. Promise."
Oo nga pala! Nagpromise ako na babayaran ko siya kahapon pero hindi ko nagawa. Baka kung ano pang sabihin niya saakin na hindi marunong magbayad ng utang at tumupad sa promise. Baka akalain niyang mangloloko ako. Hala dapat mabayaran ko na siya mamaya! Nakakahiya strikes nanaman ito. Punong puno na ako ng kahihiyan. My God! Of all people, kay Andrew pa!
Pinuntahan ko na ang place namin at ang room ng Paulinians. Nadatnan ko doon si Kris na nagseselfie habang si Jay naman ay nagbabasa ng libro habang nakahiga sa coach. Hindi nila ako pinansin kaya pumunta ako sa Desk at inistart ang Laptop ko. Nagsearch nalang ako don ng kung ano ano, yung about sa leadership, at ang successful outreach ng tournament na ito. Nabored ako kaya pumunta nalang ako sa bed ko at kinuha ang cellphone. Tinext ko sila Lus at Dia, mukang busy ang mga gaga kakalandi kaya hindi na ako nirereplayan. Nagpaikot ikot ako sa bed habang nakatitig sa phone ko at naghihintay ng reply.
Lumipas ang oras ng walang pansinan saamin. Walang nagsasalita, kulang nalang yata umutot ako dito para mapansin nila e. Tsaka parang iba ang ihip ng hangin ngayon. Hindi muna makulit si Kris which is a good thing at nakakatugulong iyon saamin. Pero itong si Jay cold ang dating saakin na hindi ko maintindihan. Siguro dahil sa mga sinabi ko kay Kiella noon. Hindi pa naman kasi ako humihingi ng tawad e, mataas ang pride ko kaya bahala siya. Pero joke lang yun, siguro mga next week magsosorry ako. Kapag natripan ko, ganun kasi ako, malakas ang trip. Ilang sandali lang ay nagpaalam na si Kris na mamamasyal lang daw, na for sure ay maghahanap yun ng mga gwapong lalaki. At kapag sinabi kong MGA, hindi yun over acting dahil totoong madami ang hahanapin at mahahanap niya, knowing him for years e halos siya ang palagi kong kasama e. Walang ibig mukambibig kundi ang mga gwapo at oh-so-hot papable sa Earth. Kilala ko na yata lahat ng mga binabanggit niyang gwapo. Kaya ayan tuloy minsan nahahawa ako pero dahil busy ako kay Jay ay hindi ko nabibigyang pansin ang ibang gwapo diyan. Ganito talaga siguro kapag loyal tsaka maganda.
BINABASA MO ANG
The Fate Sign
RomantikSi Wynona ay tinutulungan ng kanyang mga kaibigan na si Dia at Lus na magkaroon ng lovelife sa highschool. Isang maulan na gabi ng sila ay nasa tambayan sa labas ng paaralan, ay naisipan nilang sundin ang libro na "Fate Sign" kung saan nakasaad na '...