Chapter 15♚ Graduation

102 2 1
                                    

     Ilang linggo nalang at matatapos na ang highschool year, Ilang linggo nalang at hindi ko na talaga muli makikita si Thea, Ilang linggo nalang susunod na ako kina-papa at tito para makapag aral sa france kung saan tinanggap ang katalinuhan ko.

*
"Anak?"Kaharap ko si mama na hawak hawak ko ang papel kung saan ako pipirma para pumayag.

"Payag na po ako.."Inilapag ko ang papel sa harap niya..At Umalis. Hindi ako masaya, Gusto ko lang rin siyang makalimutan.

*

Nasa Library ako, Kung saan kinasanayan kong wala akong kasama, Walang kausap, At walang kakulitan. Nasasaktan pa rin ako dahil sa mga kalokohan ng babaeng yun. Hindi naman ako gaganti, Ang bakla tignan kung ganon.

Mabilis na tapos ang klase, Umuwi agad ako. Bumalik ulit sa dati ang dati kong buhay,yung tipong wala siya. Yung walang makulit at,Madaldal. Hindi na ako sanay...

Hindi ako makatulog..
*Toktoktok*

"Anak? May bisita ka." Bigla akong napa-upo sa kinahihigaan ko. Kinabahan ako. "Sino po yon?" Sabi ko.

"Si Thea.." Aniya. Biglang may kumirot sa dibdib ko. Anong ginagawa niya dito? Gabi na eh.

Binuksan ko yung pinto ng kwarto ko at bumungad sakin ang mukha ni mama na nakangiti. Marahil hindi niya alam ang nangyari sakin at ni Thea..Hinalikan ko noo niya at nilagpasan siya. Hindi ko nakita si Thea sa baba, Nakita ko lang siyang nasa pinto at nakatalikod.

"Anong ginagawa mo dito?"Sabi ko at napaharap siya bigla. Yayakapin niya sana ako pero lumayo agad ako.

Nasasaktan pa rin ako kung hanggang ngayon niloloko pa rin nila ako. Nakaka-bobo.

"I'm sorry.."She said and she left me.

Hindi ko alam ang nangyayari sa sarili ko. Pakiramdam ko bigla nalang sumikip ang dibdib ko at hindi makahinga. Ganto pala ka sakit ang maloko. Akala ko kami yung nangloloko sa mga babae. Meron din palang mga babae.

Umakyat ako sa taas, Tinatanong ako ni mama kung ano daw ang sinabi niya sakin at agad na umalis. Ang pinalusot ko lang sa kanya ay may nakalimutan sabihin tungkol sa graduation. Napa-Ahh lang naman siya at agad naman akong pumasok sa kwarto ko. Kung saan makakapag-isa ako.

                  ---

"Mr. Gabriel Sam Francisco is our valedictorian of this end of the year.Let's give him applause." Binigyan nila ako ng malakas na palakpakan.At marahan na umakyat sa entablado."Can you please, Give us a little speech?" Sabi ng principal namin.

Ngayon ay ang araw ng Graduation. Or rather, we said this is the end of our high school year. Nakatingin silang lahat sakin ng seryoso. Marahil inaatay nila ang sasabihin ko.

"Thanks for the high school year. Alam kong may mga taong naiinis sakin. Alam kong lahat kayo ay ayaw sakin. Isa rin akong malaking bully dito sa school..Pero kahit ganyan kayo, I want you to all hear that im thankfull and glad.That's all."Nginitian ko sila. Hindi peke kundi totoo. Hindi naman ako galit para sa mga ganun kaliit na bagay lamang. Pero ang hindi ko maiwasan na magalit sa mga taong minsan ko lang minahal dun pa sa taong pinagplanuhan lamang.

Bumaba ako at nagpalakpakan silang lahat. Kumanta na rin sila ng mga nakakaiyak tulad ng 'Farewell'.. Hindi naman nakakaiyak. Hindi ako bading. -___-

May nagcongrats sakin, Pero ningingitian ko lang sila. Alam kong isang malaking plastic lamang ang mga salita at mga ngiti nila sakin. Nasanay na rin siguro ako sa mga plastic kong kaklase.

Dalawang araw nalang.Susunod na ako sa france--Kina papa at tito.Dun na ako mag aaral at mag babagong buhay.


--
A/N:
Guyss sorry late update. But i also thank you dahil binabasa niyo po ang gawa ko. ILOVEYOU ALL WATTPAD READERS. <3 :)

-Kateee.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nerdy Guy (He's Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon