NGAYON ay pangalawang araw na namin. "Jay sino na ulit yung School chaplaign?" Tanong ko kay Jay, ako na kasi ang nagpipirma sa contract at andaming mga fill up papers. Mahaba haba din ang pila kaya its a relief nang kami na ang susunod. "Si Rev. Orlando Correo." Sagot niya, isusulat ko na sana pero tinabig ako ni Kris at binatukan niya si Jay. "Gaga! Correa yun! Hindi Correo! Ang boboness mo Jay!"
Binilisan ko na ang pagsusulat at ang pagpirma. Nakakaloka, andaming mga tanong. Umupo muna kaming tatlo sa isang side para sagutan yon. Halos lahat ng students ay natataranta na at hindi alam ang isusulat, kawawa naman pala ang mga secretary including mahaderang Kris.
"Hala nakalimutan ko yung pangalan ni Mrs. Gonzales!" Napasigaw ako sa katangahan, pano na yan? Dito pa lang sabog na agad kami, what more sa mga iba pang challenges. Pangalan pa nga lang ng mga teachers, wala na! Hindi na namin alam ang first name, kasi naman, they're not worth of knowing their names maman e. Charot. Pero kasi naman, oo na ako na ang may kasalanan.
"Hindi kasi natin siya naging teacher e." depensa ni Jay. Tama siya! Hindi naman namin naging teacher ang tandang yun. Pero naalala ko na siya ang Teacher na nagguide nung Nutrition month at dahil ako ang president don ay masyado siyang mautos at parang sino na makapag-insulto sa trabaho ko. Kaya hindi ko narin nalaman ang pangalan niya.
"Pero Kris diba ininform kita na isulat ang complete name ng bawat teachers?" tanong ko. Kasi naalala ko na bago ang tournament ay tinext ko si Kris na alamin ang whole name ng buong faculty staffs.
Bumulong saakin si Jay. "Bea nalang muna ang ilagay natin, ako bahala." Hay nako basta mga ganyan, si Jay ang maasahan mo. Yung tipong hindi mo na alam ang gagawin mo, at no chocie ka na dahil si Jay nalang at ang mahadera niyang plano ang susundin mo in order to survive. Yung mga plano niya, panay tagumpay talaga since freshmen. Buti nalang at tagumpay, pero sa ngayon subukan niyang pumalpak, makakatikim siya ng flying fist.
"Babatukan kita dyan Jay kapag palpak to ah!" Sabi ko naman pero sinulat ko na ang pangalang Bea. Tumatawa sila ni kris, natawa na din ako dito sa ginagawa namin..baliw talaga si Jay.
Inakbayan niya ako, namiss ko ang eksenang ito. "Trust me Wyn! Trust me." Ngumiti siya ng nakakaloko saakin at pinisil ko naman ang ilong niya... Balik sa friendzoned. Mas okay na pala ito, at least nahahawalan ko siya, nakikita at napipisil.
Tumayo na siya at nagpose ng superman sa harap, loko loko talaga. "Kapag nasama tayo sa top 5, ililibre ko si Kris ng tatlong papables!" Natawa ako sa pagkakasabi niya ng papables. Haha ang cute!
Natuwa at nabuhay ang mga malalanding cells ni Bakla at may standing ovation pang yakap yakap kay Jay. Nagpout naman ako sa harap nila, "Paano ako?"
"Ikaw ang president kaya kapag nasama tayo sa top five, ililibre mo ako sa Shakeys!" tuwang tuwang sabi ni Jay. Pumalakpak naman si Kris at ngumiti ng nakakaloko. Kung pwede lang tusukin yang ngiti na yan ng baklang yan e.
Binatukan ko siya at tinapakan ng paa. "Asar ka! Poor ako ngayon Jay!" tinignan ko si Kris. "Ikaw? Ano nanaman yang ngiting yan?"
"Hahaha ikaw naman, sige kapag nasama tayo sa top 5. Magdadate tayo. Treat ko." nagulat kaming pareho ni Kris.
Napanganga ako sa sinabi niya. DATE? ANO DAW? Date? As in? Date?
"Friendly date." Dugtong niya. Tumango tango nalang ako. "Asus!" Biro ni Kris.
"Basta wag mo nang uulitin yung kanina Wyn ha. Buti nalang nagkaayos agad kami, sensitive kasi at selosa si Mahal e, kaya alam niyo na." Sana naman hindi niya na siningit sa usapan yang girlfriend niyang hipon kasi moment na namin diba? Tapos isisingit niya pa! Muka na tuloy siyang singit.
BINABASA MO ANG
The Fate Sign
Roman d'amourSi Wynona ay tinutulungan ng kanyang mga kaibigan na si Dia at Lus na magkaroon ng lovelife sa highschool. Isang maulan na gabi ng sila ay nasa tambayan sa labas ng paaralan, ay naisipan nilang sundin ang libro na "Fate Sign" kung saan nakasaad na '...