Chapter 1♚ New Friend

95 2 1
                                    


Umalis akong malinis ang uniform ko,umalis rin akong mabango patungo sa pinapasukan kong Eskwelahan. Nagsuot ako ng makapal na salamin sa mata ko.

Hindi kami mayaman, Hindi rin kami mahirap.. Yung sakto lang. Pero ang pinapasukan ko at kasama ng mga classmate ko ay kasing yaman ng mga artista. May scholarship ako kaya nakakatagal ako sa school na yun.

First day of school year..

Dahil unang araw, May mga bagong transferee..

"Goodmorning class.." Sabi ng new adviser namin. Nagsitayuan kami at sabay sabay na bumati rin sa kanya.

"Okay,who are the new student in Domzom University?"Sabi ng teacher habang hawak hawak niya ang malapad at mahabang stick. Mukha mataray 'to...

May nag taas ng kamay..Isa lang siya. Babae..

"Okay Miss?"Sabi ng teacher sa babae, Lahat kami napatingin sa likuran. Dun kasi nakaupo ang babaeng transferee.

"Ahm..I'm Thea Alex Amanda."Sabi ng transferee, Muli akong tumingin sa board at sa teacher..

"Okay Miss Amanda you may now take your sit." Sabi ng teacher namin. At pagkatapos, nagturo lang siya ng nagturo. Nagbigay siya ng mga rules sa loob ng kanya room. Siya si teacher Rica..

"And Blah blah blah blah..." Nagsulat lang ako ng mga sinasabi niya at yung mahahalagang nakasulat sa board.

"Class dismissed.."Said Maam Rica.

Nag-ayos ako ng mga gamit ko bago ako pumunta sa kabilang room, Sa susunod na subject.. Alam ko na ang pasikot sikot dito dahil dito ako nag aral pamula 1st year hanggang ngayon..

*Tuugs!*

Napatingin ako sa lalaking bumato sakin ng notebook.

"HAHAHAHAHA!" Tawa ng mga kaklase ko noong last year. Kilala na nila ako. At sanay na rin ako sa mga inaakto nila.

Habang nag aayos ako ng libro ko, Biglang may humaplos ng ulo ko. Napatingin ako sa humaplos ng ulo ko.

"Hi. I'm Thea. And you are?" *Tugtug..tugtug* Eto yung transferee.

Nakikipag shake hands siya sakin? Hindi ayoko..

Tumayo ako sa kinauupuan ko at dinala ang bag ko. Pupunta ako sa kabilang room para sa susunod na subject ko.

"Hey!" Oh no! She is here again. Ano bang problema nito? Diba niya alam nerd ako? Ibig sabihin binu'bully ako ng mga tao dito dahil sa ka'weirdohan ko..

Lumingon ako, Si Thea nga. Malapit na ako sa room ko, Haha!Siguradong magkaiba kami ng schedule nito. May pagka kulit..

Umupo na ako sa dulo. Tapos tinignan ko si Thea kung nakasunod ba.. Te-teka? Nakasunod nga!

"Hey!" Sabi niya sakin at halatang hinihingal siya kakahabol sakin.

'WOW!'

'Pare ang ganda! Chicks to.'

'Hi mishh watsh your namesh?'

'Hoy sira sa 'S' HAHAHA.'

Yan ang mga naririnig ko sa loob ng room na'to. At ramdamam kong pupunta siya dito sa pwesto ko.

"Ang Lucky ko naman, Ikaw ang ka schedule ko sa buong classmate natin. Pedeng makipagfriends?" Alam kong nakangiti siya kahit hindi ko siya pinapansin. Hindi kasi ako nakatingin sa dereksyon niya eh.

"Aw, ang sungit naman. Di bale, Basta friend na tayo ah?Hehe!" Sabi niya. Wala naman akong sinabing friend kami, Saka siya lang ang may balak makipag friend sakin..Hindi ako sanay, Badtrip!

Dumating na yung bago ulit namin teacher. Si Thea tahimik na.. Hays! Salamat at walang madaldal.

A/N:
#FRIENDdaw.Haha!
Anyways, Vote po kayo, thanks!

-LostAndFound.

Nerdy Guy (He's Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon