Gab POV.
Hindi ako makapaniwala na nagawa ko ang isang ayaw at kinatatakutan kong gawin.Kahit papaano kaya ko rin pala, Siguro naduduwag lang ako. Pero yung nangyari kahapon? Unang beses akong nagkaroon ng lakas at nawala ang takot ko.
Mahal ko na kaya siya?
"Anak? Hindi ka ba papasok? Kahit Half day lang?" Narinig ko si mama mula sa nakasaradong pinto ng kwarto ko.
Umalis na si Thea kaninang umaga,Dumating ang Driver at yaya niya para sunduin siya.Nakapagpaalam naman ako ng ayos sa kanya..
"Anak?" Nakatingin lang ako sa kisame.
"Hindi ko pa po kayang pumasok ngayong araw mama, Masyado pang masakit ang buong katawan ko." Sa totoo lang kaya ko na.Nagsinungaling lang ako..Ayoko kasing makita sila andrew..Siguro naduduwag nanaman ako. Alam kong hindi rin papasok si Thea dahil sa natamo niyang mga sugat.
Naalala ko nanaman kung ano ang nangyari kagabi.
Hinalikan siya ni andrew at sa sobrang sakit nun nakita kong magdudugo na ito. Dahil don napilitan ko talagang sumugod at suntukin si andrew..Pero bago ko magawa yun sinipa ni Thea ang 'ano' ni andrew at dun ako kumuha ng bwelo para masaktan ko si andrew. Pero ang hindi ko expected ay yung pukpokin si Thea ng bote at yun ang dahilan kung bakit siya nakatulog. 'Dun rin lumabas ang lakas ko at pagkalalaki ko..
Ang 'Nerd' ay mahina,nahihiya,tahimik pero kaya kong baguhin at itapon sa malayo ang mga ganyang word sa pagkalalaki ko.
Dahil mahal ko na nga siya..
---
Nandito ako sa room. Nakikinig at balik sa klase..Nararamdaman kong malapit na ang last prom namin. At nararamdaman kong malapit na matapos ang high school year namin.
"Gab." Napatingin ako kung sino..Si Andrew na may pasa sa kaliwang mata pero hindi na to kalala.
"Pare, pasensya na.." Tumango lang ako. Masyado siyang plastik na tao. Hindi ako naniniwala, Gusto niya lang gumanti ulit.
Umalis na ako sa room, Dahil tapos na ang unang subject namin. Pumunta na ako sa susunod na room at subject.. Pagkaupo ko nakita kong nakasunod si Thea sa likuran ko.
"Good morning class.." Sabay sabay kaming tumayo at bumati rin sa subject namin.
"Okay, siguro naman alam niyo kung kelan ang last prom niyo?" Sabi ng teacher at lahat kami ay tumango lang.
"Meron na ba kayong mga partner?" Lahat sila nagsitinginan sa isat isa maliban sakin. Hindi ako pumupunta sa mga ganyang prom. Wala naman akong ka'partner eh.
"Gab.." Tawag sakin ni Thea na pabulong pero narinig ko dahil katabi ko lang naman siya.
Tumingin ako sa kanya."Tayo partner pede?" Biglang nanlaki ang mata ko. Hahaha! Nagpapatawa ata tong si Thea..Kitang 'Nerd' ako ohh! Baka pag tawanan siya dahil isang maganda partner sa isang nerd na pangit.
Umiling ako at napansin kong nalungkot siya bigla..Tch! Bwisit. Ayoko nga eehh! Mapapahiya lang siya sakin. Baliw na siguro ang babaeng to. Marami namang may gusto sa kanya makipag partner bakit ako pa? Psh!
"Oo na!" Pabulong kong sabi pero narinig niya. At kitang kita ko ang malapad na ngiti niya. Ash! Bakit ang ganda ganda nito. Swerte ko pero siya ang malas niya akin.
Natapos ang buong klase namin at kasalukuyang uuwi na ako. Naramdaman kong may humigit ng bag ko kaya napalingon ako.
Si Thea pala..
"Samahan mo ko,Magshoshopping..Diba malapit na ang prom?"Nagpuppy eyes pa. Hash!----
A/N:
Vote and comment guys! Thank you all.-iamKJhaz.
BINABASA MO ANG
Nerdy Guy (He's Love Story)
Teen FictionKaramihan babae ang nerd.Karamihan babae ang tahimik,lonely,at mahiyain. Pero paano kapag ang lalaki ang naging isang 'Nerd' ? Yung tipong tahimik,Mahiyain,Hindi kaya ipagtanggol ang sarili,May makapal na salamin sa mata,Pero matalino. Matatawag pa...